The Apocalypse: Chapter 18

1.3K 27 5
                                        

Madaming pumapasok sa isipan ko habang nag-raraid kami dito sa supermarket. Iniisip ko pa rin kung bakit nga ba nagkaroon ng virus, na ayon kay Criz ay galing sa US. Napahawak ako sa noo ko. Nakakaloko, sumasakit ulo ko. Pero, tama si Criz. Kailangan naming pumunta sa Bulacan.

Lumapit sa akin si Lawrence.
"Mukhang problemado ka, Bro?", tapik nito sa akin, umiling naman ako. "Dami kasing chicks eh..", saka lumakad sa unahan ko.
"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya. Nagtataka ako.
"Tss. May Criz ka na, may Anne ka pa. Haha! Grabe ka talaga sa babae.", sinuntok niya ako pabiro sa balikat.
"Ulol! Mga pinagsasabi mong bata ka. Nababaliw ka na.", ginulo ko buhok niya. "Asan sila?", tanong ko.
"Ayun, binabayaran na yung ni-raid sa cashier.", bigla siyang tumawa ng nakakaloko na ewan kung ano pa ba pwedeng itawag sa tawa niya.
"Baliw! AS IF NAMAN MAY CASHIER PA? Tara na nga.", inemphasize ko talaga. Takte kasi, nakakabaliw kasama kapatid ko. Hindi ako nabobored kahit ganito nangyari. At least, nakukuha pa rin namin magsaya kahit papaano... Hanggang kailan ang saya na ito? Biglang sabat ng isip ko. Shut up, Brain. Saka ko sinundan kapatid ko sa paglalakad.

 

Nakita ko na hinihintay kami nung apat sa may cashier nga. Kaya naman biniro ako ni Lawrence.
"Sabi sayo, nagbayad sila sa cashier eh.", bulong niya sa akin na may kasamang siko pa.
"Ano daw?", tanong ni Johy.
"Wala..", ngumiti naman ako at kinuha yung ibang bags sa kanila. "Asan pala yung kotse niyo?", tanong ko kina Yusuke.
"Actually malapit lang kung saan kayo nagpark.", tatawa-tawa siya.
"Huh?", tanong ko, hindi ko kasi nagets.
"Haha! Kanina pa namin kasi kayo hinihintay ni Johy dumating. Kaya naghintay kami sa loob ng kotse hanggang sa dumating na kayo. Saka namin pinark yung kotse malapit sa inyo. Para wala nang pupuntahan pang iba.", paliwanag niya.
"Naks ang talino mo mag-explain ah.", sabi ni Johy. "Alam ko ako nag-isip nun eh?", at ngumisi kay Yusuke.
"Naks! Nagkakamabutihan ah!", asar naman ni Criz. Sina Lawrence at Anne naman nauuna, may pinaguusapan din silang dalawa.
"Tama na nga yan.", sabi ko at naglakad na kami palabas.

Nang lumabas kami.. Tae! Ang daming zombie nakapalibot sa kotse namin. SA KOTSE LANG NAMIN!
"Hala! Bakit ang daming zombie?", tanong ni Criz.
"Gago! Nakalimutan mo kaninang dalhin si Buster!", bulyaw sa akin ni Lawrence. Shit! Oo nga pala. Nakalimutan ko yung aso na yun. Huminga ako ng malalim saka ako nag-isip ng plano kung paano makukuha ang atensyon ng mga pulpol na 'to. At ayun!! Tumakbo ako sa loob at sinenyasan ko yung iba na sumunod sa akin.


"Bakit tayo pumasok uli?", tanong ni Criz.
"Makinig kayo.. May plano ako..", sabi ko sa kanila.
"Ano? Magpapakain ka?", sabat ni Lawrence kaya pinitik ko yung ilong.
"Loko, makinig kayo.", sabi ko. Nang makita ko na nakikinig silang mabuti ay nagpaliwang na ako. "Nakita ko yung kotse nina Yusuke hindi kalayuan sa kotse natin. At alam makakasigurado ako na hindi kayo makikita ng mga zombie --"
"Kayo? What do you mean? Di ka sasama?", putol sakon ni Criz.
"Pag patapusin mo muna ako.", sabi ko sa kanya saka siya tumango. "Gagawin ko lang pain yung sarili ko. Hindi naman sila tumatakbo kaya makakaya kong umikot.", sabi ko sa kanila. Sa totoo lang nagtataka ako kung paano nagkaroon uli ng zombie sa labas.. Nakakapag-taka na talaga 'tong nangyayari na 'to.
"Hindi pwede yan!", galit na sabi ni Lawrence. "Sasama ako sayo, Bro! Ayokong ikaw lang!", tuloy niya. Umiling ako. "Bro naman! Sige na!", pilit niya sa akin nakahawak na 'to sa dulo ng damit ko. "Please?", sabi niya.
"No, Lawrence! I won't let you come with me. It's dangerous.", sabi ko sa kanya at humawak ako sa mga balikat niya. "Look, Lawrence. Tayo-tayo nalang ang magkakasama. I don't want to lose anybody. Alam kong nag-aalala ka sa mangyayari sa akin. May tiwala ka naman kay Kuya, hindi ba?", tumango-tango naman siya. "Yun naman pala eh. Sumama ka na kina Criz. Ako nang bahala.", saka ko bumitaw sa balikat niya at lumabas.


"Magtago kayo sa gilid. Paniguradong dadaan sila dito sa tapat ng entrance.", sinunod naman nila ako. Lumapit sakin si Yusuke.
"Sasama ako sayo, Brother.", sabi niya.
"Hindi pwede.. Ikaw na muna ang bahala sa kanila.", sabi ko saka ko siya tinapik sa likod. Bumalik na uli siya sa pwesto nila at naglakad na ako palapit sa mga zombie. Grabe ang dami! Hindi ko na mabilang dahil kumpulan sila. Imaginin niyo na lang yung mga tao na nanghihingi ng relief goods kapag may calamity ang bansa.


Sinimulan ko nang sumigaw.
"Oooooooooooooooooooooooy! Mga pulpol!", iyon, tumingin sa gawi ko ang mga zombie. At simulang nang magpasuray-suray papunta sa akin. Okey ito na. Nung may malapit na sa akin ay binanatan ko sa mukha. Ang baho pa rin as usual. Hindi pa rin ako sanay, kaso kailangan. Umatras ako para makabwelo sa susunod kong tatamaan. Dalawang zombie yung second wave. Kaya itinaas ko na si Junior. Sinipa ko yung unang nakalapit, muntikan pa akong makagat sa paa. Pisteng bibig nila, elastic! Ilang beses ko pa hinampas sa ulo yung nasipa ko, dahil ang tigas ng bungo.. Hindi ko napansin yung isa kaya nakakuha 'to ng pagkakataon para mayakap ako.


Ang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. At ang baho niya! Amoy-kahapon! Tinusok-tusok ko siya gamit si Junior sa mukha. At nang napada 'to ay saka ko siya hinampas sa likod ng ulo. Tumingin ako sa mga zombie na papalapit sa akin. Nagsimula na akong maglakad papalayo. Medyo mabilis yung iba sa kanila kaya kailangan kong patumbahin. Habang papalayo kami sa kotse at sa entrance ay nakita kong lumabas na sila Criz at nagpunta patungo sa kotse. Nakita ko pang lumingon sa direksyon ko si Anne. Nang makapasok na sila ay nakikita ko na nakatingin pa rin sila sa akin. Kailangan ko nang tapusin 'to. Sa isip-isip ko. Kaya naman binagalan ko ang paghakbang at saka ko pinaghahampas mga malapit sa akin. Pakonti na sila ng pakonti, kaya naman nagpapasalamat ako.

 

Shit! Kaatras ko ay hindi ko napansin yung bato, dahilan upang matumba ako. Mabilis ang pangyayari, naramdaman kong may dumagan na sa akin. Kinabahan na ako. Alam kong hindi ko makakaya 'to. Naalala ko si Lawrence. Yung itsura ni Lawrence kanina nung gusto niya akong samahan. Nasa mukha niya na ayaw niya akong mawala. Na gusto niya pa akong makasama.


Kailangan kong mabuhay!


Sinipa ko 'to kaya naman natumba pati yung mga nasa likod nito. Agad-agad akong tumayo. Hinanap ko agad yung Junior ko na nabitawan ko sa pagtumba ko. Kinuha ko agad 'to nang makita kong nadaganan ng isang zombie. Habang nakatumba sila ay pinatikim ko na sila ng Hampas ni Badjula at Swing of Death. Kaya naman nagtalsikan ang mga dugo't brain bits nila maging sa damit ko. Kaya hinubad ko. Ayoko naman pumasok sa kotse namin na amoy patay hindi ba? 


Konti nalang ang kailangan itumba. Kaya inisa-isa ko na 'to. May isa pang nahiwalay yung ulo niya dahil sa sobrang lakas ng pagswing ko sa ulo nito. Dahilan na naman para tumalsik ang dugo sa damit ko na sumirit galing sa leeg nito. Hinubad ko na naman kaya wala na akong damit pantaas. Natapos ko nang itumba yung mga natira. Nakakapagod. Ang dami nila. Napaluhod ako at pinunasan ang pawis ko na tumatagaktak sa mukha ko gamit ang kamay ko. Tapos na. Saka ko tumayo at lumakad palapit sa kotse namin kung nasaan sina Criz. Kumaway ako sa kanila at sumenyas na okey lang ako.

 

Bubuksan ko na ang pinto, nang lumabas si Criz.
"Oops! You're not going in unless I check your WHOLE body.", inemphasize talaga yung WHOLE. Naughty me. Ngumisi naman ako, kaya binatukan ako nito. "I mean your body..", sabay turo sa hubad kong katawan. Natawa naman ako. Habang chini-check niya ako ay nakatingin lang ako sa kanya. Mahaba ang buhok ni Criz, maputi, medyo katangusan ang ilong, yung mga labi niya ay pinkish red, medyo mahaba ang pilik mata, medyo kasingkitan at malinis ang mukha. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ako nahulog sa kanya noon.


Bigla ako nitong tinapik sa balikat, kaya naman napa-intag ako na ikinatawa niya.
"Manyakis talaga.", bulong niya saka siya pumasok sa may passenger's seat. At ako naman sa may driver's seat. Malamang, ako naman lagi eh.

 
Pinaandar ko na yung kotse at nakasunod naman samin sina Johy. Pagliko namin ng Canaynay ay may nakita na akong zombies. Hindi karamihan. Kataka-taka kung bakit ngayon palang naglalabasan ang mga zombie na 'to. 


Nakarating na kami sa subdivision at pasalamat naman ay walang zombie sa tapat ng bahay namin. Dahil nakakapagod na bumanat ng mga zombie. Nadrain lahat ng energy ko kaya naman pagkahinto na pagkahinto ng kotse ay bumaba agad ako at hinayaan ko na sila. Sumenyas naman ako kay Yusuke na siya na bahala at tumango naman ito. Dire-diretso na akong pumasok ng bahay at saka humiga sa sofa.

=========================================================================================

 Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon