N/A: Magpopromote lang ako. Please read my Lil' Sister's work. It's 'Meeting One Direction'. Yeah. :> Salamat na rin sa walang sawang sumusuporta sa akin. At kayo yun - mga readers ko. SUPER THANK YOU TALAGA. Lalo na yung ibang naghihintay talaga ng update ko last week. Sorry rin, guys huh? Babawi ako sa inyo. Aja to us! God Bless and Take Care. Love lots! xx
===========================================================================================
Nagising ako na basa ang aking pisngi.. Umiyak ba ako habang tulog? Maganda naman panaginip ko ah? Nanaginip ako na, nagkaroon daw ng gamot para sa mga zombie. At bumalik na sa dati ang mundo. Mas naging maingat ang mga tao at mas naging masaya. Tsss.. Parang imposible mangyari ang ganun.. Dahil wala pang nagagawang gamot para sa sakit na 'to. Para maging zombie ka, may tatlong way para maging zombie ka. Una, kailangan mong makagat o ng isa sa kanila. Pangalawa, kailangan mo munang mamamatay, kahit anong dahilan basta namatay ka. Zombie ka na. At ang pangatlo, Matalsikan ka lang ng dugo nila, magiging zombie ka. Okey lang naman na matalsikan ka. Basta mahugasan mo agad, para 'tong sakit na nakukuha sa baha. Once na may sugat ka at pumasok ang maduming tubig sa sugat mo, magkakasakit ka na. Kaya kailangan talagang mag-ingat.
Hinawakan ko ang basa kong pisngi. Nakita ko si Buster na nasa paanan ko. Pisteng aso 'to.
"Kanina ka pa ginigising ni Buster.", biglang salita ni Criz. Kanina pa pala siya nandito. Tumingin lang ako sa kanya. "Mukhang malalim iniisip mo ah?", ngumiti lang ako. "Tara na.. Kain na tayo.", sabay lahad ng kamay niya. Tinignan ko 'to, at hinawakan para makatayo.
Nakita ko sa hapag-kainan sina Anne. Nakatingin lahat sila sa akin na pinagtaka ko.
"Bakit?", sabi ko. Tumawa naman si Lawrence.
"Bro, mukhang pinagod ka ni Criz ah?", tumatawa pa rin na sabi ni Lawrence. Tumingin ako kay Criz. Magulo ang buhok pati yung damit. Para siyang kakatapos lang.. Tinignan ko naman sarili ko sa salamin. Ganun din ang itsura ko. Nahiya ako sa itsura ko.
"Gago!", at doon sila nagtawanan except for Anne. Ewan ko ba diyan, minsan okay naman siya kausap, minsan naman hindi. Weird.
Nagdasal na uli kami at nagpasalamat sa Diyos na nakita na namin sina Yusuke at nakauwi kami ng ligtas. After naming magdasal ay sinumulan ko na yung plano namin for the next day.
"Nga pala..", sabi ko habang ngumunguya ng konting kanin. Napatingin naman sila sakin, ngunit hindi sila tumitigil kumain. "One of these days, pupunta na tayo ng Bulacan.", napatigil si Anne.
"Bakit?", tanong niya.
"Ano meron dun?", tanong naman ni Yusuke. Una kong sinagot yung kay Yusuke.
"Meron daw Base doon, maganda na yung mas ligtas tayo.", tumango-tango naman si Yusuke.
"Well, that's a great idea.", dagdag pa ni Johy. Nilingon ko si Anne, na naghihintay ng sagot sa tanong niya.
"Well, Anne. Napagusapan na naman natin ito nung nasa kotse pa lamang tayo, hindi ba?", tumango siya. "As I said to Yusuke. Mas safe tayo dun, hindi na natin kailangan mag-raid para sa atin, dahil mga tao ng gagawa nun para sa atin.", sabi ko.
"How can you say na ganun nga ang mangyayari?", tanong niya. Tumigil ako, dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "See, ni hindi mo alam kung ano ang sasalubong sa atin doon, paano kung patayin lang nila tayo? Paano kung may gawin sila sa atin? Paano --"
"Hindi natin malalaman kapag hindi natin sinubukan!", pinigilan na siya ni Criz. "Kailangan natin maghanap ng kasagutan kung bakit ganito ang nangyari! Hindi naman pwede na maghihintay tayo ng ibang tao para sumaklolo sa atin!", tuloy niya pa. Napayuko nalang si Anne at tinapos na ang pagkain niya saka tumayo.
"So I was saying.. One of these days, aalis tayo papuntang Bulacan.. And that's final.", sabi ko.
Natapos kaming kumain ng walang nagsasalita. Maski sa pagpahinga namin. Kaya tumayo ako at nagpunta sa garahe. Umupo ako sa isang bench na ginawa ni Papa noon. Dito kami tumatambay ng kapatid ko kapag gabi at wala sila Mama't Papa.
Nakita ko ang mga bituin sa langit. Katulad ng dati, napakaganda pa rin nila. Kahit ganito ang nangyari, hindi pa rin nagbabago ang langit. Ano kaya ang mangyayari sa amin sa Bulacan? Tanong ko sa sarili ko. Naalala ko yung sinabi ni Anne. May punto rin siya. Pero hindi ko alam kung bakit ganun na lang yung reaksyon niya. May alam kaya si Anne?
"Oh, bakit gising ka pa?", tanong ni Criz na nagpawala sa pagiisip ko.
"Hindi pa ako makatulog. Iniisip ko yung gagawin natin once na nakarating na tayo sa Bulacan.", sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin.
"Iniisip mo ba yung sinabi ni Anne kanina?", tanong niya at doon niya nilapat yung ulo niya sa balikat ko.
"Oo eh. Nakakapag-taka rin siya, sa totoo lang. Doon ko lang siya narinig mag-voice out."
"Yeah, naweweirduhan nga ako sa kanya, Gab.", sabi ni Criz at tumingin na rin sa langit. Tumahimik ako, nag-iisip pa rin ako ng pwede naming gawin before that day comes.
Lumipas ang ilang minuto a nababalot pa rin kami ng katahimikan.
"Ang ganda pa rin nila, no?", bigla niyang sabi.
"Oo, napansin mo rin pala.", ngumiti ako sa kanya. Doon ko nakita ang kumikinang na mata ni Criz. Kahit madilim pa sa garahe nakikita ko parin ang maaliwalas niyang mukha. Ang mga mata niya na parang bituin sa langit. Dahan-dahan akong yumuko. Marahan niya rin itinaas ang mukha niya para harapin ang mukha ko. Tumingin muna ako sa pintuan ng bahay, baka kasi may nakasilip. Wala naman. Kaya tinuloy ko.
Katulad nang dati noong nasa isang park kami. Inaya ko siyang mag-date. Kitang-kita ko sa mga mata niya na pinagkakatiwalaan niya ako. Kumikinang din 'to na parang bituin sa langit. Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang isang kamay ko. Hinimas-himas ko yung pisngi niya. Napakalambot pa rin. Binaba ko ulit ang mukha ko.. Hinawakan niya ako sa leeg. Para kaming mag-lovers sa park na naglalampungan. Pero wala pang lapangan. Unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Hindi naman dahil sa first time kong hahalik ng babae.. Natatakot ako na kung saan mapunta 'to. Naramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa labi ko. Nagtoothbrush naman. Naglapat ang aming mga labi..
"Bro?", bigla kaming napaintag. Dahil lumabas ng pintuan si Lawrence na papungaypungay pa sa mata. Inayos namin ang sarili namin na para bang walang nangyari.
"Oh?", sabi ko. Istorbo naman 'to.
"Hindi pa ba kayo matutulog?", tanong nito sa amin, mukhang nakahalata kaya ngumisi ang hayup.
"Ahh.. Eh.. Matutulog na. Inaantok na rin si Criz oh.", sabi ko at hinawakan ko si Criz sa braso. "Tara pasok na tayo.", sabi ko. Nauna si Criz maglakad at sumabay naman sa akin si Lawrence.
"Dumadamoves ka ha.", asar sa akin. Oo, hayup ka. Kung hindi ka lang lumabas. Sana nanuod ka nalang e! Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Ginulo ko na lang ang buhok niya. Tsk!
"Pumasok na tayo.", aya ko.
Pumasok na kami. Nakita kong natutulog na sina Anne, Johy at Yusuke. Magkakatabi silang tatlo sa comforter. Si Criz naman nahiga sa mahabang sofa katabi niya si Buster. Ako naman katabi ko kapatid ko. Humiga na ako. Tumingin ako sa gawi ni Criz. Nakatalikod siya. Napabuntong-hininga ako.
"Sorry, Bro. Sabihin mo kasi kung magdadamoves ka para hindi ka naiistorbo.", bulong niya sa akin saka humagikgik. Juskong batang 'to.
"Matulog ka na nga.", bulong ko sa kanya.
Dumaan ang ilang oras ay hindi pa rin ako makatulog. Baka na rin sa nakatulog kasi ako kaya hindi pa ako makatulog ngayon. Saka.. Iniisip ko pa rin ang reaksyon kanina ni Anne, yung nangyari sa amin kanina ni Criz, kung ano mangyayari sa amin pag dumating kami sa Bulacan, at bakit nawawala yung mga zombie.. Ang daming gumugulo sa isip ko.
Hindi ko namalayan nakatulog na rin pala ako sa sobrang pag-iisip. Akalain niyo yun, makakatulog ka sa sobrang pag-iisip?
=============================================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...