"Tapos na. Pwede na kayong tumingin.", sabi ni Anne sa aming dalawa ni Yusuke. At humarap na kami. Narinig ko pang bumulong si Johy.
"As if naman walang nakita."
"Ano kamo?", tanong ko sa kanya.
"Wala.", pairap niyang sagot sa akin. "Oh, Sis. Ano ba nangyari dito at bakit wala kang saplot nung makita ka namin?", baling naman ni Johy kay Anne.
"Maka-walang saplot naman 'to?! FYI ah! May panloob pa kaya ako!", pabiro niyang hinampas si Johy sa balikat. Umupo sila ni Johy sa gilid ng kama, habang kami ni Yusuke nakatayo. "Ayun, akala niya siguro hindi ako lumalaban. Tinali niya yung kamay ko dun sa kanto ng kama. Ang tanga nga eh, hindi niya tinali yung paa ko.", natatawa pa niyang kwento. "Gago nga e! Ginupit yung damit ko! Hayup na yan. Nung naghubad siya ng short niya, wala lang akong emosyon. Siguro nabored siya kaya ayun pumunta muna ng CR. Habang nasa CR siya kinakalas ko yung pagkakatali ng kamay ko. Wala pa sigurong four minutes nakalas ko na. Inabangan ko siya sa pinto. Kinuha ko bangko tapos hinampas ko sa kanya.. End of the story.", tuloy niya. Hindi naman talaga siya nakahubad kanina. Kita lang naman ang kanyang katawan, pero naka-pink bra siya na mukhang loose na dahil wala ang mga strap nito, kaya nakahawak nalang siya dito. At naka-pink underwear siya na parang pangbikini o sadyang design lang yung tali-tali sa gilid.
"Wow, galing.", palakpak ni Yusuke na may halong sarcasm. Kaya natawa kami ni Johy.
"Tara na. We don't have all day.", aya ko sa kanila. At aktong palabas na kami nang..
"Saan kayo pupunta?", tanong nung lalaking hinampas kanina ni Yusuke ng tubo na nakaharang sa pinto, habang hawak niya panga niya.
"Err? Aalis na?", sagot ni Johy.
"Sama niyo kami ng kapatid ko, sige na!", sabi nung lalaki na may halong pagmamakaawa.
"Ano, pogi?", bulong sa akin ni Johy. "Parang hindi sila katiwa-tiwala eh.", dagdag niya.
"Paano naman namin masasabing mapagkakatiwalaan namin kayo?", tanong ko sa kanya.
"Kaya naming mag-raid ng kaming dalawa lang, gagawin namin lahat ng sinasabi mo. Ayoko na dito, ayoko na sa pamumuno ng gagong yan. Gusto ko lang maging ligtas kapatid ko.", agad-agad na sagot nito.
"Eh kung kaya niyo naman pala bakit pa kayo sasama?", pagmamataray ni Johy.
"Dahil wala kaming gamit?", sagot nito.
"Maghanap ka--", pinutol ko si Johy.
"Osige, sumama na kayo. At sana totoo ang sinasabi mong mapagkakatiwalaan namin kayo. Dahil hindi ako magdadalawang isip na paalisin kayo.", sabi ko sa kanya, tumango-tango naman 'to. Nakikita ko sa kanya ang sarili ko; na gusto lang ang kaligtasan ng kanyang kapatid. Nagtungo na kami sa pinto para lumabas.
"George pala.", abot nito ng kamay sa akin ng makalabas kami ng pinto.
"Gabrielle.", at nakipag-shake hands ako. "Sila Johy, Yusuke at Anne.", isa-isa kong turo sa kanila. "Asan pala kapatid mo?", tanong ko kay George.
"Dito, dito namin sila tinatago.", nagtaka ako sa sinabi niya. Tinatago? Sila?
Naglalakad na kami pababa ng third floor. Kumanan kami sa isang pasilyo na may nakalagay na 'East Wing'. Pinauna niya kami sa isang pinto. 205. Tahimik lang ang paligid, pero bigla akong kinabahan nung hinawakan ko yung seradura ng pinto. Tumingin ako kay George. Tumango siya. Dahan-dahan ko na 'tong pinihit, may konting ingay na ginawa ang seradura ng pinto. Kaya may narinig akong umungol. Tang ina sabi na..
Hindi ko pinahalata na naamoy ko na yung maalinsangan na amoy na nang-gagaling sa kwarto. Naramdaman kong hinawakan ako ni Yusuke sa tagiliran ko, nakikita ko sa gilid ng mga mata kong nakakunot ang noo niya. Para hindi mahalata ay binuksan ko na ang pinto. Tumambad sa amin ang karumal-dumal na sinaryo..
Sa kwartong ito, walang kama, cr o kung ano man. Plain lang siya na kwarto. Sa mga gilid nito ay mga zombie na nakachains ng mahaba. Kaya nila kaming maabot dahil mahaba nga yung kadena nila. Bigla kaming tinulak ni George sa loob.
"Dito kayo nababagay!", sigaw niya sa amin at nilock yung pinto sa labas. Hindi ko alam kung paano, pero hindi namin mabuksan yung pinto. Naririnig ko sa labas na humahalakhak ang gago. May kinausap siya bigla, hindi ko lang marinig pinaguusapan nila. Sa tingin ko nagising na si Bossing.
"Tang ina, Gabrielle! Sabi sayo hindi mapagkakatiwalaan yun!", sigaw ni Johy habang umaatras dahil lumalapit na yung mga zombie sa amin.
"Hindi ko alam, okay!", sigaw ko sa kanya.
"Hindi ka kasi nakinig sa akin!", sigaw na naman sa akin ni Johy.
"Pwede ba! H'wag na tayong magtalo dahil diyan!", sigaw ni Yusuke.
"Bakit ba kayo nagsisigawan!?", sabat na ni Anne.
Dahil sa pagtatalo naming apat, hindi ko namamalayan na may zombie na palapit na sa amin. Wala na akong naririnig sa mga pinagsasabi nila at parang nag-slow motion ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko nang lumapit 'to kay Johy.
"Shit!", sumigaw ako nang makakagat na si Johy. Nabaril naman agad nito ni Yusuke sa ulo gamit ang cross bow.
"Putang ina! Ano yun?!", sigaw ni Johy na shock pang nakatingin sa zombie; na muntikan nang kumagat sa kanya. "Aatakihin ako sayo!", hinampas niya si Yusuke.
"Wow! You're welcome ah!", para silang batang nagsisigawan sa isa't-isa.
"Pwede ba?! Unahin muna natin 'tong mga 'to bago tayo magtalo?!", utos sa amin ni Anne.
Sinunod namin si Anne at inuna muna yung mga kulupong sa harap namin. Nanginginig pa rin si Johy kaya pinaupo muna namin sa gilid at pinabantayan kay Anne. Kami ni Yusuke ang sumalubong sa papalapit sa amin. Bago pa man din nakalapit sa akin yung isa ay tinadyakan ko na 'to at pinalo ko sa ulo gamit si Junior. Tumalsik pa sa damit ko ang pira-pirasong utak nito. Ugh! Grabe ang baho. Katulad ng ibang nakita ko, may kagat naman 'to sa braso niya.
Nilingon ko si Yusuke na ngayon ay nakikipagbuno sa dalawang zombie. Isa nakahawak sa braso niya, yung isa naman nakahawak sa likod niya. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya. Hindi ko tuloy napansin na may nakakapit sa paa ko. Dahilan para ako'y matumba sa aking kinatatayuan. Tinignan ko si Yusuke kung makakaya niya, bago ko tinadyak-tadyakan ko sa mukha ang kamay na nakakapit sa akin.
Nang makabitaw na 'to ay tumayo na ako. Nagulat ako nang natulak ni Yusuke yung dalawang zombie na nakakapit sa kanya. Sinugod ko yung isang zombie sa likod ni Yusuke at pinalo ng hard sa ulo. Natapos na namin patayin yung mga zombie kaya ang paglabas naman ang pinoproblema namin. Lumapit na kami sa dalawang babae at tinayo na sila.
"Salamat ah?", tanong uli ni Yusuke na inirapan lang ni Johy
"Paano na tayo makakalabas nito?", tanong ni Anne.
========================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below.
P.S. Sorry kung boring.. Wala kasi ako sa sarili ko ngayon. Bawi nalang ako sa next chapter. :) Alam ko hinihintay niyo na yung mga 'GRUESOME' Actions e.
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...