The Apocalypse: Chapter 30

1.1K 22 2
                                        

Bang!

Putok ng baril... at tumama ang bala nito sa balikat ko. Pero hindi ito naging hadlang para mapalo siya sa ulo na ikinatumba niya. Tama lang na pagpalo ang ginawa ko para makatulog siya at hindi para mamatay. Grabe naman kayo kapag namatay yan. Kahit kalbo 'yan at kung anu-ano ang pinag-gagawa kay Anne, ay tao pa rin yan. Wala na nga siyang pamilya, papatayin ko pa siya. Konti na nga lang kaming natitira na buhay, papatayin ko pa. Ang sama ko naman kung ganoon. Napangiti ako dahil naisip ko na makakauwi na rin kami! Sa wakas... Grabe di naman pala masakit ang mabaril ka... Epic yung sa mga movies. Patay agad. Biro ko sa isipan ko. 

"Gabrielle!!", sigaw ni Anne di kalayuan sa likod ko. Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa paglalakad. Nakita ko na tumatagas ang dugo sa damit ko.

"Tara na, uuwi na tayo.", sabi ko sa kanya.

"Gago ka, bakit mo ba ginawa yun?!", pagalit na tanong niya sa akin.

"Gusto ko na kasing umuwi.", para akong bata na nagrason sa kanya. Inilalayan na rin ako ni Yusuke at si Johy naman ang nakahawak sa ibang gamit namin pati si Junior.

Nakalabas na kami ng building at naglalakad sa daan. Nang matumba ako sa mga tuhod ko habang hawak ang balikat ko - na tinamaan ng bala. Don't worry! Hindi pa naman ako nahihimatay. Lumuhod si Anne nang hawakan niya ako sa mukha.

"Gabrielle! H'wag kang matutulog.", sigaw nito sa akin.

"Pa...ano ako makakatulog... kung... sinisigawan mo ako sa mukha ko?", biro ko dito. Nanghihina na ako.. Alam ko namumutla na ako, dahil ramdam ko na ang pagtuyo ng mga labi ko. Nawawalan na rin ako ng lakas para magsalita.

"Gago ka! Tingin mo ba matutuwa sina Criz at Lawrence pag nalaman nila ang ginawa mong katangahan?!", sigaw na naman niya. Ugh.. This girl can be so irritating sometimes! Hindi nalang ako nagsalita. Medyo nauubusan na rin ako ng dugo..

"Hoy!", sigaw nito. Anak ng putcha! "Gabrielle naman eh! H'wag kang matutulog please?!", naluluha na 'to pero nakuha pa rin akong sigawan.

"Alam mo... magpi-please ka nalang... naninigaw... ka pa..", sabi ko sa kanya.

"Hoy Anne. Pagpahingahin mo muna si brother.", sabat ni Yusuke.

"Gago ka... brother.. Gusto mo na ako sigurong.. mamatay... ano?", tumawa ako ng mahina.

"Shunga!", binatukan naman ako ni Johy.

"Ano ba! Gusto niyo na talaga ako sigurong mamatay eh!? Namamatok pa!", sigaw ko.. Aray!! Shit.. Dapat hindi na ako sumigaw. Gago kasi 'tong si Johy.

Nanlalabo na ang mga paningin ko kaya pumikit ako para mainda yung sakit na nararamdaman ko sa balikat ko. Bakit nung una hindi masakit?! Bakit ngayon ang hapdi-hapdi na?! Ang tanga-tanga mo kasi! Sigaw ko sa isipan ko. Hindi ko na talaga kaya yung sakit na nararamdaman ko sa balikat.. Parang hindi ko na kaya.. Hindi ko na marinig ang sinasabi ni Anne at ni Johy. Nabibingi na ako. Naramdaman kong inilapag ako ni Anne sa lapag at may bumuhat uli sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ang pagkawala ng presence ni Anne. Kaya tinanong ko yung nakabuhat sa akin. Sinubukan kong magsalita at kung may boses bang lalabas sa bibig ko.

"Si Anne?", hindi pa rin ako dumidilat.

"Naghanap lang sila ng nang kotse. Mukhang ngang pamilyar yung daan eh. Alam mo ba kung nasaan tayo?", tanong niya sa akin. Tumingin ako sa paligid ko.

"Nasa olivares tayo. Diretsuhin... diretsuhin niyo lang... 'tong way na 'to...", sabi ko sa pagitan ng ubo at tinaas yung kamay ko para ituro yung daan.

"Oh tapos?", tanong niya.

"Ugh.. Gago ka.. Mas lalo.. mo akong.. pinapahirapan..", sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.

"Brother, kung makikita mo lang ang scene natin, mukha tayong mag-dyowa. Romeo and Juliet ba.", tumawa uli siya.

"Gago... ka... talaga.. Basta kapag nakita niyo.. yung Liana's... kumanan kayo...", tuloy ko sa pagpapaliwanag ng daan.

"Ahh oo! Yun nga!", sabi niya at ngumiti sa akin. "Sige brother.. Magpahinga ka na..", sabi niya. "I mean.. matulog ka muna! Baka mamaya tumuloy ka sa langit eh. Papatayin ako nila Criz!", habol niya at ngumiti ako nang mabanggit niya sila Criz. "Dami mo pa namang chicks.", dagdag nito at saka lalong tumawa.

"Sakto! Andito na sila! Oy!!", sigaw nito.

Nakita ko na sila na may dala-dalang kotse. Inalalayan ako ni Yusuke sa loob ng kotse. Si Anne na nasa driver's seat ay lumipat sa passenger's at hiniga ako sa hita niya.

"Magiging okay ka lang Gabrielle, promise mo sa akin yan.", lumuluha na siya. Ngumiti ako.

"Oo.. naman..", mahina kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba?! H'wag ka nang sumagot! Pwede ka namang tumango na lang eh! Huwag mo na pahirapan sarili mo!", sinigawan na naman ako. Ngumiti na lang ako sa kanya at pumikit. "Sorry... Magpahinga ka na lang..", habang hinihimas niya ang ulo ko.

Umaandar na ang kotse. Inurong ko pa ang ulo ko sa hita niya para maging komportable ako sa paghiga. Ayoko naman kasi magising ako ng may stiff neck na ako. Dumilat ako sa huling pagkakataon bago ako matulog.. At nakita ko si Anne na nakatitig sa akin.

"Bakit ka pa dumilat? Magpahinga ka na.", malambing na pagkakasabi niya. Umiling lang ako..

"Alam mo... ang lambot pala ng legs mo...", sabi ko sa kanya. Hinanda ko na ang sarili ko sa isang wagas na sigaw at hampas na matatanggap ko kay Anne. Pero walang dumating na hampas at wala akong narinig na sigaw... Imbis na hampasin ako nito ay ngumiti lang 'to ng napakatamis. Pinagbibigyan lang ako nito, for sure. Sa isip-isip ko. Nginitian ko rin siya at pumikit na ulit ako..

"Good night, Gabrielle.", narinig kong sinabi ni Anne at nakaramdam ako ng labi sa noo ko.. Ngumiti ako sa pagkaka-alam na si Anne ang gumawa nito. At doon.. doon na ako unti-unting binalot ng dilim.

=======================================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment below. :)

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon