"Gabrielle," tawag sa akin ng boses.. Ito na naman ang panaginip. Pinanuod ko ang sarili ko na lumapit sa isang babae na umiiyak. Kilala ko kung sino 'to, si Anne. Nakita ko ang sarili ko na niyakap siya.
"I'm sorry, Anne, hindi ko alam," sabi ko. Pero umiiyak pa rin si Anne. Bakit ganito? Alam ko na naman kung ano ang mangyayari.
Tumayo si Anne at tinutok ang baril sa ulo niya. HUWAG! Sigaw ko pero hindi niya ako naririnig. Nakita ko lang ang sarili na nakatingin sa kanya, hindi rin alam ang gagawin. Nakatingin lang 'to kay Anne.
"I'm sorry," bulong ni Anne sa hangin at pinutok ang baril.
Nagising ako ng pawis na pawis. Palagi ko na lang napapaginipan 'yung pangyayari na 'yun. It never left me, halos isang linggo na rin matapos ang ginawang pagpapatiwakal ni Anne sa harap namin ni Megan. Hindi kami kinakausap ni Megan, maging ako, alam kong hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan 'yung pangyayari.
Tumingin ako sa kanya, natutulog na naman siyang nakasimangot. Nanaginip rin siya, alam ko. Dahil once ko na ring narinig na umiiyak siya. Naalimpungatan ako that time at nakaramdam ako ng shuffle sa paanan ko. Doon ko nakitang umiiyak si Megan.
Tumayo ako at bumaba. Kailangan ko ng tubig. Nasa kitchen na ako at umiinom ng tubig nang makarinig ng ingay sa labas. Parang lata na nalaglag kung saan. Kinuha ko ang una kong nakita na makakapatay ng isang zombie sa harap ko, frying pan.
Pumunta ako sa sala at sumilip sa bintana. Walang tao, wala ring pusa or kung anong bagay na pwedeng makagawa ng ingay na 'yun. Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at sumilip sa garahe. Wala akong nakitang movements.. Pero para makasigurado, pumunta pa ako sa may loob ng garahe, kung saan naroroon ang mga repairing equipments.
Tsuk! May narinig na naman ako, mukhang sa kaloob-looban pa ng garahe 'to. Itinaas ko ulit ang kamay kong may hawak ng frying pan. Naglakad pa ako palapit sa narinig kong tunog.. Kinakabahan na ako, dahil baka kung sino or kung ano ang meron dito. Hindi natin alam, mamatay pa ako.
Tsuk! Palapit na ako sa sound na 'yon.. Ang lakas na ng tibok ng puso ko, naririnig ko na ang beat nito sa tenga ko. Sumandal ako sa pader at huminga ng malamim.
Tsuk! Game! Tumalon ako at handa na hampasin ang kung anong nilalang na naririto sa kaloob-looban ng garahe namin.
"Hoy! Hoy! Watch it!" hiss ni Lawrence sa akin habang may tinatanggal sa pader.
"What the hell are you doing in the middle of the night?!" I hissed back. "Hindi mo ba alam kung gaano ako kinabahan kanina, akala ko kung ano na meron dito," dagdag ko pa. Umirap lang sa akin ang kapatid ko at tinuloy ulit ang ginagawa.
Pumwesto siya sa may kabilang side ng pader at pinosisyon ang sarili. Tinignan ko lang kung ano ang gagawin niya, nang bigla siyang humugot ng maliit na kutsilyo sa tagiliran niya. Agad nanlaki ang mga mata ko.
"B-Bro.. Bro.. Bakit? Pwede naman nating pag-usapan 'to di'ba? I mean, bro, hindi mo na kailangan gawin 'yan. I'm sorry na sa lahat ng ginawa ko sa'yo noon, pati pananakot sa mga naging manliligaw at boyfriend mo, sorry na.." agad bungad ng bibig ko. Papatayin ako ng kapatid ko! Ang pinakamamahal kong kapatid..
"Huh?! Anong pinagsasabi mo?" tanong niya, habang nakatingin sa akin ng na para ba akong baliw.
"Ah.. eh.. Hindi mo ko papatayin?" tanong ko, at tinuro pa ang maliit na kutsilyo na hawak niya.
"Gago, malamang hindi! Kung papatayin lang kita, baka wala ka na rito ngayon," sabi niya at mahinang tumawa. "Para kang tanga, bro. Kung anu-ano pa sinabi mo," umiling-iling na lang siya habang inaalala ang mga sinabi ko kanina.
![](https://img.wattpad.com/cover/5195709-288-k896060.jpg)
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystère / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...