Nagtatakang sinundan ng tingin ni Ginang Aria Rivera-Syquia ang bunsong anak na babae. Hindi niya maintindihan kung ano ang problema nito sa buhay. Fifteen minutes na simula noong pumasok ito sa loob ng kwarto niya, bukod sa nagpaikot-ikot doon, wala pa itong ibang ginawa kung hindi ang ngumuyngoy nang ngumuyngoy.
Nagsasalita ito sa lengguwahe na hindi niya maintindihan! At walang magawa ang ginang. Sa tagal niyang nakaratay sa kama, naisip niya na baka marami lang siyang na-miss kaya hindi niya maintindihan kung ano ang ibinubulong ng anak niya.
Sinubukan niya itong tanungin pero hindi naman siya nito pinapansin.
Naiiling na isinandal ng ginang ang likod niya sa head board ng kama. Matutulog sana siya dahil mahalumigmig ang panahon. Pero mukhang hindi niya yata iyon magagawa dahil dito sa anak niyang parang pusa na hindi mapaanak.
"A? Anong problema anak?" Matapos ang isa pang ikot ni Arya sa buong kwarto ng ginang ay hindi na ito nakatiis na tanungin ulit ang anak niya.
She called her A, dahil halos magkatunog ang pangalan nilang dalawa. Arya, Aria.
Noon lang huminto sa paglalakad ang dalagita at pagkatapos ay tumitig ito sa ina.
Matagal itong nakatingin na para bang nag-iisip. Pagkatapos ay muli itong nagpabalik-balik sa loob ng kwarto.
Napansin ng ginang na maghapon itong halos hindi mapakali. Kaninang umaga pa nga noong mapansin ng ginang na walang kibo ang anak niyang ito. At noong magpaalam si Samantha na may aasikasuhin lang ito sa Bayan, kaagad itong pumasok sa loob ng kwarto ni Aria Rivera.
Towards this daughter of her, Mrs. Aria felt that she owes her a lot. Sa loob ng labinlimang taon, ni hindi man lang naalagaan ng maayos ng ginang ang kaisa-isang anak na babae. Nakokonsensya siya at sa totoo lang ay hindi niya malaman kung paano siya babawi dito.
"Mom,"
Sa wakas ay huminto sa paglalakad si Arya. Naupo ito sa gilid ng ina at saka ito tiningnan ng seryoso sa mga mata.
Dahil sa titig ng anak, nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib ang ginang.
"Hmmm?" ngumiti nang may pang-unawa ang ginang at hinintay na magsalita ang anak. Pilit na itinatago ang kabang nararamdaman.
Sa halip na magsalita ay napakagat-labi lang si Arya. Hindi pa ito nakontento, sinimulan nitong isubo ang daliri. Marahang kinagat-kagat ni Arya ang hintuturo nito. Mula noong bumuti ang kalagayan ni Ginang Aria, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang kumain ng maayos, uminom ng gamot sa tamang oras, makipag-interact at kilalanin ng maayos ang mga anak niya, ganoon din ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Si Samantha Salvador.
Sa unang pagmamasid ng ginang, kaagad na nakaagaw sa pansin niya ang habit na ito ni Arya. Isinusubo nito ang daliri sa tuwing nininerbiyos ito.
"May problema ba, A?" May pag-aalalang tanong ng ginang sa kanyang bunsong anak.
Huminga ng malalim si Arya, na para bang napalaki ng dinadala nito.
"Ahm..." Napakagat-labi si Arya, pagkatapos ay sumulyap sa ina. "S-si ate Sam po kase, mommy," halos pabulong na anas ng dalagita.
Napakunot-noo ang ginang. Sa loob ng dalawang buwan na kasama nila si Samantha, bukod sa pagiging seryoso minsan ng dalaga, wala namang maipipintas ang ginang dito.
May ginawa ba itong hindi maganda sa kanyang anak? Kapag nangyari 'yun, hindi pu—
"Ma, narinig ko kanina, gustong makipag-divorce ni ate Sam kay kuya Arem!"
Maang na napanganga ang Ginang dahil sa narinig. Tuluyan ng nag-freeze ang isipan niya at hindi na niya naituloy ang mga bagay na bigla na lang sumulpot sa isip niya kanina.
BINABASA MO ANG
The Divorce
Non-FictionIn her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early demise. Upon waking up, Samantha promised to live her second life without regret. But first, she mus...