CHAPTER 74: When Innocent Eats By The Beast (Part 2)

23 2 0
                                    

CHAPTER 74: When Innocent Eats By The Beast (Part 2)
Felicity POV

Napatingin ako kay Aeun nang bigla itong tumayo. Nag paalam siya na mag re-restroom lang daw siya. Kaya naman hinayaan lang namin s'yang umalis. Nang kami na lang ni Haze ang nasa pwesto namin ay mabilis akong tumitig sa kanya.

Pagkakataon ko na para mag tanong sa kanya. Hehehe.

"Ahm. Haze, pwede mag ta-----" natigil ako sa akmang sasabihin ko, nag tatanong na nga pala ako kaya malamang pwede mag tanong.

Hay! Wag ka ngang tanga Felicity Rose Lee! Okay! Take two!

"Haze, di ba nag uusap kayo nila mommy? Kumusta si zhuxi?" Nakangiting tanong ko, tiningnan naman niya ako at nginitian ng bahagya.

"Nasa hospital pa rin ang chairman Lee, pero sabi ng mom mo medyo maayos na rin naman daw ang lagay ng lolo mo."

"Ah... Kinausap ko kasi si mommy kanina kaso hindi ako nakapag tanong sa kanya, dahil na rin sa puro siya lang yung nag sasalita." Napanguso ako nang maalala ko ang kaninang usapan namin ni mommy. Kinakamusta niya ang lagay ko. Paulit ulit s'yang nag tatanong hanggang sa mag paalam na lang siya dahil may gagawin daw siya. Ayan tuloy, hindi ko natanong kung kumusta ba si zhuxi.

"Miss na miss ka lang ng mom mo, at syempre nag alala siya sa nangyari sa'yo." Nakangiting usal ni Haze at tinapik ang balikat ko. "Pwede mo naman silang kumustahin mamaya o bukas. Siguradong makakausap mo na ng maayos ang mom mo."

"Hay! Siguro nga bukas na lang!" Nakangusong sang-ayon ko.

"Pwede rin namang tawagan ko ngayon, kung gusto mo silang kausapin ngayon." Bigla ay suwestyon ni Haze. "O kaya naman ay bumista tayo sa Pinas at dalawin ang chairman Lee. Ano sa tingin mo?" Agad akong natuwa sa sinabi niya, pero agad rin na nawala ang ngiti nang maalala ko ang mga pinag usapan namin ni Brent kanina.

"Hindi ko alam kung free ako, kasi kailangan ko na pumasok sa work... Ilang araw na rin kasi akong absent." Medyo dismayadong usal ko na ikinatawa naman ng mahina ni Haze.

"Hmm... Alright. Sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong ko, babe." Nakangiting sabi niya at uminom ng wine. Napangiti rin ako habang pinapanood s'yang uminom ng wine.

"Oo nga pala Haze, alam mo ba yung tungkol kay Aeun? May nanliligaw na sa kanya." Para namang hindi pa makapaniwala ang reaksyon ni Haze nang sabihin ko yun sa kanya.

"We? Talaga? Sino naman ang papatol sa kanya?" Ngising tanong ni Haze. "Kung hindi siya mag aayos ng sarili niya at hindi aakto na bossy. May mag kakagusto talaga sa kanya, pero kung ganyan siya, mataray pa. Sino naman ang magtatangka na ligawan siya?" Napangiwi na lang ako sa pinag sasabi ni Haze. Wala ba s'yang tiwala sa ganda ng kaibigan namin? Bakit ganito siya kung mag salita? Hay! Minsan gusto kong tanungin kung nag seselos ba siya kapag sinasabi kong may nanliligaw kay Aeun eh!

Teka nga...

Hindi kaya...

May gusto si Haze kay Aeun!?

Oh my gad!

Friendship over ito kapag nalaman ng lahat!

Oh no!

"Pft. Hindi naman ako nag seselos 'no, mali ka babe. Nag bibiro lang naman ako sa mga sinabi ko eh," natatawang sambit niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Maraming mag kakagusto kay Aeun dahil napaka dedicated niya sa ginagawa n'yang trabaho. Isa pa, may charm siya na siguradong mapapansin ng mga kalalakihan. Hindi naman totoo yung mga sinabi ko kanina, ano ka ba naman nag bibiro lang naman ako kaya wag ka nang mag isip na nag seselos ako. Hahaha" Litanya niya. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

DESTINED VOWSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon