Napansin ko lang na may mga kotseng nakaharang sa kalagitnaan ng subdivision at sa gate sa likod. Ginawa siguro nila 'to habang tulog ako. Napangiti ako dahil ginawa nila yung inutos ko. Lumapit ako sa naguusap na Lawrence at Cy.
"Uy, kuya Gabrielle.", bati sa akin ni Cy. Apir naman ang bati sa akin ni Lawrence.
"Hindi ka pinasama ng kuya mo?", tanong ko kay Cy.
"Oo e.", sabi niya habang tumatango-tango.
"Oops! One at one o'clock!", sabi ni Cy, tinaas niya yung crossbow. Nagtaka naman ako. Nung natira na niya, nakita kong tumumba yung isang zombie sa malayo. Na-impress ako sa kanya, dahil headshot.
"So? May nakakapasok pa rin na zombie?", tanong ko sa kanila.
"Oo, hindi pa kaya nila kini-clear out yung likod eh.", sagot ni Lawrence.
"Kaya pala. Kapag okay na ako, kahit ako nalang mag-isa magclear out n'un.", ngumiti sila. "Ganito lang ginagawa niyo kapag naiiwan kayo?", tanong ko uli. Parang kakasali ko lang sa grupo nila kung magtanong ako.
"Ano pa ba, bro?", tawa-tawa si Lawrence.
"Well, parang ang bored eh.", sagot ko nayuko ako.
"Sinabi mo pa.", sabay nilang sabi.
Tumayo si Cy at kinuha yung bench sa loob ng garahe at nilabas.
"Tara dito tayo upo, nakakapagod kayang tumayo ng tumayo.", ngiti niya sa akin.
"Naks! Nagpopogi points ka ba sa kapatid ko?", bulong ko sa kanya.
"U-uy! Hindi ah!", nagblush naman siya.
"Weh?", asar ko dito.
"Oo nga! Saka, kapatid lang ang turing ko kay Lawrence, saka sabi niya rin sa akin, ilag siya sa lalaki. Boyish ba 'yan?", bulong niya sakin. Tumango naman ako.
"Eh, kung ganoon, sino gusto mo?", nakangising tanong ko sa kanya.
"S-si... Si a-ano...", natatawa ako sa itsura niya. Para siyang teenager na nag-aalok ng date.
"Si Johy!", sigaw ni Lawrence. Napatingin ako kay Lawrence. As in... Two big eyes. Tapos kay Cy, nakayuko lang 'to. Nahihiya.. Kaya tumawa ako.
"Si Johy?!", tanong ko dito na natatawa pa. Tumango-tango siya. "Wow!", tumawa uli ako.
"Eh! Kaso tingin ko may gusto siya sa'yo.", sabi niya kaya lalo akong tumawa.
"Walang gusto sa akin yun! Ganoon lang yun magbiro. Maski si Yusuke binibiro n'un.", tinapik ko yung ulo niya tapos ginulo ko yung buhok. Para ko nang nakakabatang kapatid 'tong si Cy sa ginagawa ko sa kanya. "May pag-asa ka dun.", kinindatan ko siya saka kami umupo.
Tahimik lang kaming nakatingin sa langit. Sobrang tahimik ng paligid, yung langit asul na asul. Nakakatuwa 'tong feeling na peaceful na peaceful.. Nakaharap yung upuan sa front gate ng subdivision kaya nakikita namin kung may zombie. Nakatalikod naman sa amin si Cy, sa back gate sa nakaharap.
"Gabrielle?", napatingin ako sa bahay nina Anne, nakita kong palabas siya at sinuot yung tsinelas niya.
"Oh, namiss mo agad ako?", tanong ko dito ng makalapit na 'to sa pwesto namin.
"Unfortunately, no.", tumawa ako sa sagot niya.
"I see, kaya pala nung lumabas ka; ako agad ang hanap mo?", ngumisi ako at nakita kong medyo namumula siya.
"Baka kasi kung saan ka nagpunta.", sabi nito na iniwas ang tingin sa akin.
"Andito naman ako, Ate Anne. Kaya hindi mawawala 'yan. Sabihin mo nalang kasi na namiss mo si Bro.", ngumisi na rin ang kapatid ko. Naramdaman ko namang lumingon sa amin si Cy.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misteri / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...