A/N: Dalawang updatan na 'to. Pambawi na rin dahil hindi ako nakapag-update ng ilang araw. :)
Hays, gusto ko pa mag-update.. kaso may pupuntahan akong kid's party - ng pinsan ko. Pinilit lang po ako u_u.
Happy Birthday sa bunso kong kapatid na si Arnel Justin Tan Viray. Na kasama ni Oh_itsElla ngayon sa sucat, panigurado nasa Luk Foo sila ngayon at nagcecelebrate or nasa Shakey's. Sheet. Hindi ako makapunta diyan agaran nakakabwiset kasi. >__< Ayaw akong payagan! Gagawa talaga ako ng paraan para kay Kwatog! Go Me!
=======================================================
Nagsasaya kami nang...
"Kuya!", sumigaw si Cy kaya napatingin kami sa kanya.
"Bakit?", tanong ni Chardie. Tumuro lang si Cy, tumingin kami sa tinuturo niya. Nakita namin ang ilang zombie na papalapit sa mga kotseng nakaharang. Not now.
"Yung mga gamit!", sumigaw na si Yusuke; tumakbo naman yung mga babae sa kanilang bahay pwera lang kay Megan. Agad-agad siyang tumungtong sa isang kotse at nilabas ang isang taga galing sa waist niya.
"Megan!", sumigaw si Yusuke. Tumingin naman si Megan at ngumiti. Parang sinasabi niyang, don't worry I'll handle this. "Tsk! Brother, dito ka lang, okay?! Cy, Chardie! Tara!"
Tumakbo na rin sila sa loob. Sakto naman na paglabas ng mga babae.
"Shit! Naunahan na tayo!", pagdadabog ni Johy. Tumingin naman ako na nagtataka. Ngumuso siya at nakita ko si Megan pabalik na.
"Megan..", lapit nila sa kanya. "Okay ka lang? May gasgas ka ba? May kalmot ka ba?", sunud-sunod na tanong nila sa kanya. Nakatitig lang ako kay Megan. Parang nakita ko na siya.. Hindi ko lang alam kung saan.
"Hoooy.", sabi ni Lawrence habang winawasiwas yung kamay niya sa mukha ko. "Malusaw naman si Megan niyan.", tawa niya.
"Err. Siguro ka bang si Megan ang tinitignan ko?", ngumisi ako sa kanya, tumawa naman siya. "Nga pala... Bro, naramdaman mo na bang parang nakita mo na siya?", walang anu-ano na tinanong ko sa kanya. Nagtaka naman siya pero bigla rin ngumiti.
"Sino?", tanong niya.
"Si Megan.. Para kasing nakita ko na siya kung saan eh.", sabi ko.
"Bro, baka nakita mo lang si Megan sa isang bar, or baka sa ospital, or somewhere. Taga-Maynila rin daw siya, sabi niya. I assume, mga twenty-two to twenty-five na siya. Medical student siya sa isang ospital, pero hindi niya sinabi kung saang ospital. Well, hindi naman namin tinanong, kaya ganun.", paliwanag niya.
"... Ang bata naman niya para maging doctor?", tanong ko.
"Well, matalino siya, Bro. Halata naman sa itsura na 'yun.", sabi niya na parang matter-of-fact.
"Ganun ba? Tapos na ba siya bilang medical student?", tanong ko uli kay Lawrence.
"Shunga ka ba, Bro? Katulad niyo nila Criz, hindi niya natapos ang pagiging med student kaya 'yan.. Wala na pong school or university ngayon.. Hello? Apo-ca-lypse.", at pinaikot na naman niya ang mga mata niya.
"Hmm.. Alam mo may tama ka na. Ang baba talaga ng tolerance mo sa alcohol.", tumatawa niyang sabi sa akin.
"Maguumaga na pala.", sabi ko. Tumango lang siya. Tumalikod na ako at inalalayan na akong pumasok sa loob.
Nang makahiga na ako sa sofa, dito sa sala.
"Gagawan ba kita ng kape?", tanong ni Lawrence.
"Hindi na muna, matutulog muna ako.", sabi ko sa kanya, tumango naman siya at lumabas ng bahay.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...