"Bakit ikaw?", tanong ko rito. "I mean, hindi naman masama. Kaso nga lang... Um.."
"Baka may magalit?", nakangiting sabi niya at nilingon ang iba naming kasama.
"Uhm, parang ganun na nga..", sabi ko habang kinakamot ang ulo ko.
"Don't worry, Gab. Walang magagalit. Ako na rin naman kasi ang nagsabi sa kanila so you don't have to worry about a thing. Saka... hindi naman kita gagapangin.", sabi nito na parang nang-aakit.
"Shit, bro... medyo naturn on ako dun ah.", bulong ni Yusuke nang makaalis na siya.
"Gago ka talaga.", aaminin ko. Medyo naturn on ako sa sinabi niya. Hahaha! Be serious, Gab!
Agad-agad akong umakyat sa taas. Second to the left side? Or right side? Err.. Hindi ko matandaan.
Walang anu-ano, nakarinig ako ng maliit na ungol at kaunting kaluskos na nang-gagaling sa dulo ng hallway kung saan naroon ang mga room. Sa dulo nun ay may isang room. Agad tumaas ang senses ko at bigla akong kinabahan. Nilapag ko ang gamit ko at dahan-dahang naglakad patungo sa pinto kung saan nagmumula ang ingay.
Shit! Nakalimutan ko si Junior sa sasakyan. Ang bobo mo talaga Gabrielle Lawrence Tan Santiago! I smacked myself mentally at naghanap ng pwedeng ipangpatay sa kung ano man meron doon sa likod ng pinto na yun.
Nakita ko ang vase na nakapatong sa drawer. Ang haba naman ng hallway na 'to.
Bigla akong nakaamoy ng maalinsangan na mabahong amoy. Malamang.. Lalo pa akong kinabahan ng biglang nagwala ang nasa likod ng pinto. Tipong sisirain yung pinto. Mukhang naamoy rin ako nito. Damn.. Dahan-dahan pa akong lumapit..
Kaunti na lang..
Ayan na..
Tatlo pa..
Dalawa pa..
Shit..
Okay...
Ito na..
Ayan na!
Nasa tapat na ako ng pinto at hindi pa rin tumitigil ang pagdabog yung nasa likod ng pinto. Ito na. Bubuksan ko na..
Click!
Biglang bumagsak ang isang katawan ng lalaki na nasa thirties ang edad. At, oo, zombie siya. It groaned and grabbed my leg. Shit! Oh, wait. Yung vase! Agad kong hinampas ang vase sa ulo nito ng paulit-ulit hanggang sa hindi ito gumalaw. Napaupo ako at tinadyakan ang nakahawak pa ring kamay nito sa binti ko.
"Akala ko ba chineck na nila lahat.. Ugh..", sabi ko sa sarili ko. I run my fingers through my hair out of annoyance.
"Whoa!", napalingon ako sa likod ko at si Johy 'to.
"Akala ko ba nagcheck na kanina?", tanong ko.
"Yeah, we did.", sagot niya..
"Eh ano 'to?", turo ko sa hindi na gumagalaw na zombie.
"We did check that room, Gab!", turo niya sa loob. "Look, nakalagay na yung gamit namin dyan ni Anne hindi ba?"
"You didn't check enough.", argue ko at pinunasan ang mukha ko gamit ang t-shirt ko. "Hindi naman magkakaroon ng ganyan dyan kung hindi chineck ng maayos.."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Johy na parang may narealize.
"Oh, shit!", sabi niya at pumasok agad sa kwarto nila. Tumayo ako at sinundan siya.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...