The Apocalypse: Chapter 13

1.3K 25 2
                                        

Umupo na ako sa sofa namin sa sala. Hindi naman kalakihan ang bahay namin, two storey house siya. Sa sala naman namin, isang 54" na flat-screen tv, home theatre system ba. May dalawa kaming kwarto. Isa para kila Mama at isa para samin ni Lawrence. Yep, magkasama pa kami matulog sa iisang kwarto. Syempre! Kuya ako! Kailangan protektahan ang Prinsesa ko. Napangiti naman ako nung mga bata pa kami. Kapag naglalaro siya mag-isa. Lalapitan niya ako.

(Flashback)

Back to 7 years old ako, siya 5 years old.

"Kuwa! Lawo tayo!", lapit sakin ni Lawrence habang nakaupo ako sa silya sa may dining table at naglalaro ng gameboy.

"Naglalaro ako. Kay Gabar ka nalang makipaglaro.", aso namin noon. Wala na siya ngayon dahil namatay sa sobrang tanda.

"Sige na, Kuwa. Pweaase?", bigla siyang nagpuppy eyes at nagpout. Ngumiti na lang ako at ginulo buhok niya.

"Sige na nga! Ano ba lalaruin natin?", tanong ko at tumayo. Nilapag ko na ang GB ko at nagpahila sa kanya.

Hinila niya ako papuntang sala habang tumatawa.

"Kuwa! Kuwa! Suot mo tong Cafe(Cape) mo! Biwis!", at sinuot niya sakin yung cape.

"Ano ba lalaruin? Ako ba si SuperMan?", tumawa siya.

"Hihi! Hindi Kuwa! Ikaw yung Pwince ko. Ako Pwincess mo. Hihi!", bigla niya akong niyakap. "I wove you, Kuwa."

(Present)

"Hoy! Kuya!", sigaw sakin ng kapatid ko. Napatitig ako sakanya. "Hoy! Kuya, anyare sayo?!", napaisip ako.. Asan na yung sweet kong kapatid dati? Kaya tumayo ako at lumapit sakanya.

"Ano nangyari sayo, Lawrence? Bakit ka naging ganyan? Ang sweet sweet mo dati nung maliliit tayo. Baki--", bigla naman niyang sinupalpal mukha ko.

"Alam mo Kuya, nagiging madrama ka na. Ewan ko ba kung kanino mo ba namana yan? Siguro kay Mama!", tumawa naman sina Criz.

"Madrama ka pala eh!", asar sakin.

"Baliw!", sabi ko at hinarap uli si Lawrence. Ginulo ko buhok niya. "Ano ba yung ikukwento mo aber?", umupo na uli ako sa sofa.

"Hmm..", umarte siya na parang nagiisip. Tahimik lang ako at hinintay na ituloy niya ang sasabihin. "Kinukuha pala ni Kristi yung number mo, nakaraan. Malakas pa rin ata tama sayo.", tapos tinapik niya ako sa balikat. Tumingin naman sakin si Criz. At nagtaka. Nilingon ko siya.

"Ex ko yun si Kristi..", sabi ko. Tumango naman siya. "Zombie na rin ba yun?", tanong ko na lumingin uli kay Lawrence. Nagkibit balikat naman 'to.

"Alas-siete na.", sabi ni Anne. Ay oo nga pala! Di ko pa siya napapakilala.

"Ay, Lawrence. Si Anne pala. Siya yung--"

"BAGONG GIRLFRIEND MO?", putol niya sakin tapos nag-apir sila ni Criz.

"Gago, hindi!", ginulo ko uli buhok niya. "Siya yung isa sa mga kasama namin papunta dito.", sabi ko.

"Malamang, kaya nnga siya nandito diba?", apir na naman sila ni Criz.. Nakakarami na tong mga to ah!

"Letse. Basta, Anne si Lawrence. Lawrence si Anne.", akmang makikipagshake hands si Anne, pero inunahan siya ng beso ni Lawrence.

"Be good to my Brother, okey? Tara punta tayo sa room namin. At doon niyo ilagay ang gamit niyo.", kinindatan naman ako ni Lawrence. At saka umakyat. Ako.. Napa-what-the-fuck look. Tumawa lang siya.

Umakyat na yung girls sa taas. Ako naman naghanda na ako ng kakainin namin, nakita kong may bigas pa naman kaya nagsaing ako.

Nang bumaba sila, kakatapos ko lang din maghain. Ilaw ng flashlight ang nagsilbing ilaw namin dahil bawal namin buksan ang ilaw. Kundi marami nang sumugod na zombie dito.

"Tara, let's pray.", sabi uli ni Anne. Tumango kami at nagsign of the cross. "Salamat, God at andito na kami. Kasama na ni Gabrielle si Lawrence. Salamat po, dahil buhay pa rin kami at hindi Niyo kami pinabayaan. Huwag Niyo po sanang pabayaan sina Johy at Yusuke sa paglalakbay nila. Salamat po. In the name of the Father, the Son, the Holy Spirit.. Amen.. Tara kain na.", sabi niya at ngumiti.

Pakatapos namin kumain. Ay nagkwentuhan pa sila. Mga babae talaga. Nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila habang naglalatag yung comforter sa sala. Yup, dito kami matutulog. Para handa kami kung may makapasok man.

Nang matapos ako, naguusap pa rin sila. Ganito ba talaga mga babae? Jusme. Tinignan ko sila, kahit madilim nakikita ko pa rin na nakatingin sila sakin. Umiling-iling nalang ako.

Kaya naman humiga na ako, at tinabi si Buster sakin. Tignan ko relo ko, alas-onse na. Kailangan na namin magpahinga para bukas maaga naming makipagkita kina Yusuke sa SM. Tinawag ko na sila para magpahinga.

"Tara na. Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas.", at yun, tumayo na sila at humiga. Ako, Buster, Lawrence, Criz at Anne ang pagkakasunod-sunod ng higa namin.

Ala-una na, di pa rin ako makatulog. Sinulyapan ko kapatid ko, ang himbing niyang natutulog. Napaupo ako. Tinignan ko sina Criz at Anne, tinutukan ko sila ng Flashlight. Tulog na rin. Humiga na uli ako at pinikit ang mga mata ko.

"Gab, Gab!", tawag sakin ni Criz. At hawak niya ang kamay ko. "Gab, tara dito..", hinila niya ako sa loob ng isang pamilyar na bahay.. Pagpasok namin. Andun sila Lawrence, Tita, Tito, Mama, Papa at mga kaibigan namin. Lahat kami nagsasaya. Lahat kami nagkakantahan. Nang nakarinig ako ng ungol sa likod ni Criz. Nakatalikod siya.

"Criz?", hinawakan ko siya sa balikat at nung hinarap ko siya. Nanlaki mga mata ko nang makita ang itsura niya!

Nagulat ako, dahil unti-unting nagbabago ang itsura ni Criz. Nagiging pale yung balat niya. Pumapayat yung mukha niya't bigla nawala ang brown eyes niya. Naging puti ito na cloudy. Lumingon ako sa paligid ko. Pero lalo akong nagulat nang makita lahat sila nagpapalit ng anyo!

Lahat sila nagiging katulad ni Criz. Sumigaw ako. 

"Criz! Lawrence! Mama! Papa! Anong nangyayari sa inyo?!", biglang tumawa ng nakakatakot si Criz. "Gab, sumama ka na samin. Maging isa ka samin.", bigla niya akong sinugod at kinagat sa leeg. Nakita ko ang pag-agos ng dugo ko sa katawan ko. Napahawak ako sa leeg ko, nakapa ko na nawawala ang laman nito.

Bigla na namang sumugod si Criz. Pero hindi lang siya mag-isa. Lahat sila dinumog ako. Lahat sila kumagat sa katawan ko.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!", napasigaw ako.

"Hoy, Gab!", tinapiktapik ako ni Criz sa pisngi. Putcha panaginip lang pala. Nakita kong gulat na gulat siya. 

"Anong nangyari sayo?", tanong niya sakin. Umiling na lang ako. "Tayo ka na't kakain na tayo.", inilalayan niya akong tumayo.

========================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below.

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon