The Apocalypse: Chapter 51

695 15 5
                                        

"Oh, chill lang tayo.", bulong ni Yusuke habang naka-gitna sa amin ni Chardie.

"Okay.", sabi ko at tipong paupo na nang lumabas si Criz sa kwarto.

"Anong nangyayari dito?", kahit madilim alam kong nakataas ang isang kilay nito, dahil nakikita ko. Tama nga si Megan, mas naging accurate pa paningin ko ngayon.

"Wala naman, naguusap lang kaming tatlo nila Gabrielle.", biglang sagot ni Chardie at lumapit kay Criz.

"Ganon ba?", napansin kong naiilang si Criz kay Chardie dahil napa-atras siya ng kaunti nung lumapit ito.

"Yup.", sabi ni Yusuke. "Brother, upo ka na.", bulong sa akin nito.

"Nga pala, Gab. Tawag ka ni Lawrence.", sabi ni Criz.

"Bakit daw?", tanong ko nang makaupo ako.

"Hindi makatulog ng wala ka.", sagot niya. Napatingin naman si Chardie ng matalim sa akin. Well, magkasama lang naman sa iisang kwarto ang kapatid ko at si Criz.

"Malaki na 'yun. Kaya na ni-- Aw..", naramdaman kong siniko ako ni Yusuke.

"Ah sige, sabihin ko na lang na..", siniko ulit ako ni Yusuke. "..ikaw. Ako na lang tatabi sa kanya." tuloy nito. Hindi ko na narinig sinabi niya dahil kay Yusuke.

"Oo, brother, puntahan mo na kapatid mo. Baka naiyak na 'yun.", tudyo ni Yusuke. "Ako na bahala dito kay Chardie.", bulong niya sakin na kami lang dalawa ang makakarinig.

Alam niyo yung itsura ni Yusuke na parang ewan. Ngumunguso na ewan. Pinipilit niya akong sumama kay Criz... Syempre, choosy ako. Kaya naman pumayag na ako. Kinuha ko na 'yung flashlight sa coffee table at tumayo na.

Paakyat na kami ni Criz sa hagdan, tahimik lang siya na nakahawak sa braso ko. Napansin ko lang sa kanya, hindi na siya ganoon kalapit kay Chardie. 'Baka LQ lang sila.' Baka nga.

Nang makapasok na kami sa unang silid sa ikalawang palapag, nakita kong himbing na natutulog ang kapatid ko sa kama nila. Napatingin ako kay Criz, nasa dulo siya ng kama - nakaupo.

"Akala ko ba hindi makatulog kapatid ko?", tanong ko habang nilapag 'yung flashlight sa bedside table.

"Kanina kasi.. Umm. Hindi siya makatulog.", napayuko si Criz.

"Oh bakit?", lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya.

"Wala naman...", sagot niya, halata pa rin sa boses niya na may bumabagabag sa kanya.

"Sigurado ka?", hinawi ko 'yung buhok niya. Tumango siya at ngumiti.

Tumayo na ako. "Um, sige. Tutal, tulog na naman yung kapatid ko. Bababa--"

"Dito ka na lang, Gab.", bigla niyang hinila yung dulo ng damit ko. "Please?", dugtong niya.

Napabuntong-hininga ako. May problema nga 'to. Ayaw pang sabihin.

"Magbabantay pa ako sa baba eh.", sabi ko.

"Ayoko, dito ka lang.", bulong nito habang nakayuko.

"Bakit ba?", tanong ko ulit. Hinawakan ko yung baba niya at inangat ang kanyang mukha.

Teary eyes si Criz, pinipigilan niya pagtulo ng mga nagbabadyang luha niya.

"Namiss lang kasi kita.", sabi niya at ngumiti.

Napabuntong hininga ulit ako. "Oh, sige. Pero baka pagalitan ako nung dalawa sa baba?", sabi ko.

"Hindi yan.", sabi niya na nagliwanag ang mukha. Ilang ulit niyang hinila dulo ng damit ko.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon