The Apocalypse: Chapter 46

880 14 5
                                        

Malapit niyo na mabasa yung twist. Dahil masama akong author at pinapatay ko ang bida sa story ko, kaya gumawa agad ako ng bagong chapter. Nakareserba na kasi itong chapter na 'to. Naging busy lang kakaisip kung ano pa idadagdag ko.

Sorry, Guys. Pero... Ito na ang kapalaran ni Gabrielle.

=================================

"Gabrielle? Okay ka lang?", lapit sa akin ni Megan. Siya yung pumatay sa Zombie.

Hindi ako makapagsalita.. Hindi ko alam gagawin ko. In a minute now, I'll be like them. Tumingin ako sa zombie na kumagat sa akin ngayo'y wala ng ulo.

"Gabrielle!", hawak ni Anne sa akin.

"Sorry! Hindi ko sinasadya! Dapat nag-ingat ako. Ako dapat ang nakagat, hindi ikaw! Gabrielle.. Hindi ko sinasadya..", umiiyak na siya ngayon.

"Wala ng mga sundalo, pinapak na ng mga zombie, at yung mga zombie tinum-- Ano nangyari rito?", biglang dumating si Criz. Bigla siyang lumapit sa akin nang makita niya ang dugo sa braso ko.

"What happened here?", tinutukoy niya yung braso ko.

"Amm.. Ano, Criz...", si Johy.

Biglang nakita ni Criz ang nakahalandusay na Zombie at nanlaki ang mga mata.

"Hindi, Gab. Nagbibiro lang kayo!", sabi nito na nakangiti. Napayuko lang kami at tuluyang umiyak si Anne.

"Guys, stop. This isn't funny.", nakangiti pa rin siya. Akala niya nagbibiro kami.

"No, Criz. This isn't a joke.", sabi ko habang nakayuko pa rin.

"Criz, kasalanan ko. Ako ang dahilan kung bakit nangyari yan kay Gabrielle.", sabi ni Anne na umiiyak pa rin.

Lumapit sa kanya si Criz.. at walang anu-ano ay sinampal siya ni Criz.

"Bakit mo hinayaan na mangyari sa kanya 'to?!", sigaw ni Criz kay Anne. Napahawak naman sa pisngi Anne.

"Bakit mo hinayaan?! Pabaya ka! Pinagkatiwala ko na sayo ang bestfriend ko pero ano ginawa mo?!", sigaw na naman ni Criz sa kanya. Habang iyak lang ng iyak si Anne.

Itataas na uli sana ni Criz ang kamay niya upang sampalin uli si Anne nang pigilan ko.

"Kasalan ko, hindi niya. Hindi ko agad binaril yung zombie Ako ang nagpabaya. Hindi ko dapat hinayaan na nakalumpasay lang sa lupa yung zombie. Ako ang sisihin mo, Criz. Huwag si Anne.", malumanay kong paliwanag sa kanya, nakayuko pa rin ako dahil ayokong makitang malungkot ang bestfriend ko.

Bigla kong naramdaman ang mainit na palad ni Criz sa pisngi ko. Nag-angat na ako ng mukha upang makitang lumuluha si Criz.

"Please say it's a joke, Gab.", malumanay na sabi niya habang tumutulo ang mga luha sa magkabila nyang pisngi.

Umiling ako. Pakk!! Sampal na naman.

"Say it's a joke!", sigaw ni Criz.

Umiling uli ako.

"Say it's a joke dammit!", bigla niya akong pinagsusuntok sa balikat ko kung saan ako nabaril, pero wala akong maramdamang sakit sa pagsuntok niya. Mas matimbang pa rin ang pagkirot ng braso ko.

Umiling ako.

Doon na napaupo si Criz. Nakasahod ang mga kamay sa mukha habang umiiyak. Tumingin ako sa mga kasama ko; Johy, Chardie, Megan at Anne - na umiiyak na rin sa nakikita nilang scene.

Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya. Pilit na tinatanggal ang pagkakasakop nito sa mukha niya. Ngunit, tinataboy niya ako.

"Layuan mo ako! Anong klase ka?! Akala ko ba walang iwanan?! Akala ko ba hindi mo ako iiwan?! Pero ano yan?! Ano yan?!", turo niya sa braso ko.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon