Lahat sila nakayakap ka sa akin habang naka-upo sa kama ko.
"Gago ka alam mo yun?", biglang bumitaw si Johy at simulang naluha. Nagtinginan naman kami sa kanya.
"Bakit?", tanong ko na natatawa. Hindi ko pa nakikita si Johy nang ganito.
"Pinag-alala mo kami kaya! Akala namin hindi ka na gigising!", hinampas ako nito sa binti ko.
"Oy!", sigaw ni Anne. Nagtinginan naman kami sa kanya, bigla siyang yumuko pero napansin ko na nagblush siya.
"Well, gising na ako ngayon, kaya hindi na kayo dapat mag-alala.", nakangiti ako at nag-group hug uli kami. "Sino pala sila?", tanong ko sabay turo gamit ang nguso sa dalawang lalaking nakatayo sa pinto.
"Sila? Umm.. Sina Chardie at Cy. Nakita namin sila nung nag-raid kami sa Liana's. May isa pa sa baba.", sagot ni Criz. Pinalapit ko sina Chardie at Cy.
"Gabrielle nga pala. Salamat sa pag-alaga sa mga kasama ko.", tumango naman sila. "Magkapatid kayo?", pakilala ko at tanong ko sa kanila.
"Chardie, pare. Kapatid ko si Cy.", turo niya sa lalaking naka-japanese cut na halatang nagpakulay ng blonde ang buhok nakat-shirt at may suot na jacket na parehong kulay itim, habang nakaskinny jeans ito na kulay white. Si Chardie naman ay nakasemi-kalbo at nakat-shirt lang ito na puti, habang naka-jeans na tastas ang tela sa may tuhod.
Sinubukan kong umupo sa pagkakahiga ko sa kama. Mabuti na lang hindi ako pinigilan nina Criz. Nakasling yung kamay ko kaya medyo nahirapan akong umupo. Nakatitig lang sila sa akin nang bumaba ang magkapatid at naiwan kaming lima.
"Bakit?", tanong ko sa kanila.
"Wala, wala naman.", sagot ni Lawrence. "Hindi lang ako makapaniwalang buhay ka pa.", dagdag nito.
"Bakit gusto mo na ba akong mamamatay huh? Grabe ka.", ginulo ko buhok niya. Tawa naman ng tawa sina Yusuke.
"Hindi naman, kasi dalawang linggo ka nang tulog.", bigla akong natigilan sa ginagawa ko at natulala. Tumingin ako sa kanila.
"Dalawang linggo?", tanong ko.
"Oo, Gabrielle.", sagot ni Anne. "Kaya nga nag-aalala kami kay Criz, nababaliw na kaya siya.", tumingin ako kay Criz, nagblushed naman ang gaga.
"Two weeks? Two weeks akong tulog?", tanong ko uli para bang hindi ako makapaniwala.
"Oo nga! Paulit-ulit.", binatukan ako ni Johy.
"Aray!", kunwaring daing ko, kahit hindi naman masakit. Sabay nag-pout. Tumawa lang sila.
"Tara baba tayo!", sabi ko na parang batang hinihila ang damit ni Criz.
"Oo na! Oo na!", tawa-tawa siya.
Inalalayan nila akong bumaba. Tanghaling tapat nang makababa ako. Nang makababa ako, nakaramdam ako ng gutom. Grabe. Nung malaman kong two weeks akong nakahilata at hindi dumidilat. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Grabe talaga! Record breaker yun kung sakali, two weeks! Pwede na. Good thing rin naman yung two weeks na pag tulog ko, medyo nabawasan pagkaitim ng eyebags ko. Hihihi. Tawa ko sa sarili ko.
"Ngiti-ngiti ka dyan?", tanong ni Criz habang inalalayan akong makaupo sa silya. Hindi ko namalayang nakangiti ako.
"Erm, wala wala.", ngiti uli ako.
"Nabagok ka ba?", tanong nito habang naghahanap ng injury sa ulo ko.
"Baliw! Wala!", winasiwas ko yung kamay niya at tumawa siya. "Ikaw ata ang baliw.", sabi ko sa kanya. Pinukol naman niya ako ng masamang tingin.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...