The Apocalypse: Chapter 44

991 16 3
                                        

(A/N): At dahil tanga yung author niyo, at aksidenteng nabura ang Chapter 44 dahil hindi ko maayos yung linings at next paragraph niya, nagloloko kasi si Wattpad that time. Hays.. Uulitin ko po. Err..

Para sa mga nakabasa na ng Chapter 44. Sorry kung mababago ko yung mangyayari. Dahil hindi ko nasave sa soft copy yun. Fresh pa naman sa memory ko yung ibang nangyari... Sooooo, here goes..

=============================

Pilit kong hinahabol ang bilis ni Megan, kaso sadyang napakabilis niyang tumakbo. 'Super Human lang ang peg.'

"Megan, hindi ba tayo pwedeng magpahinga kahit saglit lang? Ang bilis mo kasi tumakbo.", sabi ko habang umupo sa sidewalk.

"Ano ka ba, Gabrielle! Hindi ito ang oras para magpahinga.", sabi niya habang palapit sa akin na parang hindi man lang napagod sa pagtakbo na ginawa namin kanina.

"Pero napapagod na ako.", pagmamaktol ko.

"Kailangan nating makasigurado na hindi nga galing sa subdivision ang apoy at ang usok na nakita natin. Kaya tumayo ka dyan at lumakad na tayo.", lahad niya ng kamay sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang kamay niya.

"Tara.", sabi ko. Nagsimula na uli kaming tumakbo.

Halos malapit na rin kami sa subdivision. Kitang kita ko na yung gate. Hindi ko na talaga kaya, kaya tumigil ako saglit upang makapagpahinga.

"Tara na, Gabrielle. Malapit na tayo.", sabi ni Megan.

Nang makalapit na kami ay laking gulat ko, dahil may tatlong military trucks na tumambad sa amin sa loob ng subdivision. May mga lumalabas na sundalo sa mga truck.

'Anong ginagawa nila dito?! Bakit dito pa?! Bakit?!' Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko namalayan na nasa guard quarts na pala ako.

"Don't even dare, Gabrielle. Nakita mo mga sundalong yun? May mga BIG GUN sila! Paniguradong pagpasok mo dun, sabog na yang utak mo.", sabi nito. Habang naglalakad pabalik-balik.

"So, ano ang plano?", tanong ko sa kanya.

"Hmm. Dito ka lang. Huwag kang aalis, huwag kang gagalaw --"

"Huwag na rin akong huminga?", sabi ko at hinampas ako sa balikat nito. 'Ouch' Ang sakit niya manghampas, ang bigat ng kamay. Napangiwi ako sa hampas niya.

"Oops, sorry, ikaw kasi eh.", sabi nito habang hinihimas balikat ko.

"Dito ka lang muna, ako na bahala sa mga sundalong malapit sa atin ng makalapit tayo.", bago pa man ako makasagot ay nawala na si Megan.

Nagulat na lang ako nang may mga sundalong nagsitumbahan na walang malay sa di kaluyuan. Hindi ko pa makita kung paano sila natutumba, nang tinignan ko ng mabuti. Yung ibang sundalo at nagiging balisa at tila hinahaap kung sino ang gumagawa ng karumal-dumal na pagpaslang sa mga kasama nila.

Nakita ko si Megan, nakita ko siya nana binali ang leeg ng isang sundalo. 'What the?' Pinanood ko siya ng may kasamang paghanga. 'Grabe ang galing.' sa isip-isip ko.

Nakita ko siyang naghand-gesture na lumapit sa kanya. Nagtungo siya sa may eskinita. Tumingin-tingin ako sa paligid at sinugurong walang sundalong makakakita sa akin pag gumalaw ako. Nang makasigurado ay lakad-takbo ang ginawa ko patungo sa eskinita.

"Megan an--", nakita ko ang paligid konv umikot at parang bumigat ang katawan ko. Hindi ko namalayang tumumba na pala ako. At may isang lalaking nakapatong sa akin. 'Awkward!'

Magsasalita pa sana ito nang pinaikot na ni Megan ang ulo nito.

"What the hell, Megan?", bulong-sigaw ko sa kanya.

"Ano, Gabrielle?", inosenteng sagot nito.

"Nevermind.", habang winawagay-way ang kamay ko na sinasabing hayaan na. "What's the second plan?", dagdag ko.

"Hmmm.. Ito.. Nakikita mo ba yung bahay na yun?", silip namin sa may uwang ng eskinita at tinuro niya ang bahay na may malaking veranda. Medyo malayo kaya kailangan ko pang ifocus yung mata ko.

"Oo bakit?", tango ko.

"Andoon si Yusuke. Nakikipagpalitan siya ng putok..", sabi niya. Tumango uli ako. "Nakikita mo naman yung kotse sa may gate?", turo niya sa dulong gate kung nasaan yung mga kotse. Sobrang layo, dahil dulo ma. Hindi ko naman alam kung saang kotse doon.

"Anong kotse doon?", tanong ko, habang finofocus yung tingin sa dulo.

"Yung maroon.", sabi niya.

"Oh? Oh! Kita ko na, um.. bakit?", tanong ko uli.

"Andoon sina Lawrence at Cy.", sabi niya.

"Okay, ano ang gagawin-- Wait! Paano mo nalaman na andoon sila?", tanong ko sa kanya. Pinaikot niya lang ang mga mata niya.

"Later ko ieexplain. Chill ka lang okay?", sabi nito at naglakad na palabas ng eskinita.

'Whatever, bahala na.' Bigla itong tumigil sa paglalakad at humarap sa akin.

"Puntahan mo si Yusuke at tulungan siyang makaalis doon, tapos pupuntahan natin sina Cy at Lawrence.", sabi niya.

'Grabe! Ang ganda ng plano niya! Grabe. Ang ganda. Sarcasm. Paano kaya kami makakapunta doon?!'

"Paano? Hello, ikaw na nga nagsabi, BIG GUNS ang hawak ng mga sundalong yan, baka nga paglabas ko pa lang ng eskinita putok na ulo ko.", exag kong sabi.

"Kaya nga andito ako diba? Mauuna akong lumabas sayo, hindi naman nila ako nakikita kapag tumakbo ako, kaya bago ka pa man makalabas may dalawang sundalong patay sa gilid. Walang babaril sayo pag labas mo. Tiwala ka lang sa akin. Akong bahala maging Shield, Guardian mo or something.", sabi nito at nawala na naman.

Katulad ng sabi niya, wala ngang bumaril sa akin nung lumabas ako. Bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko na may dalang dalawang M4A1.

"Oh, you'll need that.", abot niya sa akin ng M4A1.

"Thanks.", sinabit ko na ang M4A1 sa katawan ko at pumunta na sa likod ng isang kotse.

Sumilip ako ng kaunti at nakita kong si Megan ay patuloy pa rin sa pagpaslang sa mga sundalo. Kakaiba si Megan ngayon. Super Human ang peg. Ang bilis kumilos ni Megan at ang lakas niya. Tumingin siya sa akin at tumango. Tumango rin ako, saka tumayo.

May nakita akong lalaki sa unahan kong nakatalikod.

"Neptune, asan kayo? Neptune, asan kayo?", sabi nito sa walkie-talkie niya.

Hindi na ako nagatubiling hampasin sa batok nito, at tumumba.

"Jupiter, andito pa rin kami sa position, ayaw pa rin tumigil ng lalaki.", sabi nung nasa kabilang line.

'This is going to be a long day.'

=============================

Ayan may naiba ako ha. Sorry. >o<

Do comment or vote if you like this Chapter.

Matatagalan uli bago magupdate, may prelim exam na po aketch. Ü Susubukan ko pa rin naman magupdate of course.

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon