Hinubad ni Megan yung relo niya at iniabot sakin.
"Eh paano natin makikita yung transmitter kung sisirain mo?", tanong ni Johy.
"Duhh, maliit na chips yung transmitter parang yung sa cellphone kapag binuksan mo.", sagot ni Yusuke. Inirapan lang siya ni Johy.
Napailing na lang ako sa dalawang 'to.
"Tama na yan, mga baliw.", tumayo ako at kumuha ng bato. Nilapag ko sa lupa yung relo saka ko pinukpok.
Nagkalat ang mga piraso ng salamin at halos madurog na ito, binuksan ko nang may nalaglag..
"Brother, ito na kaya yung transmitter? Mas lumiit pa ata kaysa sa regular type ng transmitter.", pulot ni Yusuke at iniabot sakin.
"Mukhang 'yan na nga.", sagot naman ni Chardie.
"So.... Pwede na ba tayong umalis?", sabi ni Cy habang marahang tumayo sa kinauupuan niya.
Tumingin ako kay Lawrence. Nakatingin lang siya sakin, kaya naman lumapit na ako.
"Alam mo na?", tanong ko. Tumango naman siya at ngumiti ng pilit sa akin.
"Huwag ka na masyadong mag-alala, Lawrence. Andito naman kami eh.", sabi ni Criz na lumapit sa amin.
"Oo nga!", biglang sabat ni Cy. "Andito naman kami eh."
"So? Edi... Pack up na tayo? I mean, simulan na natin?", tanong ni Yusuke na parang mas excited pa sa amin.
Lumingon ako sa kanya at tumango.
"Tara. Pack up na tayo.", inalalayan ako ni Lawrence. Nagkakanya-kanya na rin yung iba.
Nang makapasok na kami sa bahay, umupo ako sa sofa. Umakyat si Lawrence sa taas. Binuksan ko 'yung flashlight. Tinignan ko ang bahay namin. Madami na rin kaming naipon na magagandang alaala sa bahay na ito. Alam kong wala ng gamot para sa epidemiang nangyayari ngayon.. Buhay pa kaya sina Mama at Papa?
Napabuntong-hininga ako sa alaala ng mga magulang ko..
"Namimiss mo na rin sila no?", tumabi sa akin si Lawrence habang hawak nito si Buster.
"Oo naman.. Nakakamiss kayang inuman 'yung dalawang 'yun.", natatawang sabi ko nang naalala ko 'yung time na, nakainuman ko sina Mama at Papa.
"Oo nga eh. Haha! Super wasted ka nga 'nun. Out of the blue kang nanghihingi ng Mcdo Fries.. Tapos.. Tapos.. Sumigaw ka ng, 'Gusto ko ng coke na mainit!' Hahaha! Sayang hindi ko navideohan.", tawang-tawa na pagpapaalala ni Lawrence sa napakapait kong nakaraan sa pag-inom. (A/N: True Story.. Literal po talaga akong sumigaw sa kwarto namin niyan..)
Ginulo ko ang buhok niya at nakitawa na rin.
"Tapos ka na ba sa mga dadalhin mo?", tanong ko.
"Duuh...", sagot niya at tumayo. Kinuha niya yung isang flashlight sa may TV at kinuha ang carpet sa gilid.
"Sige aayusin ko na rin 'yung sa akin.", tumayo ako at inalalayan ko ang sarili ko.
Nakahawak ako sa pader para sa balanse ng katawan ko. Nang marating ko na 'yung kwarto namin.. Nakita kong nasa kama ni Lawrence ang bag niya. Kinuha ko na 'yung nakatagong extra bag na kinuha ko sa SM.
I started packing up my things, nang may makita akong picture... Kinuha ko 'yun at tinignan.
Napangiti ako.. Ito yung time na nagbarbecue kami nila Mama sa terrace namin. Nilagay ko yung litrato sa maliit na bulsa ng bag.. Nang makontento na ako sa mga dadalhin ko. Sunukbit ko 'yung bag ko at 'yung bag ni Lawrence sa magkabilang balikat ko. Binaba ko na 'yung mga bag.
![](https://img.wattpad.com/cover/5195709-288-k896060.jpg)
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...