The Apocalypse: Chapter 57

609 15 1
                                        

Nagdaan ang ilang mga araw na wala kaming naging masyadong problema. Natututo na si Lawrence pumatay ng mga patay, nakakasama na nga siya sa mga raids. Medyo okay na rin si Cy ngayon, still mourning, pero nakikita ko sa batang 'yon na bumabangon na siya. Hindi nga lang kami masyadong nag-uusap.

Si Yusuke naman may anak qna kay Johy. Syempre, joke lang. Ayun, palagi pa rin silang nagbabangayan. Mas masahol pa sa mag-asawa kung mag-away ang dalawa. Dahil sa sardinas lang naman sila nag-aaway.

Si Anne naman, naging mas close pa sila ng kapatid ko. Palagi silang magkausap mapa-raid man o sa bahay.

Si Criz naman, ayun nakain na ng zombies. Seryoso 'to walang halong biro. Nadapa kasi siya sa sobrang pagmamadali, ayun nakain ng zombie. Tanga-tanga kasi. Hindi man lang tinitignan ang dinadaanan. Puro kasi pagkain nasa isip.

Pero, syempre, joke lang. Hahayaan ko bang mamatay yung sidekick ko? Aba, malupit! Okay naman si Criz, buhay pa rin. Kaso, hindi na sexy... Joke lang ulit. Maayos naman ang kalagayan niya, buo pa naman ang katawan, kumpleto pa rin ang mga sampung daliri niya sa kamay at sa paa. Dalawa pa naman ang kamay at paa niya. Dalawa pa rin ang mga mata niya. Dalawa pa rin ang butas ng ilong niya. Dalawa rin ang tenga at ang butas nito. Pero, pumangit siya.

Umiling ako sa mga naiisip kong kalokohan at itinuloy uli ang pagnanarrate sa aming buhay.

Si Buster naman, ayun. Medyo malaki na ang napaka-cute naming aso. Tumutulong na rin siya sa mga raids. Siya ang ginagawa naming look-out o bantay kapag nagra-raid kami. Biruin niyo yun, napagtyagaan turuan ni Anne si Buster ng mga trick. Umaangil siya kapag nakakaamoy siya ng pangamba or kapag may malapit na zombie sa paligid, umuupo naman siya kapag wala or nagiikot-ikot para makasigurado.

Si Megan? Ayun, pinalayas ko sa kwarto ko. Ginagapang ako kapag tulog na ako, akalain niyo 'yun. Syempre, joke lang ulit. Sa seryosong panlabas niya ay hindi rin pala ganong kaseryoso. Mas lalo ko pa siyang nakilala simula nung magsama kami sa iisang kwarto. Doon ko nakilala ang isang "Soft Megan" ika nga ni Yusuke. Palagi siyang nagkakaroon siya ng mga bangungot na gumigising sa kanya sa gabi. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan ng mga bangungot ni Megan. Wala namang epekto ang bangungot niya sa mga dapat gawin sa loob at labas ng bahay.

Tinutulungan niya akong sanayin sina Lawrence at Cy ng mga tamang gawin kapag may zombie o kapag naman naiiwanan ng grupo.

At syempre, ako. Ito, pogi pa rin. Joke lang! Maayos naman ako, nag-improve ako sa mga ibang bagay. Lalo kong pang na-explore ang enhanced senses ko. Nalaman kong mas bumibilis ang kilos ko, at mas marami akong nakikita at naririnig kapag gabi. Hindi ko pa alam kung bakit at papaano. Mas mahalaga ay nagagamit namin ito ni Megan kapag nagbabantay kami. Mas naging maayos na akong leader. Sabi nila. Wala naman akong masyadong masasabi tungkol sa akin.

Nakapaglagay na kami ng barricade sa loob ng village. Hindi ganoong kalakihan ang village, maayos naman ito. Walang masyadong nakakapasok na zombie. Maliban na lang kung may maliligaw. Kahit medyo maayos na ang lagay namin, hindi ko pa rin masasabing, okay na kami rito sa bago naming tirahan. Lalo na't alam ko sa sarili ko na, hanggang ngayon ay paniguradong hinahabol pa rin kami ng militar dahil sa mga bagay na nalaman nila.

Mas doble ingat ang ginagawa naming pangra-raid sa mga malls at maliliit na store. Dahil hindi naman alam kung kailan at saan aatake yung mga yun. It's really frustrating now that you know some military dude wants you and your family dead. It's just crazy and scary.

Nasa labas kami ngayon para maghanda ng next raid dahil nagsisimula na kaming maubusan ng stock.

"Are we ready yet?", tanong ni Yusuke habang tinitignan ng mabuti ang gamit niya sa kotse niya. We all nodded at him.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon