"Gab! H'wag ka ngang malikot! At umupo ka, para kang tangang nakatayo dyan!", sigaw sa akin ni Criz.
"Ayoko! Ayoko! Pwede bang hintayin niyo na lang ako matulog bago niyo ako linisan at palitang ng benta yung sugat ko?! Saka marunong ka ba mag-gamot ng sugat?!", sigaw ko kay Criz.
"Pwede ba, Gab! Umupo ka na lang!"
"Ayoko nga sabi eh!", tumakbo ako sa pinto pero hinarang ako nila Johy at Anne.
"Gabrielle pwede ba? Gagamutin lang naman yung sugat mo, tapos tapos na!", kalmadong sinabi ni Anne.
"Ayoko nga!", sigaw ko.
"Ano ba meron dito at parang nagsisigawan kayo?", pasok ni Yusuke.
"Itong si Bro, takot sa al--", pinutol ko sasabihin ni Lawrence.
"Don't even dare, Lawrence!", pinukulan ko siya ng masamang tingin.
"Takot sa??", mabagal na tanong nila.
"Sa....", nakangisi na si Lawrence.
"Shit! Lawrence!", gusto kong takpan yung bungaga niya! Pero hindi ako makalapit, hahawakan ako nina Johy! Nakakainis!
"Takot sa alcohol..", walang ekspresyon na sinabi ni Criz.
"Noooo! My life is ruined!", sigaw ko kunwari naiiyak ako.
"Jusko, Gabrielle! Parang alcohol lang takot ka pa!", nakangiting sabi sa akin ni Anne.
"Alcohol yan! Masakit kapag pumasok sa sugat mo 'yan! Tapos namamaga pa yung sugat! Mamamatay ako dyan!", nagpapanic na ako.
"You're over reacting, brother. Hindi naman masakit 'yan eh.", kalma sa akin ni Yusuke.
"Anong hindi hindi ka diyan!? Naramdaman mo na ba?! Lalong kikirot 'to! Mamatay na talaga ako!", sigaw ko.
Lumakad patungo sa kinaroroonan ko si Criz hawak yung alcohol.
"Don't you even dare, Criz! Don't you even dare!", pagmamaka-awa ko sa kanya.
"Alam mo hindi ko alam kung maawa ako sa itsura mo o matatawa eh.", kumento ni Johy.
"Is that even a compliment?!", tanong ko sa kanya.
"Alam mo hindi tayo matatapos dito eh, hawakan niyo nga yan si Gabrielle!", utos niya kina Yusuke at Chardie. Nacorner nila ako at hinawakan sa magkabilang braso. Hindi ako makakalas dahil pag gumalaw ako sasakit yung balikat ko.
"Aaaahh!", sumigaw ako as in sigaw talaga! Sigaw na sigaw!
"Hoy ang ingay mo!", bigla akong tinapalan ni Johy ng nakarolyong damit sa bibig. Ayoko naaa! Kunin mo na ako, Lord! Hindi ko makakayanan 'tong pagpapahirap na ginagawa nila sa akin!
"Ang OA mo. Huwag ka ngang malikot.", binatukan ako ni Criz. "Hawakan niyong mabuti 'yan. Magwawala 'yan for sure.", dagdag niya. Tumango naman sina Yusuke.
"Don't worry, Gabby.. We'll do this Nice and Slow.", bulong ni Johy. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Kaya nagpupumiglas ako.
"Gab!", galit na si Criz. "We have to do this, okay?!", Wala na akong magagawa. This is the end of me. Good Bye, World...
Tumango ako, pero nagpapanic pa rin yung mga muscle ko sa katawan. Pumikit na ako, para wala akong makikitang pangit na karanasan. Naramdaman kong tinanggal na ni Criz yung damit ko at unti-unti nang tinatanggal yung tela na ginawa nilang pantakip ng sugat ko.
Pinunasan ni Criz ng basang damit yung sugat ko. Uhhh... Relax, Gab. Relax.. Kalma ko sa isip ko.
"Kaya naman pala eh.", sabi ni Johy. Narinig ko namang pumalpak yung iba.
"Ano ako dito? Bata?", tanggal ko sa damit na nakarolyo sa bibig ko. Hindi pa rin ako dumidilat.
"The way you act right now, yes. Yes, you are.", pang-aasar ni Lawrence.
"Okay, Gab. Lalagyan ko na ng Alcohol ah.", sabi ni Criz. Doon ako napadilat at super nanlaki yung mga mata ko nung lalagyan na nga niya.
"Shit!", napabulong na lang ako sa sarili ko. "Kailangan mo pa bang sabihin na lalagyan mo na, pwede namang biglain mo!", sarkastikong sabi ko.
"Okay sabi mo eh.", at doon. Nilagay uli ni Criz yung damit sa bibig ko at binuhos ang alcohol sa sugat ko.
Doon namatay si Gabrielle Ruelo Tan Santiago.
"Shit! Shit! Shit! Shit! Shit!", sigaw ko. "Ang hapdi! Ang hapdi! Ang hapdi!", sigaw ko habang mangingiyak-ngiyak na ako sa sobrang hapdi.
"Ang OA mo.", tawa-tawang sabi ni Lawrence.
"Kung ikaw nasa kalagayan ko magiging ganito ka rin no!", galit na sinabi ko sa kanya.
"Takot ka rin sa alcohol?", baling sa kanya nina Johy.
"Psssh! Hindi ah!", maang-maangan ni Lawrence.
"Sus! Kaya pala.", sabi ko.
"Amina nga yang Alcohol na yan!", kinuha ni Lawrence kay Criz yung alcohol at inaamba sa akin ni Lawrence. Tawa sila ng tawa sa ginagawa ni Lawrence na pananakot sa akin.
"Tama na 'yan..", at lumapit sa akin si Criz. Pinunasan niya ng basang damit yung sugat ko. Kinuha niya yung betadine, naglagay siya ng konting patak sa isang bulak at pinahid-pahid sa sugat ko. "Oh, diba? Hindi naman masakit eh.", para naman akong batang tumango-tango.
"Oh, ayan Baby Gabby. Tatakpan na sugat mo. H'wag ka na umiyak.", pang-aasar sa akin ni Johy. Ikinatawa naman ng iba.
"Tss!", sabi ko sa kanya.
Hindi ko namalayang tapos na pala ang ginagawa ni Criz sa balikat ko kaya tumayo na ito.
"Oh, tapos na.", himas niya sa ulo ko habang nakangiti. Ang ganda mo, Criz! Makakain kita ng wala sa oras! Ngumiti lang ako.
"Tara na kain na tayo, tapos na ang paglalakbay ni nrother.", natatawang sabi ni Yusuke.
"Gago!", binatukan ko siya sa ulo.
"Joke lang, brother!", natatawa pa rin siya. Inakbayan niya ako at may ibunulong. "Brother, balita ko si Chardie may gusto kay Criz. Patay ka.", ngumisi siya sa akin at dumiretso sa upuan niya.
Ano?! May gusto si Chardie kay Criz?! Kay Criz?! Si Chardie?! Hindi pwede mangyari yun! Natulog lang ako ng dalawang linggo tapos ganito na. No way! No way I'll let that happen!
Dumiretso na rin ako sa upuan at nakatitig kay Chardie. Chardie is not bad. Pero mas gwapo pa rin ako! Kaya nagdesisyon akong kausapin 'to.
"Chardie, paano pala kayo nakita nila Criz?", tanong ko dito.
=====================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)
- Cheimerini_
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...