Mas naging maingat nga kami nang mga sumunod na araw. Walang araw na hindi kami kinakabahan dahil baka mamaya-maya lang ay sinusugod na kami ng militar. Halos lahat kami napaparanoid sa mga posibilidad na mangyari.
"Bakit ba hindi na lang kasi tayo umalis?", pang-sampung beses na tanong na sa akin ni Criz 'to.
"We can't attract attention, Criz. At paniguradong nagmamasid pa ang mga militar na 'yun sa malayo. We'll never know.", andito kami ngayon sa pangalawang base na ginawa namin dalawang street ang pagitan sa bahay na tinutuluyan namin. We made this para kung atakihin kami, maitatago namin ang iba rito.
"We'll never know kung hindi tayo kikilos.", she retorted.
"What?! Are you out of your mind?! We can't sacrifice our safety para lang dyan. It's better to stay hidden, okay?", I hissed at her. Nababaliw ako kay Criz.
"Fine! But we don't know kung nakasunod lang sila sa atin or what!", pagpupumilit niya. Mas maganda na raw na lumayo kami rito lalo na't nalaman naming may mga nakapaligid na militar.
I shook my head. "No, Criz. Rumuronda si Megan sa iba'-ibang village at sa ibang lugar. Magrereport siya sa atin.", I tried to reason out.
"Bakit ba palaging si Megan na lang huh?!", iritang tanong nito na naka-cross arms pa.
"Not this again.", palagi na lang naming pinag-aawayan si Megan. Ewan ko ba kung bakit. Pero, dati naman hindi siya asar kay Megan.
"Ewan ko sayo.", tumayo siya at iniwan ako. Napabuntong-hininga na lang ako. Stress kailan ka ba mawawala?
One week after, magkagalit pa rin kami ni Criz, hindi ko siya maintindihan. Hindi niya ba naiisip na mas safe kami rito? She still insist na umalis kami rito para mas safe. Mas lalo kaming mahahanap ng military guys kapag gumawa kami ng galaw. God, that girl.. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya. Pinadaan ko ang kamay ko sa ngayong mahaba ko nang buhok. Kailangan ko na pagupitan 'to sa kapatid ko. Napabuntong-hininga ako at sinuot sa balikat ko ang dadalhing gamit para sa raid na gagawin ngayong tanghali.
"Okay na ba?", tanong ko sa kanila. Tumango sina Yusuke at Johy. Hindi naman kasama si Criz ngayon dahil kasama daw namin si Megan. Kaming lima lang ngayon, ako, sina Yusuke, Johy, Megan at Anne ang magraraid.
"Ikaw, okay ka ba?", tanong ni Megan na tumabi sa akin. Tumango ako at nginitian lang siya.
"Sabi mo eh.", sabi niya at tinapik ako sa pwet. Napailing na lang ako rito.
"Tara, let's move out!", sabi ni Yusuke at sumakay na sa kotse niya. Sumunod na rin kami, si Megan at si Anne ang kasama ko sa kotse. At alam niyo na kung sino ang magkasama sa kotse ni Yusuke.
Umuubo si Anne sa likod ng kotse kaya napatingin ako sa kanya through rearview mirror.
"You okay?", tanong ko rito.
"Yeah, medyo masama lang pakiramdam ko.", sabi nito at ngumiti.
"Dapat pala hindi ka na sumama.", sabi ko as I frown.
"No, don't worry, kaya ko naman eh.", pilit niya pero naubo rin.
"Huwag ka na lang kayang lumabas mamaya, dito ka nalang sa kotse at magpahinga.", sabi ko rito. Magsasalita sana ito. "No, Anne. You should rest here, okay?" Tumango na lang siya at humiga sa backseat.
Nakarating kami sa isang maliit na grocery store, parang katulad ng Puregold pero maliit pa ng kaunti rito. Dahan-dahan naming pinasok 'to, looking cautiosly in different directions through the glass doors. Wala akong nakitang gumagalaw sa loob kaya nag-gesture ako ng okay. Ako ang naunang pumasok sa entrance nito, dahan-dahan kong binuksan ang glass doors habang nakatingin sa mga stall.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misteri / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...