Nagiisip ako ng dapat naming gawin bago kami pumunta ng Bulacan. Kakatapos lang naming mag-raid ng Gun Shop kung gun shop nga ba ‘yun. Kinakabahan kasi ako sa mangyayari sa amin. Ipinagtataka ko pa rin yung pagkawala ng mga zombie nung nakaraang araw. Yung sinasabi ni Criz about sa may alam ang militar tungkol dito. At yung reaksyon ni Anne nung sinabi kong pupunta kami ng Bulacan.. Nararamdaman kong may alam siya sa mga nangyayari ngayon.. Napabuntong-hininga na lang ako at napaupo sa sofa.
Dumaan ang ilang oras at nakaupo pa rin ako sa sofa.
“Oh, Bro? Lalim na naman ng iniisip mo.”, tumabi sa akin si Lawrence. “Alam mo, wala ka naman dapat ipagkabahala, tutal andito na sina Yusuke.”, ngumiti siya sa akin at saka hiniga ang ulo sa balikat ko. “Nag-aalala ka ba sa mangyayari sa atin sa Bulacan?”, dagdag niya pa.
“Oo, Bro. Hindi ko talaga alam iisipin ko. Tama si Anne, ano na lang ang meron pag narating natin yung base na yun. At hindi rin tayo sigurado kung maayos na tao nga ba ang nandun.”, sinabi ko na ang totoo sa kapatid ko.
“We just have to find out.”, maikli niyang sagot sa akin. Alam kong natatakot din ang kapatid ko sa maari naming kahantungan nina Criz. Bumuntong-hininga na naman ako ng malalim. Napapadalas na..
Tumingin ako sa relo ko, alas-nuebe na pala. Hindi pa rin kami kumakain. Tinignan ko kapatid ko, mukhang nakatulog ang loko.
“Bro, gising na.. Kakain pa tayo.”, yugyog ko ng marahan sa ulo niya.
“Umm.. Errm.. Five minutes..”, ungol niya.
“Anong five minutes? Hala ka! Uubusan ka ni Yusuke ng pagkain, sige!”, tawa ko sa kanya.
“Kuya naman eh!”, saka niya ako hinampas sa balikat. “Ang ganda-ganda ng panaginip ko tapos gigisingin mo ako.”, dagdag niya pa saka kami tumayong dalawa.
“Haha! Tara na, kakain na tayo.”, aya ko sa kanya at pumunta na kami sa hapag-kainan.
Naka-pwesto na sina Johy, Criz at Yusuke sa lamesa. Halatang excited.
“Hindi naman kayo excited kumain niyan?”, asar ko sa kanila.
“Tse! Kahit naman ikaw alam ko nagugutom ka na.”, sabi ni Johy. Kaya natawa ako. Hinanap ng mga mata ko si Anne, pero wala.
“Si Anne?”, tanong ko, nakita kong sumama ang tingin sa akin ni Criz. Problema nito?
“Nagluluto si Anne.”, sabi ni Yusuke.
“Wow! Nagluluto? Hindi na tayo magdede-lata ngayon?”, sarkastikong sabi ko. At doon na lumabas si Anne galing kusina.
“Oo, ayaw mo? Saka ngayon lang naman kaya huwag kang masyadong OA diyan.”, binigyan niya ako ng pilit na ngiti. “Oh, ito na ang pagkain.”, ngiti niya sa iba.
“Aww? Sa akin, pilit na ngiti. Pero sa kanila, ngiting-ngiti ka. Katampo naman…”, inasar ko siya. Agad naman niyang binawi ang ngiti niya at inirapan ako.
“Panira ka ng mood alam mo yun?”, inirapan na naman niya ako. Hahaha! Sarap asarin.
Daily routine na naming ang magdasal at magpasalamat sa Diyos dahil buhay pa rin kami at hindi niya kami pinababayaan. Nag-usap usap kami tungkol dun sa mga baril na nakuha namin at kung saan sa Bulacan kami pupunta. Oo nga pala. Malaki ang Bulacan. Naisipan ni Yusuke na pakinggan uli ang radyo, baka sakaling may marinig uli kami. Sa paguusap naming yoon ay tahimik lang na nakikinig sa amin si Anne. I find it weird kasi, active naman siya sa ibang bagay, pero pag sa usapang ‘Bulacan’ na, nawawalan siya ng gana, minsan iwas pa siya. Lalong lumakas ang kutob ko na may alam ito sa nangyayari lalo na’t pulis nga pala ang tatay nito. Maaaring may koneksyon ang pamilya niya sa militar, o pwedeng isa sa kamag-anak niya ay militar.
Nang matapos kami, ay nagpresinta akong maghugas ng pinggan. Tama kayo, may tubig kami. Tubig kasi ng subdivision ‘to. Naiwang nakabukas kaya nagagamit namin, kami lang naman ang gumagamit. Hello? Kami nalang ata ang buhay dito.
Natapos ko na ang paghuhugas, lumabas na ako ng kusina.. Nakita ko si Anne nakaupo sa sofa sa may sala nag-iisa. Sa taas ata natulog yung iba..
“Oh, bakit hindi ka pa matulog?”, tanong ko at umupo sa tabi niya.
“Magbabantay ako. Pinagusapan na namin yun kanina habang naghuhugas ka.”, Bakit hindi nila ako sinabihan?! “Hindi ka na namin sinabihan, dahil sinabi kong sasabihin ko sayo pagkatapos mong maghugas. Saka may importante tayong pag-uusapan, Gabrielle.”, dugtong niya. Nababasa niya ba sinasabi ng utak ko? Oh, my gosh?! Bigla siyang ngumiti na ikinataka ko.
“Tatanggapin niyo pa rin ba ako pag may nalaman kayo tungkol sa akin?”, bigla niyang sabi.
“Err? Depende?”, sabi ko. Hindi ko rin alam kung ano magiging reaksyon ko sa sinasabi niya. Yumuko siya at tumahimik.
Ilang minuto rin ang nakalipas nakayuko pa rin siya. Medyo inaantok na rin ako.
“Anne?”, tanong ko sa kanya. Narinig ko siyang humikbi.. “Anne?!”, tanong ko uli at hinawakan ko na ang balikat niya. “Uy, Anne. Ano nangyayari sa’yo? Huwag ka ngang umiyak..”, sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako marunong magpatahan ng babae. Grabe lang.
“Huwag.. ka sanang magagalit… Gabrielle.”, sabi niya habang humihikbi. Tumango naman ako at hinintay ko siyang magsalita muli.. “You know.. My dad isn’t a police..”, sabi niya na ikinagulat ko.
“Then what is he?”, tanong ko. Ilang hikbi pa ang narinig ko bago uli siya magsalita.
“He’s a military.”, at doon. Doon siya lalong umiyak. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya ang nagawa ko nalang ay patahanin siya… at yakapin. Ito nalang ang magagawa ko ngayon. Kailangan ko munang malaman ang lahat ngayong may alas na ako at iyon ay – si Anne.
=====================================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
- Cheimerini_
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...