A/N: So guys, sorry kung medyo kulang yung info sa pag-gamot sa bullet wound ni Gab. Nakulangan din kasi ako sa information at kailangan ko pa mag-search. So ito na, para malaman niyo kung natanggal ba yung bala sa balikat ni Gab or hindi. Hihihi.
Sorry din sa late update. :(
At dahil may isang commenter na nagbigay sa akin ng idea. Hihihi~ Sige sige.
======================================================
"Ito na yung mga baso! It's PARTY TIME! Woo~", sigaw ni Yusuke habang lakad-takbong lapit niya sa amin. Nang...
"Ouch.. Ilang isda nakuha mo?", tanong ni Johy. Tumawa kami ng pagkawagas sa itsura ni Yusuke. Parang bata na nakaupo sa lapag.
"Ang tanga-tanga mo naman. Kay lalaki mong tao nadapa ka.", dagdag ni Lawrence.
"Tssh!", simangot ni Yusuke. "Hindi ako nadapa, excuse me. Natapilok ako, saktong nawalan ako ng balance.", depensa pa niya.
"Balance balance your face. Sabihin mo, hindi na nakayanan ng katawan mo yang katabaan mo; kaya ka nadapa.", pang-aasar ni Johy. Tumawa naman ng nakakaloko si Yusuke.
"Heh, kung alam ko lang kung bakit ganyan ka at palagi mo akong inaasar.", ngumuso si Yusuke at kunwaring nagtatampo kay Johy.
"Bakit aber?", sabay-sabay naming tanong. Ngumiti ng nakakaloko si Yusuke, dahilan para tumingin kami kay Johy na nagtataka rin.
"Alam niyo kung bakit?", halos isigaw niya habang uminom ng shot.
"Bakit nga putcha?!", sabay-sabay uli naming tanong.
"Kasi..."
"Kasi...?", Ang daming paligoy-ligoy nito. Argh.
"Kasi... Yang si Johy!", sigaw niya.
"Itong si Johy? Ano?", tanong ni Anne, pinipilit niyang huwag tumawa.
"Oo, 'yan si Johy! Yang babaeng 'yan!", turo niya kay Johy habang hawak ang baso.
"Oh, ano meron sa akin?", tanong ni Johy. "Bakit? Masyado ka na bang nasisilaw sa kagandahan ko? Masyado ka na bang nasesexyhan sa akin?", dagdag nito na lalong kinabaliw ni Yusuke. Bigla itong nagseryoso.
"Johy.... Kung ikaw lang, mas pipiliin ko pang magpakain sa zommon.", tawa ni Yusuke at umupo sa tabi ni Cy.
"Yeah, whatever. Though, it doesn't change the fact that you're a BIG FAT JERK.", inemphasize niya yung BIG FAT JERK. Inikot ni Johy ang mga mata niya at tumawa kaming lahat nang mag-make face si Yusuke.
"Ouch much..", sabi ni Lawrence.
"Whatever, let's Party!", tinaas ni Yusuke ang bote at ang baso.
Iniabot sa akin ni Yusuke yung bote. At ako ang naglagay sa pitchel. Hindi talaga ako umiinom, siguro kapag may birthday or reunion ang family. Una kong pinasa yung pitchel kay Criz dahil katabi ko ito. At nagsalin siya ng alak sa baso niya. Whoa! Ang dami.
"Kaya mo 'yan?", tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip kumindat lang siya. Oh, boy.. This is going to be a long night..
Lahat sila nagpaparty-party kahit walang tugtog. Sila Yusuke at Johy lasing na, dahil nagso-showdown na sa gitna na parang mga baliw.
"Oh, ano?! Wala ka pala eh. Tigas-tigas ng katawan mo!", panunukso ni Yusuke kay Johy. Hinampas naman siya nito.
"Talaga lang huh? Ito..", sinayawan ng sexy dance ni Johy si Yusuke. Napahiyaw tuloy kami. Kahit liwanag ng bonfire nakita pa rin namin na nagblush si Yusuke.. o sadyang lasing lang?

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...