The Apocalypse: Chapter 16

1.3K 24 3
                                        

Naglalakad kami ni Anne sa Ground Floor. Pero wala pa rin kaming makitang bakas nina Criz. Bakit ngayon pa nangyari 'to?! Napabuntong hininga nalang ako. Biglang tumigil si Anne sa paglalakad at pinigilan ako.

"Saglit lang, Gabrielle.", bulong niya sakin at naghand sign na tumahimik ako. Yung parang sa logo ng Victoria Court.. Haha! Victoria Court.. Good times, good times.. Napailing ako sa naisip ko, at pinakinggan ko ang paligid ko. Nakarinig ako ng mahinang ungol papunta sa pasilyo ng cr..

"Silipin ko?", tanong niya sakin. Umiling ako. At naghand gesture din na parang sa Victoria Court. Haha! Victoria Court.. Haha! Good Times, Good Times. Ano ba?! Wala ako sa mood mag-isip about sa isang Motel! Binatuk-batukan ko sarili ko..

"Anong ginagawa mo?", bulong niya.

"Am, eh.. Wala.. Iniisip ko lang sina Criz.", bulong ko sa tenga niya. Dahilan para makiliti at sikuhin ako. Eh, problema nito?!

"Tumigil ka nga.. Nakikiliti ako.", sabi niya at inirapan ako. Hala?

Hindi ko nalang pinansin, dahan-dahan kaming sumilip sa pasilyo, at dun namin nakita ang dalawang magnanay ata na zombie na may nilalapang sa lapag. Tinignan ko yung damit... Shit! Please! Don't be Criz! Don't he Criz! Nawala na ako sa sarili ko nung makita ko yung buhok nung nilalapang nila. Agad kong sinugod yung dalawa at pinaghahampas sa ulo. Hindi ko napansin na lumuluha na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nawalan na ako ng kaagapay. Wala na si Criz! Ayan ang sigaw ng utak ko habang binabasag ang bungo nung magnanay na zombie.

"Gabrielle!", mahinang sigaw sa akin ni Anne at biglang niya akong niyakap.

"Wala na si Criz eh!", hinahampas ko pa rin yung ulo nung nanay. Siya kasi yung lumalamon ng dibdib ni Criz. Yun kasi ang pang-asar ko sa kanya. Malaki kasi! "Wala na si Criz, Anne! Patay na siya!", bigla ko siyang tinabig.

"Hoy, Gago?! Sinong patay?", biglang may nagsalita sa likod. Kaya nilingon ko. Biglang nagslow-motion ang paligid ko nang makita ko si Criz! Oo! Si Criz! Buhay pa siya.

Nilingon ko yung nilalapang kanina ng mga zombie. At iningat ang mukha. Tama, hindi si Criz 'to. Di hamak na mas maganda ang Criz ko dito. Kaya tinayo ko si Anne at humingi ng pasensya.

"Sorry. Hehe!", kamot-ulo kong sabi. At sinuklian naman niya ako ng isang napakasarap na batok sa ulo, na sinundan pa ni Criz.

"Umm, Guys.", boses naman ni Lawrence galing sa pintuan ng CR. "Baka gusto niyo naman akong tulungang maka-alis dito?", at nginuso yung patayong zombie - yung nilalapang kanina ng magnanay. 

"Kaya mo na 'yan!", sabi ko sa kanya. 

"Gago ka talaga, Bro! Tulungan mo ko dito!", sabi niya halatang pinipigilan niyang sumigaw. Kaya lalo akong natatawa. Nakatayo na yung zombie at palapit na sa kanya. Natatawa na ako dahil halatang nang-gigil na si Lawrence.

Kaya naman nung palapit na sa kanya yung babae ay binangasan na ni Anne 'to. 

"Aw! Ang KJ mo naman Anne.", sabi ko na nakapout pa. Binatukan naman ako ni Criz. 

"Gago ka talaga! Papatayin mo pa kapatid mo sa kalokohan mo. Tapos iiyak ka? Shunga!", inirapan ako ni Criz at saka tumalikod. Problema nito?

Pag harap ko sa direksyon ni Lawrence ay hinampas ako sa balikat. 

"Fuck you!", sabi sakin at nagdirty-finger. At sinundan si Criz. 

"Tsk tsk.", napailing-iling si Anne. 

"Whaaat?", sabi ko.

Sinusundan namin sina Criz, kasabay ko pa rin si Anne. Biglang tumingin sakin, tapos inirapan na naman ako. Hindi naman napansin ni Anne at Lawrence ang pag-irap niya kaya di ko pinansin.  Baka 'meron'. Sa isip isip-ko.

Umakyat kami ng second floor. Hays, lakad dito, lakad dun. Nakakapagod ah!

Bigla kaming nakarinig ng kalabog sa may Foodcourt kaya takbo-lakad ang ginawa namin. Syempre nag-iingat lang po.

Nang makarating kami sa Food Court ay yumuko kami bigla.. Hindi namin alam kung tao pa ba ang makikita namin. Nag-iingat nga kasi!

Sumilip ako, wala akong makita na tao o zombie man lang. Kaya sinenyasan ko sina Anne na pupuntahan ko yung mga counters. Tumango naman sila, kaya marahan akong naglakad. Hindi ko alam nakasunod pala sakin yung tatlo.

"Hoy! Ano ginagawa niyo?!", bulong ko sa kanila. 

"Sabi mo pupuntahan natin.", sagot ni Lawrence kaya napa-facepalm ako. 

"Hindi yun ibig kong sabihin--", napatigil ako dahil biglang may nagsalita.

"Look what we've got here, Mate!", sabi nung lalaki na nasa likod ko, di ako makatingin, dahil nararamdaman kong may baril na nakatutok sa likod ko. 

"Get up, Man.", sabi nung lalaki. Mukhang may lahi dahil may accent pa ang hayup. Kaya tumayo ako. Nakita kong walang reaksyon mga kasama ko. Baka natatakot sila? Kailangan ko maging superhero nito!

"What do you want, Man?", tanong ko sa lalaki. Naramdaman ko namang lumapit na yung kasama niya. Dahil narinig ko yung yabag.

"You... Take your jacket and shirt off.", sabi nung kasama niya, babae. 

"What?! Are you kidding m--", bigla akong tinutukan sa batok. Kaya naman naghubad ako ng jacket at shirt.

================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

P.S. Sorry for the late update, Guys. Busy lang this finals for Speech Comm. Yanyo, si PagIbig naman naguupdate for us. Yey, Pagibig. Bukas na Finals namin, wish me luck. Ü 

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon