The Apocalypse: Chapter 3

2.1K 42 3
                                        

"Uy! Gab! Saan tayo pupunta?", tanong uli sa akin ni Criz.. Saan nga ba? Hmm? Tinignan ko yung phone ko. May signal pa naman, hindi pa siguro nagdodown yung network... Tinext ko yung kapatid ko - si Lawrence.

Sent: "Bro, asan ka? Buhay ka pa ba? Kung buhay ka pa. Text back ka naman pag nareceive mo na 'to. Pupunta kami dyan ni Criz, okey?"

Napabuntong hininga na lang ako.. Hindi ko alam kung makakaya ko kapag wala si Criz at Lawrence..

"Pupunta tayo sa kapatid ko, Criz! Kay Lawrence," sabi ko kay Criz na ikinalaki ng mata niya.

"What?! Ang layo-layo non, Gab! Wala pa tayong masasakyan, ni hindi pa nga ako marunong mag-drive!" halos isigaw na niya sa tenga ko yun.

Bumaba na kami at nagpunta uli kami sa kitchen. Kumuha kami ng mga canned goods na natira.. Kasya na siguro sa amin 'to. Kumuha naman ng soda at tubig si Criz sa ref at nilagay sa backpack niya.

"Madaling iinit yan dahil summer.", sabi ko sakanya. Dahilan para irapan ako. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Tara na? Okey na 'to. Wala na akong tinira kung sakaling may mga scavengers na pumunta dito sa bahay.", nakita ko siyang nakatingin sa katawan ng parents niya. Hays. Nilapitan ko siya at niyakap. Nararamdaman ko ang paghikbi niya pati yung pagtulo ng luha niya. Hinintay ko muna siyang makarecover.. Siguro mga 15minutes. Iyak lang siya ng iyak. Mungtanga lang nga eh. Singahan ba naman yung favorite shirt ko. Nabatukan ko nga ng bongga. Hahaha!

Humiwalay na ako.. Pinahid ko ang mga luha niya.
"Tara na, Criz?",  ngumiti ako sakanya nang maramdaman niya na andito pa rin ako, na hindi siya nagiisa. Tumango-tango naman siya. Pumunta siya sa sala at kumuha ng tatlong golf clubs sa golf bag ni Tito. At sinabit sa likod niya yung dalawa, habang yung isa naman hawak-hawak niya.
"Tara na..", sabay hawak sa balikat ko at dahan-dahan naming binuksan yung pinto.. Nawala yung ibang zombie na naiwan ko kanina.
"Uy, si Mang Karding 'to ah? Ikaw gumawa nito sa kanya?", turo niya sa zombie na pinaghahampas ko kanina. Tumango ako. Sabi na kilala ko siya. Sabay kaming nag-sign of the cross ni Criz. Hindi naman kami masyadong nagsisimba ng kaibigan ko. Ngunit, may pananalig pa rin kami sa Diyos, dahil alam naming nandyan Siya. At hindi Niya kami pababayaan.
 
 

Naglakad-lakad na kami.. Kung makikita niyo ang syudad ngayon ng Maynila. Naging ghost town dahil sa nangyari.. May nakita pa kaming tropa ng mga zombie dun sa isang street na nadaanan namin na may pinagpipyestahan. Halos masuka-suka si Criz, tinakpan ko nalang mga mata niya. Maski naman sino masusuka eh, pati ako. Hindi ko nga lang pinahalata. Hindi ako nakahinga ng maayos dahil kinakabahan akong mahuli kami ng mga magtropa. Pasalamat nalang kami at masyado silang busy sa nilalamon nila. Grabe talaga. Ano bang nangyayari ngayon?!
 

Super ingat kami na huwag makatapak o makasipa ng kung ano sa daan para hindi makagawa ng ingay.

"Swerte natin no?", nagulat ako sinabi niya sakin habang naglalakad kami at nasa likod ko siya.
"Paano mo naman nasabi yun?", nagtataka akong nagtanong sakanya.
"Kasi kahat saan tayo magpunta may tindahan.", sabay kindat at ngumuso sa isang tindahan na malapit na naming madaanan.
"Edi? Papasukin natin yan?", tumango siya at ngumiti. It was decided! First time naming magii-scavenge ng tindahan. Grabe! Lumingon muna kami sa paligid namin at nang makasiguradong walang mga zombie ay PINASOK na namin nang DAHAN-DAHAN ang tindahan..
 

At syempre, dahan-dahan kaming pumasok dito. Baka may zombie, hello? Maingat naming nilakad ang loob dahil andaming nakakalat na papel at basag na salamin sa lapag.. Siguro umalis na rin ang mga tao dito. Pero saan kaya sila pupunta? Sa isip-isip ko.. Sinenyasan ko si Criz na kumuha ng mga pagkain at ako na bahalang tumingin sa paligid. Agad naman niyang ginawa ito at kumuha ng biodegradable bag fabric 'to na may tatak na 'Say NO to Plastic' sa unahan. Syempre, kahit ganito na ang mundo kailangan pa rin naman nating alagaan yung kalikasan no. Okey yun, para at least fresh pa din yung hangin at may makita naman ako ng magandang view habang naglalakbay kami ng kaibigan ko, maski naman sino gustong makakita ng ganung kaganda kahit ganito na ang sistema ng mundo. Grabehan na kasi talaga! Nakakarimarim, nakakasulasok, at nakakapagpabagabag ang nangyari sa Pilipinas. Hindi lang siguro sa Pilipinas. Grabe, sa liit ng Pilipinas talagang mabilis kumalat ang virus na yun. Hays.. Buntong-hininga ko. Sana okey ka lang, Lawrence. Huwag kang mag-alala. Padating na si Kuya dyan.. Waiting ka lang. Napangiti ako sa sariling kong thought. Para na akong baliw.. Kaya umiling-iling ako.. Naglakad-lakad ako, at tinignan ang kabuoan ng tindahan na pinasok namin..

Maliit na malaki ito, may refs para sa drinks, may mga stalls. Sa gilid na mga stalls ay ang mga pagkain kung nasaan si Criz. Sa ibang gilid naman ay mga canned goods, at kung ano-ano pa. Kumbaga sa laro. TREASURE ang napuntahan namin. May tatlong stalls 'to sa gitna na nakahilera. Yung unang stall ay para sa mga baby; gatas, diaper, etc. Pangalawang stall naman ay para sa paglalaba at kung ano pa.. At ang panghuli ay mga tools. Hoho. Mukhang maganda 'to.. Makakadagdag 'to sa items namin ni Criz. Sabi ko. At tumingin kay Criz na busyng busy sa pagkuha ng mga pagkain. Takaw talaga..

Habang busy si Criz sa paglalagay ng mga pwedeng makain habang kami'y naglalakbay ay nakarinig ako ng kaluskos sa isang pintong may nakalagay na 'For Employees Only'. Aba, sosyal naman nitong tindahan na 'to may paganun-ganun pa. Agad kong inihanda ang 'Junior' ko at lumapit sa pinto. Hindi ko na tinawag si Criz dahil ayokong magpanic 'to. Unti-unti kong nilapat ang tenga ko sa pinto.. Naririnig ko pa rin yung kaluskos. Shit! Sana naman h'wag Zombie 'to. Dahil maiihi ako! Nanginginig ako sa gagawin kong pag-attempt.

Pero kailangan, kailangan naming mag-survive at kailangan kong mapuntahan ang kapatid ko. Kahit masilayan ko lang siya. Kahit Zombie man siya. Okey lang. Namimiss ko na kasi yung si Lawrence.

Pipihitin ko na sana ang doorknob, nang makarinig ako ng maliit na ungol. Shit talaga! Umungol pa! Grabe na talaga 'to! Focus! Kailangan mong labanan takot mo, Gab! Lumunok ako, at handa na akong buksan yung pinto.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon