Mainit pa rin ang sikat ng araw. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa 'shooting range' na pakulo ni Johy. Wala lang talagang magawang tama 'tong babaeng 'to.
"Ayan tapos na!", sabi niya na pumapalakpak pa.
"Oh, ano na?", tanong ko. Bumaba siya sa trunk.
"Saan punta?", tanong ni Cy.
"Tapon basura. Bakit, bata? Sama ka?", kinindatan siya ni Johy at kitang kita mo ang pangangamatis ng pisngi ni Cy.
"H-hindi ah! T-tss..", hindi ko mapigilang tumawa kaya kinagat ko labi ko. Nakikita ko ring natatawa si Lawrence, siniko lang siya ni Cy.
"Oh, bakit ganyan itsura niyong magkapatid? Para kayong tanga.", sabi sa amin ni Johy, doon na kami natawa. "Jusko! Halika nga Cy, samahan mo ako!", hinila ni Johy si Cy papuntang bahay.
Naiwan kami ng kapatid ko, nakangiti lang siya sa kawalan. Ako naman tinitignan ko si Buster.
"Bro, dito na lang ba tayo mag-stay?", tanong niya sa akin. Nakatingin pa rin siya sa kawalan.
"Depende bakit?", sagot na tanong ko.
"Wala naman. Mas maganda kasi kung dito na lang tayo.", sabi niya.
"Ahh.", ngumiti lang ako.
"Halos maga-apat na linggo na rin nung nagsimula 'to no? Nahihirapan ka na ba?", baling niya sa akin.
"Hindi no. Andyan kayo eh.", ngumiti ako sa kanya.
"Ang korni mo talaga. Paano kung biglang dumating sila Mama; I mean hindi sila nakagat or something?", tanong niya.
"Edi masaya!", ngumiti siya sa sinabi ko. At napabuntong-hininga.
"Kung hindi pa siguro mangyayari 'to. Hindi ka pa uuwi.", yumuko siya. Lumapit ako at hinawakan ko ang balikat niya.
"Namiss mo ako no?", pagbibiro ko.
"Obvious naman diba?", tumawa ako.
"Gusto ko rin naman pumunta, kaso busy lang talaga. At hindi ako pinapayagan ng Tito natin; kahit na ba kina Criz ako nakatira. Alam mo naman sila Tito.", napabuntong-hininga ako.
"Ano nangyari kina Tito?", nakatingin uli siya sa akin.
"Hindi ko na inalam. Ayokong makita o malaman.. Hay naku, huwag na nga nating isipin, malulungkot lang tayo.", inakbayan ko siya at ngumiti.
"Mas maganda na nga 'yun.", humiga siya sa balikat ko.
"Aray! Aray!", daing ko.
"Ay! Sorry!", lumipat siya sa kaliwa ko at humiga na ulit sa balikat.
Makaraan ang ilang minuto napansin kong nakatulog ang kapatid ko. Kaya naman inayos ko muna siya, bago buhatin sa likod ko. Ang gaan-gaan lang ng kapatid ko. Kinuha ko na rin yung tali ni Buster. Pumasok ako sa bahay namin. Hiniga ko siya sa sofa at nilagyan ng kumot. Si Buster naman pinakawalan ko na. Habang hinihimas ko ang napakalambot niyang buhok ay saktong pagdating ni Johy.
"Aba aba, kumu-Kuya ang peg?", ngumiti lang ako sa kanya.
"Andyan na ba sila?", tanong ko. Umiling lang siya.
"Maaga pa para umuwi mga 'yun. Medyo may araw pa sa labas kaya matatagalan pa. Bakit? Miss mo na si Criz?", ngumiti ito ng nakakaloko. Gusto ko sana siyang batuhin ng unan, kaso hindi ako kaliwete. Kaya tinignan ko na lang siya ng masama. "Binibiro ka lang.", depensa niya.
Pumasok si Cy sa bahay hinahanap si Lawrence.
"Si Lawrence, Kuya Gabrielle?", tanong nito, hindi ata napapansin si Lawrence na nakahiga sa sofa.
"Ayan oh, liit-liit kasi ng mata mo eh.", nguso ni Johy kay Lawrence sa sofa. Napakamot ulo naman si Cy.
"Ay, tulog pala siya.", lumabas na ito at sinundan ni Johy. Bago pa man tuluyang lumabas si Johy ay nagsalita pa 'to.
"Criz o Anne?", bago pa man ako makapagsalita, wala na si Johy sa pinto. Bumuntong-hininga ako sa tanong niya. Bakit naman magtatanong ng ganun 'yun?
Ang manhid mo naman! May gusto sa'yo yung dalawa, kaya tinanong niya kung sino pipiliin mo?
Imposible, friends na lang kami ni Criz. At alam mo 'yan.
Eh si Anne? Naaalala mo ba kapag magkausap kayo? Ang saya-saya mo kaya.
Remember the time na nagkiss kami ni Criz.
It's a friendly kiss you idiot!
Whatever, brain! Okay, edi ako na nakikipagtalo sa conscience ko. Bwiset 'yan. Alam mo? Hindi ko dapat isipin 'yun eh! Ang isipin ko kung paano kami mabubuhay! Oo 'yun nga.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pakikipagtalo sa akin ng utak ko. Nagising akong inaalog ni Johy at sinasabing dumating na daw sila Criz. Tumayo na ako at lumabas. Nakita kong marami silang dala ngayon. Puro pagkain, bigas, gulay at de lata. Wala kaming tiwala sa mga meat, dahil baka natuluan o na-infection na 'yun. Kaya de lata all the way.
Nakita ko si Megan na bumaba ng kotse niya at pumasok agad sa bahay. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya.
"Malusaw, brother.", pang-aasar ni Yusuke sa akin na tinutusok-tusok pa ako ng daliri niya.
"Get back to work.", inis na sabi ko sa kanya.
"Whoa, chill. Anyways, nalaman ko kanina na nagliligawan na pala sina Criz at Chardie. Ouch, brother.", tumingin ako sa kanya at kina Chardie. Nakita kong inaalalayan ni Chardie si Criz, habang si Criz may hawak na mga bags. Tsss.. Umiinit ulo ko sa mga nakikita ko.
"Let them be.", walang emosyon at matigas kong sinabi kay Yusuke. Tumango lang siya, naramdaman niya rin siguro yung inis sa tono ko.
Papasok na ako ng gate nang marinig kong may tumatawag ng pangalan ko. Hindi ko nilingon dahil umiinit na nga ulo ko, masakit pa. Tss. Nakita mo lang sina Chardie at Criz, sumakit at uminit na. Tignan mo na lang si Anne.. o kaya si Megan.
"Shut up, Brain!", hindi ko namalayang sinigaw ko na pala 'yun. Tumingin ako sa direksyon nila Yusuke na nakatingin sa akin.
"What's wrong?", tanong ni Criz na palapit sa akin.
"Nothing... Just... just l-leave me.. alone..", pautal-utal kong sinabi. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nakita ko na lang ang sarili ko sa loob ng kwarto namin at nagwa-wala.
Ano ba itong nangyayari sa akin?! Bakit nagiging ganito ako?! Nagseselos ba ako? Hindi ako dapat magselos.. Mag-bestfriend na lang kami.. Mag-bestfriend..
=============================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)
P.S. Sorry kung madrama at walang kwentang chapter 'to ngayon. Wala kasi akong maisip na maganda. Sa susunod na chapter na lang po. :(
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...