Ilang minuto na rin kaming naghahanap ng bala. Pero wala pa rin kaming makita. Nakakainis na. Halos bulabugin na namin yung mga drawers sa kwarto nila Mama. Pero wala pa rin!
"May nahanap ka dyan?", tanong ni Criz kay Lawrence. Umiling naman si Lawrence. Lumapit sila sakin.
"Gab, wala kaming mahanap.", sabi ni Criz. Napatingin ako kay Lawrence.
"Lawrence! Naalala mo nung naglinis tayo nang bahay dati at may isang tool box si Papa?", tanong ko at tumango naman siya. "Err. May nakita kasi akong isang magazine dun.", tuloy ko.
"Yun ba? Hala, Bro. Nasa kotse ni Papa yung tool box niya.", nanlumo naman ako sa sinabi nito.
"Ganun ba.. Tsk.", Paano na 'to? Tanong ko sa sarili ko.
Lumabas naman si Anne sa terrace. At tumingin samin. Naghahanap pa siguro ng bala. Kaya nagkibit-balikat ako at napayuko ito. Nilapitan siya ni Lawrence.
"Ilan natumba mo?", tanong nito.
"Labing apat.", nagulat ako sa sinabi niya. Ibigsabihin walang mintis? May sobra pa? Ang galing.. Wala akong masabi. "May natitira pang lima sa apat pa. Total of eighteen zombies outside.", dagdag pa nito.
"Ano pa hinihintay natin? Tara na't pasabugin mga bungo niyan!", sabi ni Criz.
"Huh?! Wait! Paano?", sabi ko naman na ikinataka nila. Kaya binatukan ako ni Criz.
"HELLO?! Kaya nga may gamit tayo eh.", napakamot-ulo ako.
"Shunga mo talaga... Tsk tsk.", asar naman sakin ni Criz.
Bumaba na kami at inihanda ang mga gamit. Binigay naman ni Criz yung dalawang golf clubs niya kina Anne at Lawrence. Kinuha ko na si Junior..
"Saka na natin ilabas mga gamit natin sa kotse hanggang di pa natin napapatumba yung mga nasa labas.", tumango naman sila. Iniwan namin si Buster sa bahay. Baka tumahol pag nilabas namin. At natatakot din sila na makain 'tong asong 'to.
Marahan kaming lumabas ng pinto. Hindi pa rin kami napapansin ng mga zombie sa labas. Dahil may tabing sa harap yung gate namin. Sinilip ko sa gilid yung ibang zombie. Tinignan ko kung mapapansin ba nila kami kapag binuksan namin yung gate.
"Wag ka mag-alala. Yung mga nasa harap ng gate ang pinagbabaril ko kaya hindi mo na kailangan tignan kung may zombie pa sa harap.", assurance sakin ni Anne. Mukhang bumabait sa akin si Anne? Ano meron?
Binuksan ko yung gate. At mukha namang walang nakapansin. Kaya inuna ko na yung nasa gilid ng gate namin. Hinampas ko sa ulo bago pa ito umungol. Dahil ayoko namang agaw-pansin ang pulpol na 'to. Ambaho nila. Mas mabaho pa sila dun sa mga una kong pinatay. Bigla akong inabutan ni Lawrence ng panyo upang tapkan ang bibig namin. Meron na rin sila Criz. Tumango ako at sinugod pa yung isa sa may puno.. Blaaag! Ang lakas ng pagkakahampas ko, kaya napatingin yung tatlo. Kaya nung akmang susugurin ako. Sinugod na sila ni Criz. Aba! Nagpapaka-super hero si Bestfriend. Tinulungan na namin siya. Ayaw naman namin na mapahamak tong babaeng 'to. May pagka-gaga pa naman 'to.
Nung matapos na namin yung mga natirang zombie ay pumasok uli kami sa loob. Para ilabas yung mga gamit sa kotse.
"Grabe? Stuff toys? At PANDA NA NAMAN?", habang nilalabas ni Lawrence yung teddy bears na kinuha ko sa SM.
"Tss! Dapat nga ma-appreciate mo yan.", nakita ko naman si Anne na napahagikgik. Tsss.
"Ilagay mo nalang yan sa loob. Dami mong reklamo eh. Tsk!", at saka ko ginulo ang buhok ni Lawrence.
"Buti, Bro. Marami kayong nakuhang pagkain..", habang dala-dala niya yung dalawang biodegradable bag. Wow, mas macho pa sakin kapatid ko.
"Malamang, marami kayang tindahan sa Maynila.", tumango naman si Criz.
Tapos na kaming mag-ayos ng mga gamit sa likod ng kotse. Kaya naman niready na namin yung mga bags at weapons namin. Tinanong ko sila kung ready na sila at tumango naman sila kaya inistart ko na yung kotse. Nung makalabas na yung kotse ay bumaba ako para isara ang gate at ilock. Naririnig kong tumatahol si Buster. Kaya naman kinuha ko na 'to para isama.
"Oh? Bakit sinama mo pa si Buster?", tanong sakin ni Lawrence.
"Tahol ng tahol. Ayoko naman na pagbalik natin ay marami nang zombie sa labas diba?", habang inaayos ang seatbelt ko. "Oh, yung seatbelts niyo.", sabi ko sakanila saka sila nagseatbealts.
Nasa daan na kami papuntang SM.. Kinakabahan ako. Something is not right.. Walang mga zombie sa daan.. again? Bakit? Asan ba mga ulupong na 'to at hindi makita. Aaaah! Hindi dapat ako nagiisip ng ganito. Dapat nga masaya pa ako na walang zombie sa daan para hindi hectic. Jusko! Umiling ako at finocus ang isip ko sa daan...
Shocks. Ang tahimik talaga. Nakakabingi ang katahimikan.. Sinubukan kong buksan ang radyo.
"Wala ka namang maririnig dyan. Wala na mga tao ngayon..", sabi ni Anne.
"Sinusubukan ko lang baka may mag-announce.", ngumiti ako sa kanya.
At pindot ako ng pindot ng next. Pero wala pa rin. Next... Statics... Next... Statics... Next... Statics...
"Sabi sayo, wala nang mga tao.. Just give up.", sabi uli ni Anne. Pero hindi ako tumigil kakapindot ng next. Biglang... Napatingin sila sakin..
"Kung... merong-- mga tao -- nakakarinig --- announcement na 'to. We are currently ---ve a base --re in Bulacan.. ----", hindi namin masyadong maintindihan ang sinasabi sa radyo dahil namamayani ang statics. "I repeat--- are currently --- a base ---- in Bulacan..", at iyon nawala na ang announcement. Kinain ng Statics.
"Narinig niyo yun?!", sabi ko sa kanila.
"Oo narinig namin, Gab!", sabi ni Criz at inikot ang mata.
"Pupunta tayo dun after nating mahanap sila Yusuke.", sabi ko sa kanila.
"Ang layo nun, Gab!", sabi ni Criz. Napapansin ko kanina pa ako sinisigawan nito ah?
"Walang malayo.", sabi ko. Habang nagda-drive pa rin papuntang SM. "Pupunta tayo dun, para sa safety natin.", tuloy ko. Nag-iwas nalang sila ng tingin sakin.
At ito na.. Nakarating na kami sa SM. Pinark ko na ang kotse sa gilid ng SM Sucat. Tumingin ako sa paligid. Ganun pa rin. Maraming jeep at kotseng nakabanggaan. May truck pang nakabaligtad. Puro dugo sa kalye. Pero bakit ganun? Walang Zombies? Hindi ko na 'to masyadong pinansin at dumiretso na sa entrance..
Pagpasok namin sa loob. Puro mga blood trails. Kaya inihanda namin sarili namin. Chineck ko kung nakasuot sa kanila yung mga panyo sa mukha nila. At nung makita naman na kumpleto kami sa gear ay dumiretso na kami.. Bumulong sa akin si Anne.
"Hindi ka ba nagtataka?", sabi niya.
"Bakit?", sabi ko.
"Walang mga zombie sa labas.", sabi niya. At doon ko naramdaman na parang may nagmamatyag samin. Tumingin ako sa taas. "Bakit?", sabi ni Anne.
"Wala naman. Napansin mo rin palang walang mga zombie nung lumabas tayo ng subdivision hanggang ngayon.", tanong ko sa kanya.
"Oo.. Hindi kaya may pinuntahan sila?", sabi niya.
"Saan naman? Imposible namang may isip sila hindi ba?", tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Teka? Asan sila?!", tanong ko siya.
Nakita naming wala na sina Criz at Lawrence! Tinignan ko yung dinaanan namin.. Pero.. Wala sila dun! Shit! Saan naman sila napunta?! Badtrip! Ito na nga ba kinakatakutan ko! Errr! Hinawakan ako ni Anne.
"Gabrielle..", yumakap siya sa braso ko. Nararamdaman kong nanginginig siya.
"Okey lang.. Mahahanap natin sila. Pati sila Johy.", sabi ko sa kanya. At hinimas ang ulo. "H'wag kang mag-alala.. Andito lang ako, hindi kita pabababayaan.", ewan ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya yun. Basta ang alam ko.. Kailangan kong mahanap sina Criz at... Maprotektahan si Anne.
============================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
- Cheimerini_
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...
