The Apocalypse: Chapter 27

1.1K 18 5
                                        

Sinabit nung Ryan yung kamay ni Anne sa isang hook na nakapako sa pader. Kaya hindi siya makagalaw. Habang busy yung dalawang bugok kay Anne ay unti-unti akong lumapit sa tabi nila Yusuke. Nakatingin lang din sila sa pinag-gagawa kay Anne.

"Psst. Kalagan niyo ako. Dali.", bulong ko kina Yusuke at Johy, agad naman nilang kinakalag yung tali sa kamay ko. Nakatitig lang ako kay Anne kahit nakatalikod siya sa amin. Habang yung dalawang bugok ay enjoy na enjoy sa pinag-gagawa sa kanya. Yung kamay nung Bossing sa pwet niya at yung kamay naman nung Ryan nasa katawan nito. Kung anu-anong kahalayan ang pinag-gagawa nila. Hindi naman kumikilos si Anne. May plano siguro 'to.

Naramdaman kong nakalagan na nila Yusuke yung kamay ko. Sila Johy at Yusuke naman ang kinalagan ko ng tali. Natapos ko na silang kalagan ay hindi pa rin nakakahalata yung dalawa na may nangyayari na sa likod nila. Mga gago. Kaya napangisi ako at dahan-dahan akong lumapit. Hayop kayo, mawawala na kayo sa mundo ngayon. Hinawakan ko sa balikat yung Bossing, pagkaharap niya ay sinuntok ko siya sa mukha. Si Ryan naman ay tinadyakan ni Anne sa katawan kaya lumipad 'to. Tinulungan ko si Anne na matanggal yung pagkakasabit ng kamay niya sa hook.

Nang matanggal ko, ay sakto namang pagbalya sa akin nung Bossing at pinagsisipa ako. Hinawakan naman nung Ryan si Anne at tinutukan ng baril sa ulo. Habang binubugbog ako nung Bossing ay nakita ko sina Yusuke na dahan-dahang lumalapit. Umiling ako, kaya naupo sila..

"Gago ka! Akala mo siguro magtatagumpay ang plano niyo?!", sigaw sa tenga ko nung Bossing.

"Haha! Unahin na natin yan, Bossing!", tudyo naman nung Ryan.

"Hindi na muna, aalamin ko pa kung saan sila tumutuloy.", ngumisi 'to at tumayo na nung nagsawa na akong bugbogin. Nilapitan nito si Anne at hinawakan sa panga. "Baka akala mo tapos na tayo?!", tapos tumawa 'to ng nakakaloko. Hinila nito palabas si Anne. Hindi na naman lumaban si Anne.

Naiwang nagbabantay si Ryan sa amin. Nakatutok pa rin sa akin yung baril.

"Kapag gumalaw ka o subukan mo mang gumalaw. Alam mo na mangyayari sa'yo.", sabi nito sakin. Para 'tong tanga sa isip ko, hindi niya kasi namamalayan na palapit na sa kanya si Johy, kaya kinausap ko para mas lalong hindi nito mahalata.

"Alam mo maganda yung kasama mo huh? May boyfriend ba yun?", tanong nito sa akin. Nagpintig naman ang tenga ko sa tinanong nito.

"Oo, meron na - at ako 'yon.", hindi ko rin alam kung bakit yan ang sinabi ko. Mukhang nainis 'to kaya sinipa ako.

"Tss! Napakapangit mo naman para maging syota ka nun.", asar nito sa akin. Ako?! Pangit?! Gago ba 'to? Nakikita naman niya siguro na lamang ako ng ilang paligo sa kanya.

"Look who's talking, masyado kang pangit no!", biglang nagsalita si Johy sa likod at hinampas 'to ng golf club sa ulo.

"Niceeeeee.", sabi sa kanya ni Yusuke na tumatango-tango pa.

"Weird mo.", sabi ni Johy at saka ako inilalayan tumayo. Kumamot ulo naman si Yusuke. Haha! Parang bata lang..

"Tara! Sagipin na natin yung 'girlfriend' mo.", ngumisi si Johy at lumabas na kami.

"Saan naman kaya dinala yun?", tanong ni Yusuke. Tumingin kami sa kanya ng like-we-know-where-the-hell-it-is. Nagkibit-balikat naman siya. Jusko talaga tong si Yusuke. Baliw na naman.

Biglang sumulpot yung mga umalis na kumag kanina. At sumigaw yung isa.

"Pare! Nakatakas sila!", sabi nung maliit na matabang pulpol.

"Alam ko pare, nakikita ko. Hindi ako bulag!", batok naman sa kanya nung lalaking mas matangkad sa kanya. Tinignan ko kung kasama nila sina Criz or Lawrence... Wala naman. Kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Bigla kaming sinugod nung tatlo.. At ito naghanda na kami para sa mga gagawin nila. Wala naman silang armas eh. Eh kami meron. Lugi sila. Nyahahahaha! Tawa ko sa isip ko. Nababaliw na naman ako. Hinampas ni Yusuke sa katawan ng tubo  yung mataba. Kaya napaluhod ito at tinadyakan ni Yusuke ito. Sa likod niya ay si Johy na hinahampas-hampas yung isang lalaki na hindi kapayatan at hindi din katabaan. Mukhang nakatulog agad 'to ng matamaan ni Johy sa ulo ng golf club. At ito, ako. Nakikipagbunuan sa isang lalaki na bumatok dun sa mataba. Hindi ako makakita ng maayos dahil sa bugbog ko kanina. Nasuntok ako nito sa mukha, napatumba ako. Nakita pa ng isang mata ko si Johy na lumapit dito pero naitulak siya nito kaya naman natumba rin siya. Malakas 'tong lalaking 'to.

Tumayo ako dahil hindi ako magpapatalo, susuntukin ko na sana yung lalaki ng may humampas dito ng tubo at tumumba na lang.. Pag tingin ko si Yusuke.

"Thanks, brother.", sabi ko sa kanya. Tinayo na namin si Johy. Tumango siya at naghanap kami sa mga kwarto kwarto. Ano ba 'tong lugar na 'to?

"Brother, mukhang motel 'to.", bulong sa akin ni Yusuke.

"At paano mo nasabi?", tanong ko sa kanya.

"Kwarto kwarto tapos may room numbers pa, at tignan mo yung mga pasilyo, masikip. Hindi naman ganito ang mga hotels diba?", kumamot-ulo naman ako, kasi hindi ko siya magets. "You'll never know kung  hindi ka pa nakakapunta.", dagdag niya. Tumingin naman ako kay Johy, umiling-iling lang siya at parang sinasabing h'wag nang pakinggan si Yusuke.

"Eh sa hindi pa ako nakakapunta.", anas ko sa kanya. Napa-face palm naman si Johy.

"Teka?! Ikaw? Hindi ka pa nakakapunta? As in?", sunud-sunod na tanong niya. Tumango lang ako para hindi na magtanong pa. "Talaga?! Grabe ka naman brother!", natatawa naman nitong sabi.

Naglalakad pa rin kami sa mga kwarto-kwarto, at hinahanap pa rin namin kung saan dinala nung Bossing si Anne. Nagsalita si Johy.

"Bakit hindi tayo maghiwa-hiwalay nang sa gayon mahanap natin sila ng mabilisan.", aya niya. Tumango na lang ako. Dahil sa totoo lang napapagod na rin ako.

Humiwalay na sa akin sina Johy at Yusuke, at simula na akong maghanap-hanap dito. 304... Wala... 305... Wala... Nakakafrustrate na.. 306... Wala... Errr.. 307... Wala pa rin! Bigla akong nakarinig ng kalabog sa kabilang pasilyo.. Tumakbo ako papunta roon, nagbabaka sakaling si Anne yun. Nakita kong nandoon din sina Yusuke at Johy. Nakita kong shock sila. Shit! Baka si Anne nga!

"Ano  yun?", tanong ko sa kanila.

"See for yourself.", sagot ni Johy. Kaya sinunod ko at nung makita ko.. Katulad nila, nagulat din ako. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. What the hell...

"Brother, ang laway.", hindi ko namalayan na nakanganga na pala ako, taas naman ni Yusuke sa bibig ko.

"Ano ba.", tapik ko sa kamay niya.

"Hihihi! Napanganga ka no?", tawa-tawa nila Johy.

"Ano magkukwentuhan nalang kayong tatlo dyan at hindi niyo ako tutulungan?", sabat naman ni Anne, nawala sa utak namin na andito pala siya. Kaya lumapit na kami sa kanya.

"Oh, pogi, ang mga mata. Matunaw nyan si Anne.", bulong sa akin ni Johy at humagikgik siya.

"Ano daw?!", pagtataray ni Anne. Kinuha ko yung twalya na nakapatong sa table.

"Wala! Magtapis ka nga!", sabay abot sa kanya ng twalya at saka ako tumalikod. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. "Ano ba nangyari dito?", tanong ko sa kanya, nakatalikod pa rin ako.

"Yun ba?", tanong ni Anne.

"Malamang?", sagot ko.

"Mamaya, magbibihis muna ako.", hindi na ako sumagot.

========================================================

Vote or comment if like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon