CHAPTER 64: Abduction (Part 1)

43 3 0
                                    

CHAPTER 64: Abduction (Part 1)

"Alam niyo hindi parin ako maka move on sa nalaman ko. Biruin mo yun may kumidnap kay Felicity sa hospital?! Akala ko sa mga movie lang yun nangyayari, pati rin pala sa tunay na buhay." Sambit ni Kurt habang naglalakad silang tatlo nila Kaizer at Leviathan papasok ng clubhouse ni Haze.

"Oo nga eh, pero hindi malabong totoo ngang may kumuha kay Felicity. Maraming kalaban si Calix sa negosyo, pwede rin na gusto lang nila na pagkakitaan ang skills ni Felicity since sikat s'yang painter dito sa Italy." Sang-ayon naman ni Leviathan sa sinabi ni Kurt.

"Oo nga, dre. Siguro gusto rin nilang humingi ng ransom sa pamilya ni Felicity, o kaya kay Calix." Naiiling na komento naman ni Kaizer.

"Grabe ang solid ng naisip nung kidnapper kung hihingi siya ng ransom. Ang yaman pa naman ng pamilya ni Felicity. Tapos isama mo pa na asawa ni Felicity si Calix." Natatawang dagdag pa ni Kurt. Nakarating sila sa loob ng clubhouse at mabilis silang binati ng ilang mga crew na kilala na sila. Giniya sila papunta sa VIP room kung saan madalas silang tumatambay.

"Para sakin tama lang naman na humingi ng tulong si Calix kay Zeke. Mas maraming kilala si Zeke na makakatulong para mahanap kung sinong kumuha kay Felicity. Hindi magtatagal mahahanap rin ni Zeke ang sagot at kapag nalaman yun ni Calix, ewan ko na lang kung anong mga susunod na mangyayari." Naiiling na sambit ni Kaizer.

"Hay! Talaga naman yang problema na yan! Hindi nawawala sa buhay!" Komento ni Kurt sa sinabi ni Kaizer. Agad namang natawa si Kaizer at tiningnan ang kaibigan.

"Eh Kung ako nga si Calix baka ipapatay ko pa sa assassin yung kumuha sa asawa ko eh. Hahaha" halos sabay na napangiwi sina Kurt at Levi sa narinig nila mula kay Kaizer.

"Napaka brutal mo naman." Ngumunguyang komento ni Leviathan.

"Dapat lang! Para malaman ng lahat na hindi pwedeng kantiin ang isang tulad ko. Ayokong may ibang hahawak sa asawa ko, ako lang dapat." Maangas nitong litanya na may pag smirk pa. Tinapik naman ni Kurt ang balikat ng kaibigan.

"Naks! Ang tanong, may papatol ba sa'yo? Di ka nga marunong mag seryoso!" Ngising pambabara nito na agad namang inismiran ni Kaizer kahit narinig niya ang pagtawa ni Leviathan sa sinabi ni Kurt.

"Tangina mo! Lahat ng tao dadating sa puntong magiging seryoso na sila sa buhay dahil may rason na sila para maging seryoso! Kung hindi ka naniniwala sa ganon, h'wag mo akong idamay, tanga!" Singhal ni Kaizer kay Kurt dahilan upang matawa lalo si Leviathan sa dalawang kaibigan na nag babangayan.

"Oo nga naman, may point si Kaizer. Hahaha" sang-ayon ni Leviathan. "Si Haze kaya? Nakarating na ba dito? O wala pa?" Mayamaya ay komento nito sa kawalan.

"Hindi ko alam, hindi ko pa naman napansin." Kibit balikat na sagot ni Kaizer habang umiinom ng alak.

"Oo nga pala, si Haze nga pala best friend niya si Felicity. Malamang isa rin siya sa namomroblema ngayon." Biglang sambit ni Kurt dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya.

"Oo nga 'no, hindi lang niya best friend si Felicity, di ba? Dati niya rin yun minahal. Hahaha" dagdag pa ni Kaizer.

"Tapos naging ka fixed marriage pa niya bago malaman na inunahan na pala ni Calix? Hahaha" dagdag rin Leviathan dahilan para matawa silang tatlo sa kanilang usapan.

"Wow... Tawang tawa mga dre?" Bigla silang napalingon sa kanilang gilid nang biglang nagsalita si Haze mula sa direksyon na 'yon, mas lalo lamang silang natawa nang makita nila na nakangiwi ang reaksyon ng kaibigan habang nililipat lipat ang tingin sa kanilang tatlo.

"Oh! Haze! Kanina ka pa ba d'yan?" Natatawang bati ni Kaizer at mabilis na umusog upang makaupo si Haze sa tabi nila.

"Hindi naman, pero narinig ko parin naman yung pang ba-backstab ninyo sa'kin." Biro ni Haze at muli na namang nag tawanan ang tatlo.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon