"Tara na, pupuntahan ko na rin si Lawrence sa taas.", kalabit ko kay Criz. Nakatulog pala kami. Mag-gagabi na nang tumingin ako sa bintana.
"Uhm, okay.", hikab niya. Mukhang sarap ng tulog niya sa pwesto namin kanina. Kinuha ko yung payong sa gilid ko at umakyat na ako sa kwarto namin para tawagin si Lawrence.
Nakita ko siyang nakahiga sa kama niya. Para siyang fetus sa posisyon niya. Nagtatampo pa rin 'to sa isip-isip ko.
"Bro, baba na tayo.", aya ko.
"Ayoko..", mahina niyang sagot.
"C'mon, get your ass up.", hawak ko sa balikat niya, pero tinanggal niya.
"I want to be alone.", halatang umiyak siya.
"No, you don't..", sabi ko at umupo sa gilid ng kama. "Tara na, Bro. Alam mo naman kung ano mas makakabuti diba?", kumbinsi ko sa kanya.
"Bakit pa kasi tayo sinugod ng mga hinayupak na Militar na yun?! Nananahimik naman tayo dito eh!", bigla niyang tayo.
"Hindi ko rin alam, pero I think it has something to do with us being alive.", napaisip na rin ako.
"Ayaw ba nila na may mga taong survivor?! Mga bobo ata yun eh!", galit na sinabi ni Lawrence at tumayo na.
Mga ilang minuto rin kaming hindi kumikibo kaya naisipan kong ayain na siya pababa.
"Baba na tayo, baka andun na rin sila.", aya ko sa kanya. Kinuha ko na ang payong at lumabas ng kwarto. Sumunod naman agad siya. Baka nakapag-isip isip na rin ang kapatid ko.
"Paano kung bumalik sila Mama dito?", nasa hagdan na kami nang magsalita siya uli.
"I don't know, sabi mo magiiwan ka ng note, diba?", tanong ko. Tumango siya.
"At kung sakaling bumalik sila yung ma Militar dito, make sure you write it down using our family code.", sabi ko. Yes, may family code kami. We just made it up para kung sakaling aalis sina Mama't Papa ay kami lang nakakaalam kung asan sila, and its for secrecy. Kung sakaling may paguusapan kami. Para siyang Morse Code.
Nang makababa kami ay nasa labas sila, ganun uli ang itsura nung time na nagka-party party. May bonfire sa gitna, at may nakapalibot na mga mahahabang silya.
Nakita ko sina Yusuke, Anne at Johy na magkausap, habang si Criz ay katabi nina Chardie at Cy. Si Megan naman ay wala pa.
Umupo na kaming dalawa ng kapatid ko sa tapat nina Criz. Biglang lumapit sa akin si Anne.
"Okay ka na ba?", tanong niya sakin at umupo sa tabi ko.
"Yup, I'm fine. Ikaw?", parang normal na tao lang kung magtanungan.
"Oo. By the way, para saan 'tong magpupulungan natin?", tanong niya.
"Ang pormal mo naman. Uhm.. Malalaman niyo rin maya-maya paglabas ni Megan.", ngiti ko sa kanya.
Sakto namang labas ni Megan sa bahay niya. Agad-agad siyang umupo sa bakanteng silya at tumingin sa amin. Nang tumama ang tingin namin, tumango ako.
"Aalis na tayo dito.", agad-agad niyang sabi.
"Huh? Bakit?", tanong ni Johy. Hindi naman naimik yung iba, mukhang alam na nila na ito yung gagawin namin.
"Hindi na tayo ligtas dito.", maikli niyang sagot.
"Pero naubos naman natin yung mga sundalo ah.", sagot ni Anne.
"Pero may possibilities na bumalik sila. Tingin niyo ba na bigla na lang nila tayo susugurin ng walang dahilan?", logical na tanong ni Megan.
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...
