Nagtaka ako nang lumabas si Megan nang mag-isa. Nagkatinginan kami ni Lawrence at agad namin itong nilapitan.
"Asan na sila? May nangyari bang masama?", tanong ko habang tumingin sa bahay na pinasok nila.
"Huwag kang mag-alala.. Nagpapahinga na yung tatlo doon.", ngiting sagot nito.
"What do you mean?", tanong ni Lawrence.
"Doon na muna tayo pansamantala, tutal lumulubog na ang araw at kailangan natin ng mapagpapahingahan.", paliwanag nito.
Ngayon ko lang napansin na palubog na ang araw. Tumango ako.
"Oh, ipasok na natin 'tong mga sasakyan doon sa loob.", sabi ni Megan.
Sumunod naman kami ni Lawrence. At dahil hindi pa marunong mag-drive ang kapatid ko ay si Criz ang pinagdrive ko ng kotse namin at ako naman sa kotse ni Yusuke..
Nang mapasok na namin ang mga sasakyan ay pumasok na rin sina Criz sa loob. Lumapit sa akin si Megan.
"Pasensya kung ngayon ko lang tatanungin. Anong nangyari sa mukha mo?"
"Wala naman.", sagot ko rito. Tumingin siya kay Cy na kasama ng kapatid ko.
"Malakas rin pala sumuntok 'yung batang 'yun.", sabi nito na parang nangaasar.
"Tss. Pinagbigyan ko lang na gawin akong punching bag. Para malabas ang sama ng loob.", sabi ko habang inaayos ang damit ko.
"Ahuh, sabi mo eh. Tara icheck natin 'yung sa second floor."
"Hindi niyo pa ba nacheck 'yun?", tanong ko.
"Yeah, alam mo naman yung si Yusuke. Nakakita lang ng pagkain sa kusina kanina, hindi na makaalis.", umiling-iling si Megan na natatawa. Tumango ako at pumasok na kami sa loob.
Nakakasilaw ang pagkaputi ng mga wall at floor ng bahay. Sosyal ang mga furnitures, may leather couch at glass table sa sala. Kung iisipin mo nasa bahay ka ng isang artista dito sa Pinas. Whew~
"Gabrielle..", tawag sa akin ni Anne na dala-dala si Buster. Hindi na nahiwalay sa kanya si Buster ah.
"Oh.. bakit, Anne?", tanong ko rito at hinimas ang ulo ni Buster.
"May sugat yung mukha mo, gusto mo bang gamutin ko?", nahihiyang pag-alok ni Anne. Siniko naman ako ni Megan. Binigyan ko siya ng What-look.
"Ahh, eh. Sige-sige.", sabi ko at ginuide niya ako sa isang couch.
"Teka, kunin ko lang yung medic sa C.R.", sabi nito at tumayo.
"Achuchuchu~ Mukhang gumagawa na ng move si Anne sa'yo ah?", nagulat naman ako sa pagsulpot ni Yusuke sa likod ng couch.
"What the.."
"Oh, chill lang, brother.", sabi nito habang lumalamutak ng tasty bread sa isang kamay at may hawak na Nutella sa kabila.
"Ang takaw mo.", sabi ko at tinignan papalit-palit ang pagkain niya at siya.
"I'm growing.", sagot niya.
"Yeah. YOU ARE GROWING.", tukso ko sa kanya. Sinuntok naman ako nito sa balikat.
"Oh, tama na yang paglalaro niyo. Gagamutin ko na yang mukha mo.", sabi ni Anne na may dalang medic kit at palanggana ng tubig at umupo sa tabi ko.
"Ooooh.. Good luck, Anne.", pang-aasar ni Yusuke kay Anne at may kasama pang kindat.
"What was that for?", tanong ko. Nagkibit-balikat lang ito.
"Patay malisya ka pa..", bulong ni Anne na kunwari hindi ko narinig.
"Huh?", tanong ko sa kanya habang tinatago ang ngiti sa labi ko.
"Mm. Wala! Wala!", agad-agad niyang nilinis ang mukha ko. "Ikaw kasi, pinatulan mo pa yung bata.", sabi niya habang nilalagyan ng betadine yung mga sugat sa mukha ko. Medyo madiin yung pagkakalagay niya kaya napapangiwi ako. May galit ba sa akin 'to?!
"Hm. Hindi naman.. Gusto ko lang mawala yung galit niya sa akin.", sabi ko rito.
"Ganun ba?", tanong niya. Medyo nagkakalapit na ang mukha namin. Isang kamao ang pagitan.
"Yeah.", nakatitig lang ako sa mga labi niya habang busyng-busy siya sa pag-gamot sa mga sugat ko. Maganda pala 'tong babaeng 'to. Pero, hindi ko siya type. Maganda lang siya, mabait, sweet. Pero, hindi ko talaga type. Kahit na ang cute nung eyes niya. Actually, bakas na sa mukha niya ang pagiging mataray eh. As in..
"Ehem..", napabalikwas ako nang makarinig ng pekeng ubo na nang-gagaling sa walang iba kung hindi ang walanghiyang si Yusuke.
Nasa sala na pala silang lahat at hinihintay akong matapos.
"Uh, Anne. Okay na ako. Medyo okay na, hindi na masakit.", sabi ko rito at agad na tumayo.
"Nakakuha na kami ng mga kwarto, which we checked.. You could take the second room on the left side sa taas.", pagtataray ni Criz sa akin. Hala? Ano problema nito?
Tumango na lang ako at lumabas ng bahay para kunin sa sasakyan ang gamit namin ni Lawrence.
"Aba.. Ganda ng titig mo kay Anne ah.", si Yusuke na nakasunod sa akin.
"What are you talking about, brother?", sabi ko habang binubuksan ang kotse.
"You know--"
"Wait, asan na yung gamit ng kapatid ko?", tanong ko rito.
"Ah.. Yun ba? Lima lang kasi yung kwarto. So... Kinuha ni Criz yung gamit ng kapatid mo. Sila ang magkasama.", paliwanag niya, habang lumalamutak na naman ng tasty bread.
"Oh.. Edi ako lang mag-isa sa room?", tanong ko. Naglalakad na kami pabalik sa loob.
"Nope.", sagot niya na punung-puno ng tinapay ang bibig.
"Sino kasama ko?", tanong ko rito.
"Ako.."
SIYA?!
----------------
Um, gusto ko lang humingi ng pasensya sa matagal kong paghindi update ng TA at boring yung update. Wala kasi akong maisip na new tricks or magandang mangyayari at medyo tinamad rin ako mag-update for some reason. (Broken kasi.. </3 Hurt hurt Huhuhu.) Anyway, nabalitaan niyo ba yung nadiscover "daw" na zombie virus sa America? I don't know kung saan State yun. Pero, meron daw. According to my source - my sister. Hindi ko alam kung totoo 'yun or faux info. Dahil kung hindi totoo yun, mapapatay ko kapatid ko. Yun lang~
Anyway, again. I'm really sorry talaga. Boom redundant. Pero, ito dahil may new inspiration ako, sige. Sige talaga. Sige lang. Sige! Hahaha! Sorry, ito na.. ito na.. Dee~ Ito na talaga. Maguupdate na ako~ Love you guys. xx Sorry ulit~

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...