The Apocalypse: Chapter 12

1.4K 23 3
                                        

At simula na uli nang paglalakbay namin. Nakita kong napagod mga kasama ko sa nangyari. Teka, saan sila napagod? Eh sila nga tong petiks petiks lang... Hinayaan ko nalang at saka nagdrive.. Tinignan ko yung relo ko, alas-onse ng umaga.. Tinatahak namin ang Roxas Boulevard habang natirik yung araw.. Buti nalang at tinted itong nakuha naming kotse. May nadaanan kaming Gas Station kaya. Umistop muna ako dun saglit. Nakita kong may tatlong zombie sa gas station sa loob. Mga crew siguro 'to.. Hindi ko na ginising sina Criz at nilagyan ko na ng gas ang kotse. Hinintay kong makita ako nung tatlong zombie sa loob. Bakit? Papasukin ko kasi yung store. Kukuha ng extra gas..

Nang makita ako nung tatlong zombie, hinawakan ko agad si Junior at hinanda ang sarili ko. They were moaning and growling.. I looked at their eyes. Bloodshot as always. When one of them got near to me. I bashed its head! And gore and brain bits spread all over the floor. At nung palapit na yung isa. I hit its legs, then hit it on the head. The blood splashed on my jeans. Two down.. One to go.. Pinaikutan ko yung isa.. At nang umatake na 'to. Hinampas ko to sa katawan kaya tumalsik. Habang nakadapa to ay pinaghahampas ko na sa ulo. I'm getting the hang of this. Sa isip isip ko. At saka ko pumunta sa shop ng gasoline station para kumuha ng tatlong can ng gas at nilagay sa compartment.

Nakadaan na kami sa Baclaran. Shit ang daming zombie.. May isa pa ngang tumalon sa dinadaanan namin ngunit nasagasaan ko rin. Kaya nagising sila Anne.

"Ano yun?", tanong ni Criz.

"Zombie, jumping out of no-where.", sabi ko. At tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse.

"So, malapit na pala tayo..", sabi niya. Tumango lang ako. At tinignan ko yung orasan.. Alas-tres na nang hapon. Nagtataka siguro kayo bakit ang tagal ng biyahe. Kayo ba naman dumaan sa highway na halos puno ng kotse at yung iba pa dito magkabanggaan. May mga truck pa nga naka-vertical. Kaya nahirapan talaga ako maghanap ng ibang way.. At saka, dalawang way lang naman ang alam ko. Isang way sa LRT at pagcommute sa jeep. Kaya mahirap talaga.

"Taas ng araw ah.", sabi ni Anne, kumahol naman si Buster. "Oh, diba. Pati si Buster sang-ayon sakin.", saka niya kiniss si Buster sa pisnge.

Lumiko na kami sa Naia Rd. Phutek ang dami ring zombie dito. Kaya binilisan ko ang takbo at marami akong nasagasaang zombie. Kaya tuwang-tuwa naman 'tong si Criz.

"Hardcore 'yun, Gab ah!", sabi niya.

"Para kang bata, Criz. Tsk.", tumahimik naman siya. At ayun.. Ganun na naman ang scene na nakita ko. Halos wala na naman kaming madaanan dito.. Kaya sa sidewalk kami dumaan. Buti nalang nag-kasya yung kotse.

Nang makadaan kami sa PAGCOR. Grabe yung nakita ko.. Ang daming zombie sa gate ng PAGCOR na nagpupumilit sa labas lalo na nung makita kami ng mga 'to. Kaya lalo kong binilisan ang takbo. Nang mapadaan naman kami sa Duty Free. Biglang nagwala si Criz.

"Gab! Daan tayo dun! Sige na! Please?", tinapik ko siya sa ulo.

"Baliw lusaw na mga chocolates dyan!", sabi ko sakanya. Nakita ko sa rearview mirror na natawa si Anne sa pinag-gagawa namin ni Criz. Nang mapatingin din siya bigla siyang naglayo ng tingin. Women... They're so weird.. Sa isip-isip ko saka ako umiling.

Nadaanan na namin ang SM Sucat. Kaya napatuwid ang pagkakaupo ni Anne.

"Dito tayo magkikita nila Yusuke bukas, Gabrielle?", tanong niya sakin.

"Oo. Diyan nga.", saka siya umupo uli at napangiti kay Buster..

Ito na! Malapit na kami, Baby Sister. Just wait there.. Sa isip-isip ko kaya napangiti ako sa kawalan.

"Hoy, Gab! Bakit ka ngumingiti dyan ha? Siguro nagagandahan ka kay Anne no?", sabi sakin ni Criz. Napaintag naman ako sa sinabi niya kaya napreno ko yung kotse. At halos dumaosdos si Anne at Buster sa unahan.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon