CHAPTER 66: Abduction (Part 3)

17 4 0
                                    

CHAPTER 66: Abduction (Part 3)

"CUT!!! Okay, si chiude. Questo è tutto per oggi! Bravi ragazzi!" (“CUT!!! Okay, let's pack up. That’s all for today! Good job, guys!”) Sambit ng director at kanya kanya naman ang mga tao sa pag asikaso upang linisin ang set.

"Yo, Haze." Bati ng isang lalaki, kapwa nito artista. "What are you going to do now? Do you have plans?"

“Oh, I do. I have a meeting after I’m done here on set.” Napapakamot sa sentidong sagot ni Haze. Tumango naman ang lalaki sa narinig niya.

“Ah, I see. Okay. You can join us next time.” Tinapik nito ang balikat ni Haze saka kumaway. “Okay, we’re leaving now.”

“Take care!”

Napabuntong hininga si Haze matapos n'yang tanawin ang mga katrabaho niya. Tiningnan niya ang kanyang phone at nakitang may mensahe ang mga kaibigan niya. Nangunguna na ang pangalan ni Kaizer na sinasabing pupunta sila sa clubhouse.

Nag ayos na ng sarili si Haze at naglakad na ito papunta sa kanyang sasakyan, agad na tumunog ang phone niya kaya naman sinagot niya ito ng hindi tinitingnan ang ID Caller.

"Hello?"

"Haze, kumusta?" Napaawang ang bibig ni Haze at mabilis na tiningnan ang screen ng kanyang phone.

"Tita," usal ni Haze. Hindi inaasahan na tatawag ang mommy ni Felicity sa kanya. "Okay lang po ako, kayo po ba kumusta d'yan?"

"Okay lang rin, ito... Inaalagaan ang chairman Lee. Si Eli ba? Kumusta naman siya?" Napakagat sa ibabang labi si Haze sa kanyang narinig. Hindi malaman kung dapat bang sagutin ang tanong na iyon.

"Ahm... O-okay naman po, hindi lang ako masyadong dumadalaw sa kanya dahil medyo busy ako sa work." Pagsisinungaling nito sa kausap.

"Hmm... Ganon ba? Nasa work ka ba ngayon? Baka nakakaabala ako----"

"Ah, hindi naman po Tita, ayos lang naman." Napabuntong hininga si Haze bago ibahin ang usapan. "Kumusta na nga po pala si Chairman Lee? Ano po bang lagay niya ngayon?"

"Ayun bumubuti naman ang kalagayan niya. Palipasin pa ng isang linggo siguradong magiging maayos na rin ang kalagayan niya." Napangiti ng tipid si Haze sa kanyang narinig. "Inatake siya sa puso dahil sa init ng panahon. Mabuti nga at naagapan agad, laking pasalamat talaga namin dahil naagapan agad ang nangyari sa kanya."

"Kailangan niya na pong mag doble ingat Tita, hindi na siya pwedeng mag tagal sa labas." Nag aalalang wika ni Haze. Narinig niya ang buntong hininga ng mommy ni Felicity.

"Yeah, yun nga... Kailangan na din s'yang bantayan para hindi mapabayaan. Oh, paano? Ikumusta mo na lang ako kay Felicity, dadalawin namin siya oras na makalabas na ang chairman Lee sa hospital."

"Sure Tita, ingat po kayo d'yan."

"Sa'yo rin, Haze."

Matapos nilang mag usap ay napabuntong hininga si Haze at hinilot ang kanyang ulo. Hindi niya aakalain na makakapag sinungaling siya sa ibang tao para lamang mapagtakpan ang nangyayari ngayon.

Ayaw n'yang maunang mag sabi sa pamilya ni Felicity na nawawala ang dalaga, gusto n'yang si Bryle mismo ang mag balita sa pamilya ni Eli dahil obligasyon nitong maging totoo sa pamilya ng kanyang asawa.

Nakapag pasya na lamang siya na pumunta sa kanyang negosyo para kitain ang mga kaibigan na nandoon na malamang sa kanyang clubhouse at hinihintay siya.

Pagkarating niya sa clubhouse ay agad n'yang pinuntahan ang pwesto ng mga kaibigan niya. Kabisado na kasi ni Haze ang paboritong pwesto ng mga ito.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon