The Apocalypse: Chapter 54

670 16 2
                                        

Nagising akong may tumatapik sa pisngi ko. Shit, umaga na ba?

"Gab, let's go.", sabi ni Criz sa akin.

"Huh? To where?", tanong ko rito habang paupo sa tent ko.

"Maghahanap uli ng bagong matitirhan. It's not safe here, and you know that. No need to argue. Napagusapan na namin 'to habang natutulog ka. Sorry..", umiwas siya ng tingin sa akin.

"Naiintindihan ko. Napag-isipan ko na rin 'to.. Tama lang na mag-move out tayo sa lugar na 'to.", pagsang-ayon ko sa desisyon nila. Mas okay na rin 'to. I can't afford to lose someone again.

Magtatanghaling tapat na pala nang magising at makalabas sa tent, nagliligpit na sila at nag-aayos ng mga gamit sa sasakyan. Agad kong hinanap si Cy.

"Si Cy?", tanong ko kay Criz.

"Kasama ng kapatid mo sa kotse. Hanggang ngayon hindi pa rin maka-get over yung bata.", halata ang awa sa boses ni Criz.

"Huwag mo muna siyang kausapin. Si Lawrence lang ang nakakausap sa kanya.", pigil sa akin ni Criz nang akmang pupuntahan ko ang dalawa sa kotse.

"Ligpitin na muna natin 'tong tent mo."

"Okay..", agad kong kinuha ang gamit sa loob nito at nilabas para maligpit na ang tent.

Napansin ko ang pamamaga ng mga mata at pamumula ng ilong ni Criz.

"Ang pangit mo talaga kapag naiyak ka.", puna ko sa itsura niya na kina simangot niya.

"Letse, I don't need your opinion!", bigla siyang nag-walk out dala-dala ang gamit ko papunta sa kotse.

"Tsk, pinapatawa lang naman.", bulong ko habang kinakamot ang ulo.

"Alam mo naman mga babae, brother.", lapit ni Yusuke sa akin, at tinulungan ako sa pagbuhat ng tent.

"Oo nga eh. Asan pala si Megan?", tanong ko, dahil hindi ko napansin si Megan.

"Hmm. Andyan lang siya kanina habang inaayos yung gamit niya.", sabi ni Yusuke habang palinga-linga.

"Baka nasa kotse na niya?", sagot ni Johy na tumabi sa amin kasama si Anne.

"Okay na ba?", sakto naman ang paglabas ni Megan sa kotse niya nang malagay na namin ni Yusuke ang mga gamit.

"Oo, let's head out na.", sabi ni Criz na pumasok agad sa kotse. Napabuntong-hininga na lang ako.

Lumapit sa akin si Megan at tinapik ako sa balikat.

"Let's go?", tumango lang ako sa kanya at ngumiti.. Pumasok na ako ng kotse, hindi pa rin ako iniimik ni Criz dahil nakatingin lang ito sa kawalan.

"Bro, ano sabi ni Cy?", tanong ko kay Lawrence nang makapasok sila ni Anne sa kotse.

"Nagkukwento lang tungkol sa Kuya Chardie niya. Nakakaawa siya, bro. Hindi siya tumigil sa pag-iyak kanina maski kagabi.", bumuntong-hininga si Lawrence saka kinuha si Buster.

Unang umandar ang kotse ni Megan, sumunod kami at ang kotse ni Yusuke. Sinilip ko sa side mirror ang abandoned hospital kung saan namatay si Chardie.

Paano kung may iba pang ganoong zombie sa mapupuntahan namin?

Hindi mawala sa isip ko ang tanong na yan. Imposibleng nag-iisa lang ang zombie na 'yun. Ugh, hindi ko makalimutan ang itsura n'un.

Lumipas ang ilang minuto nang magsalita si Criz.

"Hindi ka pa kumakain.", baling nito sa akin.

"Okay lang, mamaya na lang kapag nakahanap na tayo.", sagot ko habang nakatuon pa rin sa daan ang tingin.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon