CHAPTER 62: Nowhere (Part 1)
Tatlong katok sa pinto bago magbukas at bumungad ang lalaking pula ang buhok at may pilyong aura.
"Uh, hello?" Nag aalangan pang bati ng binata kay Bryle at napatikhim, "Pasensya na, hindi kita kilala-----"
"I'm Bryle Calixus Caje and I want to talk to you." Seryosong sambit ni Bryle na agad namang ikinatango ng binata.
"Pumasok ka." Sambit ng lalaki na mabilis namang sinunod ni Bryle. Naglakad ito papunta sa sofa at naupo. "Anong kailangan mo? Bakit ka pumunta dito?" tanong sa kanya dahilan para mapatikhim si Bryle bago sagutin ang tanong ng lalaki.
"May inutusan ako para imbestigahan ang isang taong gusto kong malaman ang pagkatao. Pero hindi niya tinapos ang trabaho niya sa'kin. Nag resign siya dahil sa hindi malamang dahilan. Wala s'yang sinabi sa'kin, ibinalik niya lang ang perang ibinayad ko sa kanya." Seryosong pagkukwento ni Bryle. "Gusto kong subukan ang kakayahan ninyo. Kahit magkano, babayadan ko."
"Hmm. Seryoso ka ba d'yan Mr. Caje? Hindi kasi kami basta basta tumatanggap ng mission kung hindi galing sa'ming organization." Walang emosyong sambit ng lalaki kay Bryle. Kumunot noo ito at tila nag isip ng maisasagot sa lalaki.
"Kahit magkano, babayaran ko kayo." Marahang napatango ang lalaki, tila natuwa sa sinabi ni Bryle sa kanya. Napahalukipkip ito at bahagyang tinagilid ang kanyang ulo.
"Sigurado ka bang kahit magkano ang sabihin namin ay babayaran mo kami?" Paniniguro nito. Agad namang naglabas ng cheke si Bryle at saglit niya itong sinulatan bago ibigay sa lalaki.
"$1.5 billion para lang utusan kayo. Iba pa ang bayad ko kapag nagawa niyo na ang trabahong ipapagawa ko." Agad na ngumisi ang lalaki at walang pag dadalawang isip na kinuha ang cheke mula kay Bryle. Inamoy amoy pa nito ang papel na tila sinisimulan itong sambahin.
"Woah! Dapat kanina mo pa sinabi! Ano ba yung ipapagawa mo?" Natutuwang sabi nito saka tumikhim. Inayos niya ang sarili niya bago ilahad ang kanyang kamay. "Mabilis naman akong kausap, pwedeng pwede kaming mag simula kung kailan mo gusto. Ako nga pala si Lorx. Isang secret agent. Mas kilalang assassin sa organization ng ZERO! Nice meeting you, Mr. Caje!" Ngising pagpapakilala nito kay Bryle.
"Hmm. Lorx." Napasandal si Bryle sa kanyang kinauupuan tila iniisip ang kanyang susunod na sasabihin. "Mabuti naman at papayag ka na, akala ko papahirapan mo pa akong kumbinsihin ka."
"Teka, paano mo pala nalaman ang tungkol sa kakayahan namin?" Tanong ni Lorx.
"Narinig ko noong minsan na nag punta ako sa isang cafe. Kilala ka doon at may isa pa nga silang pangalan na binanggit. Kung hindi ako nag kakamali Gon ang pangalan niya."
"Ah yung side kick ko? Mahina naman yun, ako na lang ang utusan mo. Siguradong wala pang isang linggo tapos ko na ang problema mo." Confident nitong sambit.
Sa narinig ni Bryle ay agad s'yang napangiti. Ito ang gusto n'yang marinig, ang pagiging confident ng taong uutusan niya.
Inilabas ni Bryle ang litrato ni Jacob at agad niya itong inabot kay Lorx.
"Gusto kong alamin mo ang lahat lahat sa pagkatao niya. Anong buong pangalan niya, pamilya niya, saan siya nakatira, anong pinag aralan niya, ano ano ang mga negosyong hawak niya. Lahat lahat sa kanya ay kailangan mong alamin at gusto kong wala kang makakaligtaan sa impormasyon ng taong ito. Malinaw ba?" Seryosong sambit ni Bryle sa binata na agad namang ngumisi at kinuha ang litrato.
"Yun lang ba? Hindi mo ba ipapapatay sa'kin? Kaya kong gawin ang lahat, Mr. Caje." Inosenteng tanong nito kay Bryle na mabilis naman ikinailing ni Bryle.

BINABASA MO ANG
DESTINED VOWS
RomantikKUWEI SERIES 2 | HOT GENTLEMEN SERIES 1 ••READ AT YOUR OWN RISK•• Felicity Rose is the pampered daughter of one of the Lee family members. She is the youngest and has been selected to inherit a resort due to her exceptional business acumen within th...