Habang papalapit ako sa bahay, naririnig ko rin sa malayo ang engine ng sasakyan. Lalo akong kinabahan dahil dito. Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko. We should've discussed this more, dapat pinagplanuhan ko na rin ang ganitong bagay kung sakaling mangyari.
Argh! Nakakainis! Bakit ngayon pa nangyari 'to?
Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayang nasa tapat na ako ng bahay at papasok na ako sa loob. Agad kong hinanap ang mga kasama ko, mabuti na lang at nasa kitchen sila lahat, mas madali 'to.
"Guys! We've got a problem!" agad kong bungad sa kanila na hinihingal pa. I turned on my serious face. "Ang militar! They're coming!"
"WHAT?!" sabay-sabay nilang sigaw. Napatayo pa sa upuan sina Johy. Parang binuhusan sila ng malamig na tubig sa narinig. Naririnig ko ang heartbeat ng bawat isa sa kanila, maging sila ay kinakabahan at hindi handa sa ganitong pangyayari.
"Papaano?!" agad na tanong ni Criz, which now pacing back and forth at nakahawak ang dalawang kamay sa ulo.
"Nakita ko ang isa sa kanila kanina, habang naglilibot ako," sabi ko. Nakatingin lang sila sa akin, pero alam kong nagiisip na ang mga ito kung paano makakaiwas sa militar.
"Did they see you?" si Megan, she looks calm.
"No, I believe they didn't."
"I see," Megan nod her head at uminom ng tubig na hawak niya. Napatingin sa kanya ang mga kasama namin.
"Why are you so calm about this? Hindi mo ba alam na baka ito na ang huling pagkakataon nating mabuhay?" tanong ni Cy sa kanya. Binaba ni Megan ang baso at tinignan sa mata si Cy.
"I know," maikling sagot niya.
"Fuck! Sinasabi ko na nga ba!" sigaw ni Criz at tinaas pa ang kamay. Bigla siyang tumakbo papunta kay Megan. Sinuntok niya 'to sa panga kaya natumba ang dalaga sa kinauupuan. Waa? What's happening?
"What the fuck!" sigaw ni Yusuke na nayakap sa bewang ni Criz. Tinulungan na rin siya ni Johy na hawakan ang nagwawalang si Criz. Napatayo lang si Cy at pumagitna sa kanila.
"What's your problem!?" sigaw ni Megan rito, mukhang nabadtrip si Megan sa ginawa nito. Nakahawak ito sa panga niya na may bahid ng dugo. Ouch, mukhang malakas 'yung suntok na binitawan ni Criz rito. Tinutulungan siya ni Lawrence makatayo.
"You're the problem! If it wasn't for you, hindi sana kami mapupunta sa ganitong kalagayan! You brought those dudes to us!" sigaw ni Criz pabalik. Tangina, another cat fight na naman!
I just stood there watching them bickering at each other. Si Criz, sinasabi niyang si Megan ang may kasalanan ng lahat. I don't see why si Megan ang may kasalanan. Si Megan naman, parang wala siyang pakialam sa sinasabi ni Criz, which is good although hindi maganda para kay Criz. Mukha kasing pinoprovoke niya pa ito. I sigh. Hindi ko alam kung para saan 'tong away na ginagawa nilang dalawa. And.. Something's wrong about Criz, she seems so hostile and aggressive, which is hindi naman siya ganito noon. Yeah, may pagka-sadista ang babaeng 'to, pero hindi umaabot sa point na manununtok siya ng tao. Fuck! I've had enough of this.
"Both of you! Shut the hell up!" sigaw ko sa kanilang dalawa as I ran my hands through my medium-long hair. "We don't have the time for this bullshits! Kung gusto niyong mag-away, ipagmamaya niyo na 'yan! Mas may malaki pa tayong problema kaysa sa girl fight niyo! Kaya please, makipag-cooperate naman kayo!"
Tumigil silang dalawa sa pagsasalita, pero hindi natigil ang pagtingin ng masama sa isa't-isa. Seriously?
"Umayos na kayo," sabi ni Johy, tumingin ako sa kanya at tumango. "Ipagpaliban niyo muna 'yan, mamaya natin pag-usapan. Sa ngayon, problemahin muna natin ang kailangan talagang problemahin," Yes, mabuti naman at may magandang nasasabi 'tong babaeng 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/5195709-288-k896060.jpg)
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misteri / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...