The Apocalypse: Chapter 20

1.2K 19 3
                                        

N/A: Hindi po ako makapag-UP ng maayos. Sa kadahilanang yung Net namin ay nagloloko. Pisteng PLDT yan. =__=

==============================================================================

Nagising ako ng ugoy sa balikat ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ang kapatid ko.

"Oy, Bro. Baka gusto mo nang tumayo dyan? Ikaw nalang ang hinihintay.", sabi niya sa akin. Papungay-pungay pa ako nung tumayo ako. Inat dito, inat doon. Tinignan ko ang relo ko. 7am."Ang aga naman ata natin?", tanong ko kay Yusuke na nag-aayos ng mga gamit niya.

"Mag-raraid tayo ng Gun Shop.", sabi niya na nakangiti pa.

"Oh? Saan naman? Wala naman akong nakitang malapit na Gun Shop dito."

"Tsss. Dami mong tanong, brother. Sumunod nalang kayo sa amin mamaya ni Johy. May nakita kasi kami. Okey?", sabi niya at tinuon uli yung ginagawa niya. Okey, fine. Jees.

"Kakain na.", sabi ni Criz. Parang wala lang sa kanya yung nangyari kagabi. Boo! Umupo na ako sa tabi ng kapatid ko. Nakaayos na silang lahat, ako nalang ang hindi. Kaya mabilis kong tinapos ang pagkain ko after naming magdasal. Naligo't nagbihis na ako sa kwarto namin sa taas.

Pagbaba ko, nasa loob na sila ng kotse. As usual, sinama si Buster. Umupo na ako sa driver's seat.

"Ang tagal mo ah.", asar sa akin ni Lawrence.

"Baliw! Matagal pa ba yung five minutes??", sabi ko habang nilalagay yung seatbelt ko.

"Five minutes? Whoa! More like five hours!", tumawa siya at sinabayan naman ng tahol ni Buster. "Ssh! Buster.", sabi ni Lawrence.

"Ingay mo daw kasi!", sabi ko. "Oh, seatbelts niyo.", utos ko sa kanila na agad namang sinunod.

Napansin kong hindi naguusap sina Anne at Criz. Naapektuhan siguro sila nung kagabi. Tsk. Dumaan sa gilid namin ang kotse nina Yusuke.

"Una na kami, brother. Sunod kayo ah!", sabi nito sa akin at kumuway.

"Sige. Ingat!", sabi ko na parang si John Lloyd Cruz lang sa commercial niya.

"John Lloyd lang?", asar na naman ni Lawrence. Nakakailan na sa akin 'to ah.

Nauna na nga sina Yusuke samin at inistart ko na yung kotse, saka ko sila sinundan. Nakalabas na kami sa subdivision. At katulad ng nakaraan. Nawawala na naman yung mga pulpol na zombie sa labas. Nakakapag-taka na talaga. Tumingin ako kay Anne gamits sa rearview mirror. Nakatingin din siya sa akin. Napansin niya din siguro.

Nawala konti yung pagtataka ko nung may nakita akong maliit na grupo ng zombie sa Olivares. Lumagpas na kami ng SM Sucat. Lumiko sina Yusuke sa may Chow King. May dinaanan kaming school, diniretso namin 'to. At sa isang street doon kami huminto. Nakita ko may maliit na shop. Bumaba sina Yusuke at kinuha na yung gamit nila sa likod ng kotse.

"Tara andito na tayo, brother.", sabi niya sakin.

"Asan dito yung Shop na sinasabi mo?", bigla siyang ngumiti at tinuro yung maliit na shop.

"Ayun ang shop.", lumakad siya patungo doon. Kaya bumaba na ako pati sina Criz. Kinuha ko sa likod si Junior, at sina Criz naman yung golf clubs. Malinis na uli si Junior. Walang sawa kasing nililinis ni Criz mga gamit namin. Mabuti na daw yung nakakasigurado na malinis yung mga gamit namin.

Tago yung shop kaya hindi mo mapapansin masyado kung hindi mo titignan ng mabuti kung maraming tao. Illegal siguro 'to kaya tago. Sa isip-isip ko. Pumasok na kami. Maliit siya na antique shop. Sa gilid ay puro mga antique na urns, may bike pa na sinauna yung malaki yung gulong sa unahan sa likod naman maliit. May mga cages ng ibon na antique. Doon naman sa cashier ay lumang cash register, at sa likod ng cashier may pinto. Hindi ko alam kung saan papunta. May mga lumang frames pa. May isang napakalaking painting na nakapag-agaw ng pansin ko kaya naman tinitigan ko. Isa itong magandang babae na may hawak na baby. Yung suot niya ay katulad nung mga sinaunang mga Kastila. Inaagiw na 'to kaya pinunasan ko para makita yung baby niya. Isang babae. Siguro, sila yung may ari ng shop, or sila yung lola ng lola ng lola ng lola ng lola ng lola ng lola ng may ari ng shop. Basta Ewan!

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon