The Apocalypse: Chapter 45

1K 21 9
                                        

Ito na yung update, medyo natagalan (kahit sobrang tagal naman talaga.) 

Marami lang talagang nangyari sa buhay ko. Kaya ayun.

Nga pala? Gusto niyo ba ng Book 2 ng The Apocalypse? 15votes and leave comments. Ü Gusto ko kasing malaman if gusto niyo pang ituloy ko yung adventures nila?

Napanood niyo na ba yung World War Z ni Brad Pitt? Ako hindi pa. XD

=================================

Malapit na ako sa bahay kung nasaan si Yusuke. Nang may ng hampas na kung anong matigas na bagay sa likod ko. Syempre malamang sa malamang tumumba ako ng nakadapa. Tatayo na sana ako nang bigla akong dinaganan ng hayup.

"Sino ka?!", tanong nung humampas sa akin na tinutukan ako ng baril sa sintido ko.

"Kayo siguro yung mga nakatira dito ano?!", tanong uli nito.

'Putcha, Megan. Asan ka? Help me. God, pakisabi naman po kay Megan tulungan niya ako.' panalangin ko sa May Kapal.

"Hoy tinatanong kita!", sigaw nito na kami lang ang makakarinig dahil sa maingay na pagpapalitan ng putok.

"Bakit kayo naririto?! Anong kailangan niyo samin?!", ako naman ang nagtanong.

"Wala kang karapatan malaman yun.", sabi nito. Sa sinabi niyang yun ako sumabog.

"Gago ka pala eh. Nakuha mong magtanong sa akin tapos hindi mo sasagutin yung simpleng tanong ko sayo?!", sabi ko dito at umikot sa pagkakadapa.

Sinipa ko siya sa you-know-where. Bumagsak din itong nakadapa at namimilipit sa sakit, balak pang kunin ang baril na nalaglag niya. Ngunit pinigilan ko ang kamay nito sa pag-abot ng armas gamit ang paa ko. Tinapakan ko ho yung kamay niya at ako ang kumuha ng armas.

"Ngayon, sasagutin mo ba tanong ko, o papasabugin ko yang bungo mo?", matigas kong tanong dito. Yumuko ako para itutok ang baril sa ulo niya.

"Isa kang hangal!", sigaw nito. At syempre, wala pa ring nakarinig dahil sa malakas na putukan at walang nakakakita dahil may nakaharang na kotse sa tapat namin.

"Ano bang kailangan niyo sa amin!?", pagdidiin ko. Pero tumawa lang ito ng nakakaloko.

"Nang-aasar ka ba?", tanog ko rito at diniin ang baril sa sintido niya.

"Mali ang ginagawa mo bata, hindi mo ako dapat patayin.", 'Shit! Ang gulo?'

"At bakit naman?!", tanong ko.

"Dahil may kailangan ka pang malaman sa akin, kung bakit kami naririto.", sabi niya. Pinipilosopo na ako ng hayup na to. Nainis ako kaya diniinan ko yung pagtapak sa kamay niya. Nakita kong ngumiwi siya sa sakit at napangisi naman ako.

"Magsasalita ka o magsasalita ka?", tanong ko uli na may bakas ng pananakot, habang nakatutok ang baril sa sintido.

"Alam kong natatakot kang mamatay. Kaya sabihin mo na para buhayin pa kita.", Oo alam ko, mukhang tanga yung pananakot ko, wala na akong maisip na pwedeng ipanguto eh.

"Wala kang malalaman!", sigaw nito. 'Anak ng..'

"Sige kung--", bigla akong napatigil dahil narinig kong may dumating na mga sasakyan. 'Sila Criz!'

"Heh, mukhang mamamatay rin ang mga kasama mo.", ngisi ng kupal na nakadapa.

Magsasalita na sana ako nang makita kong butas na ang ulo ng sundalo. Tumalsik ang mga piraso ng utak at dugo nito sa damit ko, pati na rin sa mukha at mga kamay. Nang lingonin ko kung saan nang galing ang butas nito sa ulo, nakita ko si Megan na may hawak na baril.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon