Grabe.. Kinakabahan ako. Tuloy pa rin ang mahinang kaluskos sa pinto. Tumingin ako sa gawi ni Criz. Busy pa rin ang gaga. Lumunok ako.. Ito na.. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Bubuksan ko na! Ito na! At tumambad.. tumambad sa akin ang isang..
Napakacute na tuta.. Sa unang tingin alam mong German Shepherd 'to kahit nakababa pa ang mga tenga nito. Nang tinignan ko ang mga mata.. Mata ng Siberian. Cross-breed. Pero? Bakit kaya iniwan itong napaka-cute na tuta na 'to? Sa isip-isip ko.
"HOY! ANO YAN!?", Criz breaking my thoughts!
"Ay bilat!", napabulaslas nalang ako sa sobrang gulat. Pisteng Criz 'to! "Wow ang cute naman nito!", karga ni Criz dun sa tuta. "Saan mo nakita?", tanong niya.
"Criz? Sigurado ka bang Dean's Lister ka sa school? Osadyang may pagka-engot ka rin minsan? Kitang nasa loob yan diba? Malamang dyan ko nakita.", kumamot-ulo naman 'tong si Criz.
"Ang cute cute mo. Papangalanan kitang Buster!", gigil na pinisil ni Criz ang pisnge ng tuta.
"Wait? What do you mean? Kukupkupin natin yan?", tumaas yung kilay ko."Yung totoo, Gab? Magaling ka ba sa Logic? Pinangalanan ko na nga diba? Ano, shunga shunga lang, Koya?", binatukan naman ako. Tinignan ko yung si Buster. Mukhang matalino naman, dahil tahimik, o sadyang hindi pa nakakaget-over sa pang-gigigil sakanya ni Criz? Ah, basta! Tuturuan nalang namin 'tong si Buster..
Pumunta na uli kami sa stall kung nasaan yung mga pagkaing nakuha ni Criz. At ayun, andun lang. Tatlong bag yun, punong-puno, kaya naman mukhang sakin yung dalawang mabigat. Tss. Kinuha ko na yung dalawang biodegradable bag, at nagsimula na kaming pumunta sa pinto. Nang may marinig kaming umuungol sa labas. Nagkatinginan kami ni Criz.
"Putcha, Gab. Mukhang may Zombie sa labas.", tumingin siya sa bintana. "Mukha nga. Shit paano to?", nakita ko yung apat na magtropa na Zombie. Sila yung nakita namin kanina. Shit lang. Nagisip ako nang plano.. Ayun!
"Criz. Bakit hindi nalang natin ipain si Buster?", bulong ko sakanya. "Gago ka ba?! Hindi ako--", bigla kong tinakpan yung bibig niya nang makita kko na lumingon yung isa sa gawi namin. Shit!
"Puta naman, Criz. Lumingon dito yun isa..", nagpeace sign naman ang gaga. "Kung hindi lang kita bestfriend ikaw ang ipapain ko.", sabi ko sakanya."Eh gago ka kasi, sabihin ba naman na ipapain tong si Baby Buster ko.", sabay kiss kay Buster. Umiling-iling ako. Diyos ko, kung hindi ko lang po talaga bestfriend to.
"Erm, may ibang way pa ata para maka-alis yan? I mean, gumawa tayo ng ingay sa labas?", tumango-tango ako habang nageexplain siya.
Mukhang magandang ideya nga yun. Pero paano? "Paano tayo gagawa ng ingay, Criz?", tanong ko sakanya. "Babatuhin natin yung kotse dun sa labas. Siyempre tutunog yun diba? Edi pupunta sila dun.", tuloy-tuloy pa rin siya.
"Paano nga?!", hindi ko mapigilan di tumaas yung boses ko, kaya naman lumapit yung isang Zombie sa labas. "Shit, Criz, may lumapit..", bulong ko at hindi na tumingin sa bintana. "Tara doon tayo sa second floor.", at ngumuso siya siya sa hagdan sa may gilid ng pinto, kung saan ko nakita si Buster.
Agad kaming umakyat ng napaka-ingat upang hindi pa makagawa ng ingay. Nang makaakyat kami, may terrace dun. Bago kami pumunta sa may terrace ay chineck muna namin yung second floor kung may Zombie. Mukhang wala naman dahil walang trace ng dugo at kung ano. At halatang umalis agad yung mga nakatira dito sa taas ng tindahan, dahil wala na yung ibang gamit sa mga kwarto. So, parang apartment type na may tindahan sa baba.
Sumilip kami sa terrace na bato. Kaya kahit yumuko kami, hindi kami makikita. "Ito gagawin natin, Gab. Manuod ka.", binaba saglit ni Criz si Buster, yung isang bag at backpack na dala niya. Kumuha siya ng isa de-lata sa biodegradable bag. "Putcha, pagkain yan?! Ano gagawin mo?", medyo mataas pero pabulong na pagkakasabi ko sakanya.
"Ito nga yung way para makapag-ingay tayo eh. Isang batuhan lang naman 'to.", ngumiti siya. "Kita mo yung kotse na yun?", turo niya sa kotse na di kalayuan.
Mga tatlong bahay ang pagitan samin nung kotse. Ewan ko lang kung tamaan ni Criz 'to. "Watch and Learn.", habang pinaglalaruan yung de-lata ng Ligo.
Bigla niya itong hinagis sa kotse. Sa kasamaang palad hindi ito umabot. Kaya naman nilingon ng magtropang Zombie yung de-lata at nilapitan. Napayuko kami ni Criz.
"Putcha! Anong klaseng bato yun?", humahagikgik na tanong ko. Inirapan naman ako. "Well, ganun talaga pagsexy.", sabi niya ng taas noo.
"Shunga shunga bumato? Haha!", natawa ako pero hindi naman ganun kalakas. Grabe na yun. "Letche ka talaga!", hinampas naman ako.
"Wait tignan ko na sila.", dahan-dahan akong tumayo at tinignan yung magtropa. Grabe close na close silang apat. Nakita ko silang nagkumpulan dun sa de-lata. Kaya naman sinenyasan ko si Criz na tumayo. "Akina isang de-lata.", agad namang kumuha si Criz at inilagay sa kamay ko ang isang de-lata. Here goes. Binato ko yung kotse. At sa kasamaang palad, tumama lang ito sa gulong nun kotse. Agad naman akong binatukan ni Criz. At nag-tsk tsk.
Kumuha siya ng isang de-lata at inulit lang ang ginawa kanina. Binato niya yung kotse. At ito'y tumama sa... ulo nung isang Zombie. Kaya again, muntikan na kaming makita. Dahil tumingala ang loko. Mabilis naman kaming yumuko't nagtago. "Loko ka. Muntikan na tayo dun.", bulong ko sakanya. "Sabi sayo, ipain nalang natin si Buster.", tuloy ko.
"Gago! Ayoko.", binatukan ako at tumingin kay Buster. Pero wala si Buster sa pwesto nito.. Saan naman nagpunta yun? "Buster?", gumapang si Criz papuntang sala ng second floor. "Criz, halika dito. Maya na natin hanapin yun.", sunod ko naman sa kanya na gumagapang din.
"Hindi natin siya iiwan, Gab. Okey?", seryoso niyang sabi kaya hindi na ako nagsalita.
Tumayo na kami pagkadating sa sala, at hinanap si Buster sa mga kwarto. Nakita namin ito sa may pangalawang kwarto malapit sa terrace na may kagat-kagat na kung ano. Kaya nung kinuha ko, susi 'to ng kotse. "Good boy, Buster.", at hinimas-himas ang ulo nito. "See, ang talino niya. Di tulad mo, dapat ikaw ang ipain.", tinaasan ako ng kilay ni Criz, at binuhat si Buster na nag-wawag pa yung buntot. Teka, saan namin gagamitin to? Eh wala naman kotse kanina sa tapat ng tindahan?
Pumunta kami uli sa terrace at sinilip yung magtotropa. Ngayon, kalat-kalat sila. Ano? LQ lang? Yung isa, nasa gilid ng tindahan: hindi kami nito kita. Yung dalawa naman, nasa pangalawang bahay at kausap ang pader. Yung isa, malapit sa may kotse. Pero nakaharap sa kabilang part ng street; which is sa aming gawi. Pero mukhang hindi naman kami nakikita nito. Sabog ata.
Kaya naman ito na yung time para bumato ng de-lata uli. This time, ako naman. Kumuha ako ng de-lata sa bag at hinagis. Sa kasamaang palad, yung Zombie ang tinamaan. Bumaon pa sa ulo ng Zombie yung de-lata. Shit! Nakakadiri, nakakasulasok, nakakarimarim, nakakapagpabagabag. Kadahilanan na bumuka ang noo nito at umagos ang dugo sa mukha. Napakalaking sugat nun, at mukhang baon na baon yung de-lata sa noo. Wow, pangalawa na to, di naman kaya mabobo lalo yung Zombie na yun?
Si Criz na.. Dinasalan pa ang de-lata bago batuhin. Pero pinigilan ko siya.. "May plano ako! Check ko muna tong susi ng kotse na 'to kung saan naka-park.", pinindot ko naman yung susi.
Tsuk tsuk
Tunog naman ng isang Honda Jazz sa hindi kalayuan sa may kanang bahagi ng street. Nasa kaliwang bahagi naman yung mga Zombie.
"Pupuntahan natin yun.", turo ko sa kotseng ngayo'y nilalapitan nung magtotropa. "Pupuntahan pa natin yan? Eh nilalapitan pa nila.", nagtatakang tanong niya. "That's why babatuhin mo yung kotseng yun, para yun naman ang tumunog. Saka natin pupuntahan yung kotse natin ngayon.", sarkastikong ngiti ko sakanya. At saka niya na-gets yung sinabi ko, kaya nag-okay hand sign siya.
"Marunong ka ba mag-drive?", tanong niya sakin. "Medyo.", maikling sagot ko sakanya at tumango-tango siya.
Inobserbahan muna namin yung magtotropa. At nang makalapit na sila sa kotse namin ay naghanda na si Criz. Bago pa man batuhin ni Criz yung kotse. Nagcross-fingers ako. Please, let this work! Please, let this work! At binato na nga ni Criz yung kotse. At tumpak! Tumama sa bumper kaya nag-ingay 'to.
Kaya napalingon at lumapit yung magtropa sa kotse sa kabilang side. Ang bagal nila grabe. Kaya kinuha na namin ang mga gamit namin at si Buster saka bumaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/5195709-288-k896060.jpg)
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mistério / SuspensePaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...