The Apocalypse: Chapter 2

2.6K 47 1
                                        

Binuksan ko agad ang gate nila Criz. Mabuti na lang at hindi nagcreek ito, kung hindi patay ako dun sa dalawang zombie!

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto. Tumingin-tingin uli ako. When the coast is clear.. Marahan kong tinawag si Criz. Wala akong naririnig na reply.. O katok man lang.. Nakita ko ang trail ng dugo papunta sa kitchen nila.. Pumasok ako..

"Criz?? Andito ka ba? Katok ka naman oh?" pabulong kong sinabi.. Habang dahan-dahan akong naglalakad. Tipong nakataas yung dalawang kamay ko na may hawak na kahoy, na akala mo nakahawak ng baseball bat.

"Criz?", sinusundan ko parin yung dugo.. Isipin mo nalang paint na red yan, okaya floor wax! Pero, ang baho!

Hinawakan ko ng isang kamay ang ilong ko at dahan-dahan itong pinisil, sa gayon, di ko maamoy ang baho.. Nang marating ko na yung gilid ng kitchen kung saan natatapos yung trail ng dugo, laking gulat ko nang makita na nakadapa at magkapatong ang katawan ng parents ni Criz. Oh, my.. Wala na akong nasabi. Ang tapang ni Criz. Sa isip isip ko.

Biglang may kumalabog sa sala.. Baka si Criz! Pero hindi agad ako nagmadali. Dahil baka hindi ito si Criz or baka si Criz 'to pero hindi talaga siya si Criz, malay ko ba! Basta yun na yun. Wag naman sana. Dahan-dahan parin akong naglalakad. Wala akong naririnig na anumang ingay kundi yung kumalabog lang kanina.. Baka yung pusa nila Criz? Wala naman silang pusa! Shunga!

Nakasandal na ako sa pader, sumilip lang ako sa kanan ay makikita ko na ang buong sala.. Pero kinakabahan ako.. Paano kung si Criz nga ito, pero hindi na siya si Criz na bestfriend ko. Ano na ang gagawin ko? Paano na ako? Parang hindi ko kaya...

Si Criz lang ang nakakaintindi sa akin, lalo na pag nagkaka-tantrums ako. Naiiyak na ako habang iniisip yung mga sandaling naghaharutan kami ni Criz at kung anu-ano ang pinagkukwentuhan.

Nilihis ko ang isip ko sa posibilidad na ibang Criz na ang makikita ko. Marahan kong ginalaw ang ulo ko papuntang kanan.. Tuhod! Nakakita ako ng tuhod!! Damn! Maiiyak na talaga ako! Criz! Wag naman sana.. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa! Tutal si Criz din naman ang zombie na makikita ko, magpapakain nalang ako sa kanya!

Inihakbang ko na ang mga paa ko papunta sa tuhod na nakita ko, tumakbo na ako habang nakataas ang dalawang kamay na aktong hahampasin yung nilalang sa harap ko.

"Whoa! Whoa! Hey! Hey! Chill, Gab!", nataranta ngunit pabulong/pasigaw ni Criz sakin. Lumaki ang mga mata ko.. May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko sa sobrang kasiyahan na makitang ligtas ang kaibigan ko.

"Criiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii--"

"Sssssssshhh!" pinutol niya yung madamdamin kong tawag sa kanya. "Huwag ka ngang shunga, Gab! Alam mong may zombie pa sa labas.. Sisigaw ka? Addict ka ba?" nag-face palm na sabi ng kaibigan ko.

"Na-excite lang naman ako, Criz eh... You know, I'm so worried about you," nag-puppy eyes akong tumingin sakanya.

Nakita ko na naman sa mga mata nito ang malapit na pagbuhos ng iyak nito. "Oy. Huwag naman, sabi mo may zombie pa sa labas tapos iiyak ka. Alam mo namang malakas kang humagulgol no," pangungutya ko sa kanya.

Bigla naman akong hinampas nito. Nagkatinginan kami sa mata. Lumapit ako sa mukha niya... Palapit pa.. Lapit pa.. Yung ilong namin inches nalang ang pagitan. Konti nalang.

"Hoy!" bigla akong binatukan ni Criz. "Ano bang ginagawa mo?! Parang tanga 'to!" nangiti niyang sabi.

"Bugok! Tinitignan ko kung may infection ka! Mukhang sumubsob ka e," siya naman itong dinagukan ko.

Tumawa siya na akala mo nanalo sa pustahan. "Sus! Wala no. Ako pa, astig ata 'tong bestfriend mo!" dahil sa sinabi niyang yan, binigyan ko siya ng yeah-right-look.

Tumayo na ako't umakyat sa taas sa kwarto namin.. Este sa kwarto niya. Sumunod naman siya sakin.

"Criz, kailangan nating magsuot ng astig na damit!" binatukan na naman ako.

"Hello?! Ang init-init. SUMMER po kaya?! Hello?!" inemphasize niya pa ang word na summer.

"Hiiiii! Alam ko, kaso kailangan natin. Para kapag may humablot man sa atin ay hindi nila tayo agad magiging infected. Duh," tumango-tango naman siya nang marealize niyang may point ako. Pero, bakas sa mukha nito ang hindi pa rin pagsang-ayon sakin.

"Eto! Suotin mo!" sabay bato ko sa kanya ng isang jeans.

"Ito pa.." binato ko siya ng jacket. Tama lang ang kapal.

"Teka! Bakit mo ba binubuksan drawer ko?!" sinusuot na niya ang jeans na binato ko.

"Hello, magiimpake na po tayo. Hindi naman pwedeng mag-stay tayo dito," sabi ko sakanya habang hinahalungkat ang gamit niya.

"Hindi mo naman kailangan ibato 'no!" naramdaman kong umirap siya.. Ngumiti na lang ako.

Habang nagbibihis siya ay lumabas ako at pumunta sa kwarto ko. Sakanila kasi ako nakatira dahil magbestfriend din naman ang mga mama namin. Naghanap ako ng pwedeng magamit na panglaban sa mga zombies.

Aha! Here you are my sweet sweet baby. Mabilis kong niyakap ang aking teddy panda. YES! TEDDY PANDA. Namiss ko kasi siya. Ehh. Tama na.

Seryoso, kinuha ko ang nasa likod ni Po, ang aking Junior! Ang aking Baseball bat. Oyeah! Sumigaw ang utak ko. Dahil nakakita ako ng alas. Biglang bumukas ang pinto ko, at nakita kong nakaayos na si Criz.

"Kahit ba naman Apocalypse na? Nakuha mo pang magkaroon ng sense of fashion?" asar ko sakanya.

"Oo naman no! At syempre nagsuot na rin ako ng jacket," pagmamayabang niya akala mo may sense of fashion talaga.

"Malamang, ayan kaya yung binato ko sayo. Teka? Naligo ka na ba?" tawa ko. Hinagisan niya ako ng isang malaking backpack. Kulay blue ito.. Ito yung pang hiking namin na bag ko.

"Oo kanina pa, gaga! Nung wala ka pa," inirapan na naman ako. Lokong 'to ah. Isa pang irap nito tutusukin ko mata nito.

 "Ano armas mo aber?" tanong ko sakanya.

"Frying pan. Effective yun," nakakalokong ngiti ang pinukol niya sakin. I just rolled my eyes.

"Whatevs. Oh, hold this," hinagis ko sa kanya yung baseball bat. Natuwa naman ako sa reaksyon niya na parang naasar.

Sinumulan ko nang kumuha ng gamit.. Jackets, Jeans, Shirts, Underwears, Sando, etc. Tapos kinuha ko na rin yung si Po. Ayoko namang iwanan siya dito.

"Great, now you bring your Po? Such a baby," tinaasan niya ako ng kilay.

"Duh, kailangan ko parin ng masasandalan," para akong bata nung kinuha si Po at niyakap. "Please?" nagpuppy eyes ako sakanya. Alam kong effective 'to.

"Okay, fine! Just be sure na hindi mo iwawala yan," ngumiti naman agad siya. "Wait hindi ka maliligo? You stink na e," dagdag nito.

Umismid ako. "Stink mo mukha mo. Fine... Wait there," sabay pasok sa banyo ko. 

Nang matapos ko na ang lahat, amoy baby na ako, at nailagay ko na ang mga dapat kailanganin sa aming paglalakbay.. It's time to go! Rock en Roll na, Baby!

"Umm? Saan pala tayo pupunta, Gab?" tanong ni Criz. At doon ako napaintag sa sinabi niya. Oo nga naman saan kami pupunta? 

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon