Kinuha nila yung Jacket at Shirt ko. Chinecheck ata nila.. Tinignan ko pa rin mga kasama ko. Wala pa rin mga reaksyon. Ano ba yan?! Biglang nagsalita yung babae.
"Don't move, okey?", may accent din yung babae. Bigla niya akong piniringan sa mata. "Okey, face us..", tuloy niya. Wtf?! Ano trip ng mga 'to?
"What do you want?!", tanong ko sa kanila.
"You talk too much, Man. Just do what we demand!", sabi nung lalaki. Gagong 'to ah.
"Fine, what are you demanding then?", tanong ko. Hindi man lang ako binaback-upan ng mga kasama ko. Galing diba?
"Put your pants down..", sabi uli nung babae at humawak sa abs ko. Abs talaga eh. Naririnig kong napapahagikgik siya. Pinagtitripan nga ako nito.
"C'mon, Lady. Don't fuck with me.", sabi ko.
"Tch.. Stay calm, Handsome.", sabi niya at humawak sa balikat ko, naramdaman kong nasa likod ko siya. "I don't bite.", bigla siyang bumulong sa tenga ko. Kaya napatayo ang balahibo ko sa batok at umiwas sa babae.
Naramdaman kong ngumisi yung babae dahil sa paghinga niya sa tenga ko.
Bigla akong kinagat nung babae sa tenga. Kaya nag-init ako. Anak ng putcha naman oh! Sige nga ikaw, paghubadin ka, hindi mag-iinit ulo mo? Tapos ngayon pinaghuhubad ka pa ng pants mo?
"I told you not to fuck with me, Lady.", sabi ko ng kalmado.
"Tss, I'm gonna play with you, Boy.", sabi nito. "..Do you want something bad happen to your friends?", tapos malanding humagikgik 'to.
"Don't touch them!", sabi ko. Medyo napalakas boses ko. Kaya naman hinampas ako ng baril nung babae sa balikat. Dahil siya lang naman nasa likod ko. Maliban nalang kung yung lalaki pala yun. Astig diba?
"Don't hurt me.", biglang sabi ng kapatid ko. What the fuck! May baril kasi kaya hindi ako makalaban.
"Fuck you! Okey! Fine. Just don't touch my Sister!", sabi ko at sinimulan ko nang hubarin yung pants ko. Nang...
"Fuck, Brother?! Seryoso ka talagang maghuhubad?", sabi nung lalaki, kaya naman tinanggal ko yung piring ko.
Nakita ko ang kupal na si Yusuke sa harap ko at tumatawa. At nung nilingon ko yung nasa likod ko, si Johy.
Mga hayup!
"Gago kayo!", inis na inis ako at tinaas yung pants ko, buti nalang hindi ko pa nabababa masyado. Hanggang sa pwetan palang. Tawa lang sila ng tawa. Mga mukhang tanga.
"Yan kasi! Karma ka tuloy.", sabi ng kapatid ko. Dinagukan ko si Yusuke.
"Inamo, Brother!", tapos natawa na rin ako. Para kasing tanga yung tawa ni Yusuke. Parang biik na ewan. "Nga pala, si Law--"
"I already know them, Bro.", sabi sakin ni Lawrence at saka umapir sa dalawa. Nagtaka ako kung paano?
"Huh? Paano?", tanong ko.
"Diba kanina nawala kami? Tinawag kami ni Johy.", paliwanag ni Criz. Ah tangina kaya pala! sa isip-isip ko. "Kasama namin siya sa CR kanina. Haha! Pero hindi namin alam na may mga zombie nung palabas kami.", tumatawang sabi ni Criz.
Tinignan ko ng masama si Criz kaya tumahimik 'to. Tumingin ako kay Anne, at lumapit.
"At ikaw, alam mo ba 'to?", tanong ko sa kanya. Kasi kung oo, magagalit na talaga ako. Feel na feel ko pa namang protektahan siya kanina.
"Oo..", sabi niya. Kaya naman nahilamos ko ng wala sa oras yung kamay ko sa mukha ko. "Ngayon ko lang nalaman, Gabrielle.", dugtong niya. Kaya nabawi yung galit ko.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...