Tinignan ko relo ko, nakita ko 6:15pm ng gabi. Kinakain na ng dilim ang liwanag, dahan-dahan kong pinireno ang sa gilid ang kotse. Syempre dun sa walang zombie at sa hindi madaling makikita. Nakita ko namang sumunod si Yusuke sakin. Bumaba ako, syempre dala ko si Junior, at nilapitan sila. Nakita kong tulog din si Johy sa passenger's seat kaya naman si Yusuke lang ang bumaba.
"Ano, Pare? Dito muna tayo magpapalipas ng gabi?", tanong ko sakanya.
"Hmm, marami akong alam na hotel dito sa Ermita sa may Padre Faura.", nakakalokong ngiti ang binigay niya sakin. Lokong 'to, playboy ang hayup! Tumawa naman ako.
"Haha! Loko ka ah. Halatang sanay na sanay.", pati siya natawa na rin sa sinabi ko.
"Haha! Wala nang ganun ngayon, Pare. Tsk! Nakakamiss rin ang dati, ano?", tumingala siya at tinignan ang mga bituin na simulang naglalabasan sa langit.
"Tama ka.. Nakakamiss nga.", at doon ko naalala ang mga araw na marami pang tao ang naglalakad dito sa Manila Bay. Mga mag-jowang magkaholding hands habang naglalakad, mga babae't lalaking nag-jojogging kahit gabi na, mga matatandang nagmumuni-muni sa gilid, mga nagba-bike.
Ngayon, wala na. Puro mga mindless brain-eating zombie na ang makikita mo.
"Oy, kayong dalawa, hindi man lang kayo nagsabing huminto pala tayo. Mga pesteng 'to.", napatingin kami sa likod at nakita yung tatlong babae na magkasama. Mga kagigising lang.
"Nasaan tayo?", tanong ni Anne na karga-karga si Buster.
"Nasa Maynila pa rin.", sabi ko.
"Saang part ng Maynila?", tinaasan niya ako ng kilay.
"Malate, Teh.", sagot ni Johy. "Hindi ka ba gala?", dugtong ni Criz.
"Erm, hindi eh. Actually, ngayon lang ata ako nakapunta dito.", dahil sa sinabi niyang yun nagtinginan kami sakanya at sabay-sabay napabulaslas ng tawa. "Waaaa! Grabe naman kayo, sama niyo ah. Yun naman kasi yung totoo.", sabi niya na parang bata na nagdadahilan sa nanay niya.
"Yah, natawa lang kami sa pagka-inusento mo. Teka, ilang taon ka na ba? Wala ka pa sigurong legal age, ano?", tanong ni Criz.
Bigla naman napatigil kami sa pagtawa nung yumuko si Anne.
"Uy, Anne. Binibiro ka lang naman namin.", biglang lapit nina Criz at Johy sakanya. Tsk! Girls, masyadong madrama sa buhay. I just rolled my eyes and looked away. Pfft. Cry baby.
"Okey lang yun no, saka... Umm. Ano..", bigla siyang naging seryoso. "Twenty na ako.", lahat kami napatingin na naman sakanya. Lalo na ako! Shit! Twenty?! Eh mukha lang siyang Eighteen.
"Seryoso?", sabi ni Johy. Napatingin ako sakanya.
"Kaibigan mo di mo alam edad?", tanong ko sakanya.
"Erm, ngayon lang kami nagkakilala ni Anne. Tinulungan niya kasi ako nung matrap ako sa grupo ng zombie.", ngumiti siya at tumingin kay Anne.
"Ahhh", sabay pa naming sabi nina Yusuke.
"Tama na yan, maghanap muna tayo ng matutuluyang hotel.", sabi ni Criz.
"Ayoko sa hotel, Criz.", sabi ko. "Dahil hindi natin alam kung ano nasa loob ng mga kwartong yun. Natatakot lang ako na may masaktan satin.", tumango naman sila.
"Edi sa mga bahay-bahay tayo maghanap ng matutuluyan.", sabi ni Yusuke. "Tara.", at sumakay na uli sila ni Johy sa kotse nila. At inunahan na ako nung dalawa.
Unang nagpaandar si Yusuke. "Pare, ikaw naman sumunod sakin. May alam akong dorm dito.", ngumiti siya. At nauna nga. Sumunod naman ako sakanila. Nakarating kami sa street na halos mga hotel ang nakatayo. May ilaw pa rin naman sa mga kalye kaya kita mo kung may zombie kang masasagasaan o wala. Sa parteng 'to, himala walang zombie ang nag-gagala. Nakakapagtaka. Ano? Pahinga rin sila kapag madilim na. Imba naman yun. Lumiko kami sa kanang bahagi ng daan kung saan makikita naman ang mga kainan at bars. Sa kabilang street kami dumaan at tumigil sa isang apartment type na building. Bumaba si Yusuke.
"Pare, samahan mo ko't tignan natin kung may 'ZomMon' sa loob.", sabi niya habang nakasilip sa bintana ko.
"ZomMon?", nagtatakang tanong ko sakanya. Tumawa siya at umiling.
"Zombie na Pokemon, Pare.", at doon kami natawa.
"Bakit naman Zombie na Pokemon?", tanong ni Criz.
"Kung saan-saan kasi sila nasulpot, kaya ZomMon.", tumatawang paliwanag ni Yusuke.
"Korni ah.", sagot ni Anne. Umiling lang ako. Ang sungit talaga.
"Alam mo maganda ka sana, masungit ka lang eh.", bulong ko.
"Ano kamo?!", bigla akong sinabunutan ni Anne.
"Aray aray! Wala sabi ko aalis na kami ni Yusuke! Bitawan mo nga buhok ko! Piste kang babae ka!", sigaw ko sakanya.
"Bakla ka ata eh!", sabi niya sakin at humagigik ng nakakaloko. Natawa naman sila Yusuke at Criz. Umiling nalang ako dahil nahihibang na 'tong babaeng 'to. Tss! Bakit pa kasi sinama namin 'to! Sana iniwanan nalang 'to. Okey na sana kung si Johy lang eh!
"Hoy! Pare! Natulala ka na!", sigaw sa tenga ko ni Yusuke.
"Gago ka naman, Pare. Makapang-gulat lang.", tumatawa naman sila.
"Oh, go na bakla. At baka banatan pa kita.", utos sakin ni Anne. Aba! Ayos 'to ah!
"Oo na tibo!", asar ko sakanya kaso dinilaan lang ako.
Pababa na ako nang hawakan ni Criz kamay ko.
"Mag-ingat ka...", nasa ekspresiyon niya ang pag-aalala. "Mag-ingat ka bakla.", sabay tawa niya. Gago 'to ah.
"Enamo, Criz! Patay ka sakin mamaya.", saka ko ginulo ang buhok niya.
"Gago ka, Gab!", tili naman ng gaga.
Bago ako bumaba ay sinabihan ko si Criz na ilock yung pinto ng kotse at huwag na huwag bababa. Ganun din ang sinabi ko kay Johy.
Sinenyasan na ako ni Yusuke na papasok na kami upang tignan yung apartment.
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...
