The Apocalypse: Chapter 9

1.5K 31 16
                                        

Kinuha ko na si Junior at naglakad sa tabi ni Yusuke. Isang apartment building ang papasukin namin ni Yusuke. Glass door na pinto at marmol na sahig. Tumingin muna ako sa mga babae naming kasama bago kami pumasok.

Dahan-dahang binuksan ni Yusuke ang glass door. Shit! Ang kalat. Puro nagkalat na mga papel at mga dyaryo ang nasa lapag. Hindi naman kalikahan at kaliitan tong Apartment building sa baba nito. Sa left side, makikita mo sa gilid yung receptionist area na katapat naman ng lobby. At andun sa table ang isang computer at mga log books. Sa likod naman ng table ang isang malaking flat-screen tv na puro static ang pinapakita. Kaya kapag nandito ka, iisipin mo nasa horror movie ka. Sa right side naman, ay may makikita kang pasilyo, sa dulo nito ay dalawang elevator, at sa kanan nito ay may hagdan. Tumingin ako kay Yusuke at tumango naman siya..

"Mag-elevator tayo, Pare?", tanong niya sakin.

"Ayoko. Baka mamaya may magtropang zombie sa loob ng elevator at biglang sugurin isa satin. Jusko, tatakbuhan talaga kita.", sabi ko sakanya. Tumawa naman siya.

"Ayaw mo nun, para thrill?", ngumiti naman siya at simulang naglakad papunta elevator.

"Tss. Thrill thrill ka pang nalalaman diyan.", saka ako sumunod sakanya.

Nang kaharap na namin yung elevator ay hinanda ko na si Junior. Siya naman ang pumindot ng down button at hinanda ang kanyang mahabang tubo. Hanggang seventh floor ang taas isama mo na yung ground floor ng Apartment building na 'to, kaya naman ang tagal bumaba ng elevator.

6.... Tagal. Takte.

5.... Ay, sige. Baba na!

4.... Grabehan na talaga 'to.

3.... "Grabe ganito ba katagal ang elevator dito? Nawawala concentration ko e.", tumawa naman siya nung sinabi ko yun.

2....

"Waiting ka lang.. Malapit na yan.", habang nakatingala sa floor board ng elevator. Kung saan hinihighlight kung nasaang floor na yung elevator.

1....

"Ayan. Maghanda ka na...", bulong niya sakin. At hinanda ko na ang sarili ko..

G.... Ting!

Bumukas ang elevator at tumabad samin ang...

Dalawang Zombie! Isang mataba, medyo katawan na ni Boomer sa left 4 dead 'to. At yung isa naman kasing payat ni Smoker. Umatras kami at akmang hahampasin na namin yung kasing taba ni Boomer at ito'y bumuga. De, joke! Biglang sumugod yung kasing payat ni Smoker. At muntikan na kaming matumba sa buwis zombieng ginawa ng hinayupak na pulpol na Smoker na 'to. Kaya siya muna ang hinampas namin.

Watcha! Sigaw ng isip ko nang marinig na tumunog ang buto nito sa katawan nang hampasin namin ni Yusuke ang dibdib nito. Kaya tumilansik si Smoker at tumalsik ang mga dugo nito sa pader. Yuck. Si Boomer naman ang susugod. Nagtinginan kami ni Yusuke. Dahil natatawa kami kung paano maglakad/sumugod si Boomer. Tangina! Parang penguin! Natatawa ako habang ginagaya ang galawan ni Boomer. Kaya naman siniko ako ni Yusuke at nginuso si Boomer na papalapit na. Hinanda ko ulit si Junior na nababalot na ng dugo't longganisang nakasabit dito.

Nang makalapit na si Boomer, agad kong hinampas ang tiyan niya na ikina-atras naman nito. At tumumba. At ayun! Hinampas ni Yusuke ng tubo sa ulo si Boomer kaya bumulwak ang utak nito sa marmol na sahig kaya naging pink ang kulay nito. Kakahampas ni Yusuke, bigla siyang hinawakan ni Smoker sa paa at akmang kakagatin. Kaya naman ako naman ang humampas kay Smoker sa ulo. Muntikan na siya dun, Grabe. Nginitian niya ako.

"Salamat, Pare. Pangalawa na 'to.", at tinapik ako sa balikat. Tumango ako at dumiretso na kami sa elevator. Pumasok na kami at pinindot na niya ang 6th floor.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon