A/N: Ito na yung part na magbabalik sa Chapter 1. Kasi flashback lang naman ni Gabrielle yung nangyari sa Chapter 1-10. Ito na yung nagusap sila kung paano sila nakaligtas ni Criz. :))
May chinange pala ako sa place kung saan sila natulog. Hindi na sa Malate, kundi sa Ermita. Malalayo kasi sila eh.
~
Nagising ako alas-sais na ng umaga. Nakita ko sina Johy at Anne nagaayos ng gamit nila, si Yusuke naman pinapakain si Buster. Ang hindi ko makita ay si Criz.
"Err, asan si Criz?", tanong ko sakanila.
"Nilinis yung Baseball bat mo at yung mga golf clubs niya.", sabi ni Johy. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Sakto naman na paglabas ni Criz sa banyo na may Gloves pa. Err. Oo nga pala, bawal ang direct contact sa dugo ng mga zombie. Sa isip-isip ko. At nang ready na kami saka kami bumaba.
Chineck muna namin ang paligid, nang wala namang mga zombie ay sumakay na kami. Nilagay na namin ang mga gamit namin sa compartment. Si Criz, Anne, si Buster at Ako sa kotse namin. At si Yusuke at Johy naman, sa kotse ni Yusuke. Pinaandar na namin yung engines at umalis na kami.. Sumabay sakin si Yusuke at tinanong kung saan kami paparoon.
"Sa Parañaque, Pare!", sigaw ko. At nang makaliko na kami sa may Kalaw ay nagulat kami sa dami ng zombie na nakita namin.
Agad kong pinihit ang preno at ni-reverse. Sumunod naman sina Yusuke samin. Kaya napunta kami sa daanan papuntang Luneta. Shit! May mga zombie rin dito. Puta, bakit ang dami nila?!
"G-gab.", humawak na naman si Criz sa kamay ko. At umiling ako.
"Hindi tayo mamamatay dito, Criz.", sabi ko sakanya with assurance. Tumingin ako sa rearview mirror at nakitang mahigpit ang yakap ni Anne kay Buster habang nakapikit ito. Nakita ko na umiiyak na siya. "H'wag kang mag-alala, Anne. Magiging okey tayo.", ini-angat niya ang kanyang ulo at ngumiti ako sakanya. Tumango naman siya.
Nagdesidido ako na sasagasaan ko mga 'to. Kaya binilisan ko lalo ang pagpapatakbo ko.
"Gab?", tumingin sakin si Criz. Ngumiti lang ako sakanya. Mukhang alam na niya gagawin ko kaya napahawak siya sa kamay ko ng mahigpit.
"Ilagay niyo seatbelt niyo.", utos ko sakanila. Na agad nilang ginawa. Tumingin uli ako sa rearview mirror at nakita kong pinalibutan na ng mga zombie ang kotse nila Yusuke. Shit! Tumingin sakin si Criz.
"Gab, ano nang gagawin natin kina Yusuke?", tanong niya sakin.
"Hindi ko alam.", pinaharurot ko yung kotse, marami akong nasagasaang zombie kaya natumba yung iba. Nakarinig kong may nag-screech sa likod. Tumingin ako at maraming zombie ang tumilapon sa kung saang direksyon. Tinigil ko yung kotse nang nasa dulo na kami ng kalsada. Nakatingin lang kaming tatlo sa direksyon ng kotse nila Yusuke habang umiikot 'to na parang nag-didrift. Shit ang astig ni Yusuke! Sa isip-isip ko. Nang kumonti ang zombie ay may narinig kaming sumigaw galing sa loob ng kotse ni Yusuke.
"Gabrielle! Huwag kayong mag-alala! Mauna na kayo! Magkita na lang tayo sa SM Sucat kinabukasan!", si Yusuke na sumigaw gamit ang megaphone. Teka, saan niya nakuha yung megaphone?! Lalong dumami yung zombie na lumapit sa kanila, nadistract din yung mga sumusunod na sa zombie samin kaya pumunta ito sa direksyon nila.
Pinaandar ko na ang kotse.. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong alas-onse na ng umaga.. Tumigil muna ako saglit sa mapunong lugar para magpahinga at kumain.. Pagbaba namin ng kotse, tinignan ko ng mabuti kung may zombie ba sa paligid o wala. Nang biglang nagdilim ang paningin ko..
(Present)
"Oh, ano? Nganga ka nalang dyan?", sabi sakin. "Naghanap lang ako ng makakain natin, oh ito.", sabay bato ng isang mangga sakin.
"Err? Criz? Paano pala tayo nakaligtas?", tanong ko sa kanya ng nakayuko habang nilalaro ang manggang binato sakin.
"You wouldn't believe it.", sabay halakhak niya. Kahit sa mga ganitong panahon nakukuha niya paring magbiro. Halata pa rin sakanya ang pagkalungkot sa nangyari..
"Seryoso? Paano nga?", bigla kong itinaas ang mukha ko at nakita siyang napaluha. "It's okay, Criz, kasama mo pa naman ako.", ngumiti ako nang kahit pilit lang.
"Wala na sila, Gab.", at tuluyan na siyang humagulgol. Dahilan na lapitan ko siya at yakapin. Inaalo ko ang likod niya habang sinabi ang katagang..
"KAYA NATIN TO. TIWALA LANG.", tumingin siya sakin nang buong pagtitiwala. Makikita mo sa kanya ang takot, ngunit andito pa rin ang pagiging determinadong mabuhay sa mundong kinatatayuan namin ngayon. "Asan na nga pala si Anne at Buster?", tanong ko sakanya.
"Ayun nasa kotse.. Kinukuha yung mga de-lata at ibang pagkain sa biodegradable bag.", sagot niya sakin. "Wala na sila Gab..", paulit-ulit niyang sabi.
"Makakaligtas sila ano ka ba. Nakita mo naman mag-drift si Yusuke kanina diba?", sabi ko sakanya with assurance nga na nakaligtas sina Yusuke. Ngunit, maski ako hindi ko alam kung nakaligtas yung dalawa.
"Oh eto na muna kakainin natin pati yang hinagis na mangga sayo ni Criz.", abot sakin ni Anne ng Chippy at isang bote ng tubig pati kay Criz.
"Salamat.", sabi namin dalawa.
"Makakaligtas yung dalawang yun, wag ka mag-alala Criz.", ngumiti si Anne kay Criz. Ito ang unang beses nakita ko siyang nakangiti kaya hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha niya. Agad naman niyang tinanggal yung ngiti niya.. Napansin siguro nito na nakatitig ako. Umiling ako at kumain.. Sila naman nilaro nila si Buster.
Ano na kaya ginagawa ng kapatid ko ngayon? Tinignan ko yung phone ko. Lowbatt na.. Wala pa naman akong charger na dinala. Paano mo naman dadalhin charger, eh mawawala rin naman ang kuryente after a week or two. Pumunta ako kung nasaan sila Criz para hiramin ang phone niya.
"Anong gagawin mo?", tanong ni Criz.
"Itetext ko si Lawrence.", sabi ko sakanya. "May pantawag ba 'to?", tanong ko uli.
"Wala eh!", sagot niya. At saka lumayo na ako sa kanila. Narinig ko namang nagtanong si Anne kay Criz.
"Sino si Lawrence?", tanong niya.
"Kapatid ni Gab. Siya yung pupuntahan natin.", at yun nalang ang narinig ko.
Tinignan ko kung may reception pa.. Meron pa! Hindi pa talaga nagdo-down yung network. Astig nito. Pero feeling ko after ng ilang linggo.. Magdo-down na rin 'to.
Tinext ko na kapatid ko. Kahit hindi siya mag-reply, okey lang.. Basta pupuntahan pa rin namin siya kahit ano pa ang makita namin dun!
Text Message: "Bro! Buhay pa naman kami. Okey ka lang ba? Buti may network pa rin kaya natetext kita. May bago kaming nakilala ni Criz, kasama namin sila ngayon papunta dyan. Kaso kanina may nangyari.. Nahiwalay yung dalawa naming kasama.. Pero magkikita kami bukas sa SM! Kaya Bro, stay put kalang dyan! Parating na kami. Geh, ingat ka dyan. :)"
After that, nagpack up na kami. Dahil ang init ng araw kahit malilim yung pinuntahan naming lugar. Badtrip. Summer pa kasi nangyari 'tong Apocalypse. Napabuntong-hininga na lang ako, at nagdrive..
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...
