The Apocalypse: Chapter 26

1.2K 18 5
                                        

Lumapit kami sa van. Biglang may narinig kaming kaluskos na nanggagaling sa van. Chineck ko yung driver's seat. Wala namang tao.. Sumilip naman si Yusuke sa ilalim. Wala naman.. Hindi kami umiimik para kung sakaling sa loob ng van nang-gagaling yung ingay ay hindi kami maririnig. Medyo kinakabahan na ako dahil may mga zombie sa kabilang street, di kalayuan sa van.

Hinanap ko yung susi dahil wala sa ignition. Pumasok ako sa loob ng van. Lumuhod ako at kumapkap sa ilalim ng seat. Tae, asan ba susi nito?!

"Pogi, may lumalapit sa atin!", mahinang sigaw ni Johy sa labas. Kaya napatayo ako at sumilip sa labas. May mga zombie na lumalapit sa amin.

"Kayo na muna bahala, Johy. Konti lang naman sila. Hahanapin ko lang yung susi dito.", tumango naman siya. Narinig kong sinabihan na ni Johy sila Yusuke, itunuloy ko na yung paghahanap ng susi. Pisteng susi 'to. Asan na ba?!

Malipas ang ilang minuto, may narinig akong lumapit sa akin. Tinanong ko siya, hindi na ako tumayo dahil hinahanap ko pa rin yung susi.

"Johy, tapos niyo nang patayin ng tuluyan mga yun?", hindi ito sumagot at naramdaman ko na lang na may matigas na tumama sa ulo ko. Doon na nagdilim ang aking paningin. Nawalan na pala ako ng malay.

Nagising ako sa malamig na lapag, pero ang dilim. Narinig akong may nagsasalita.

"Anong gagawin natin sa kanila?", lalaki ito. Hindi ko sila makita. May piring ata ako sa mata. Hindi ko naman matanggal dahil nakatali yung mga kamay ko. Sila na ata yung dapat naming katakutan.

"Hintayin na lang natin si Bossing.", sabi nung isa.

"Sakto, padating na siya.", sabi nung pangatlng boses. Bossing?

Nakahiga pa rin ako at hindi tumatayo, hinihintay kong may gumalaw sa akin. Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko.

"Nasaan ako?", mahinang sabi nito. Kilala ko ang boses nito. Mukhang nakaharap siya sa akin. Kaya bumulong na rin ako.

"Anne? Ikaw ba yan?"

"Gab? Nasaan tayo?", tanong niya dito at unti-unting lumapit sa akin. Nakalapat na yung ulo niya sa dibdib ko, naamoy ko ang mabangong buhok nito.

"Hindi ko rin alam, pero huwag muna tayong maingay.", sabi ko sa kanya. Tumahimik na kami nang maramdaman kong may papalapit sa amin.

"Sila ba yung sinasabi niyong nakita niyo sa SM noong isang araw?", tanong ng isang lalaki. Ito na ata yung Bossing.

"Opo siya nga po.", sagot nung isa.

"Hmm, akala ko ba sabi niyo ay marami sila? Eh bakit apat lang 'tong nakikita ko?", may pagkagalit na tono na sabi nung Bossing.

"Ahh.. Ehh! Hindi pa po namin nakikita yung iba, B---", narinig ko ang pagbagsak ng katawan ng isang lalaki.

"Mga bobo talaga kayo! Di ba sabi ko sa inyo, pag may nakita kayo ay kunin niyo!?", galit na tono nung Bossing. Aba'y gago pala 'to.

"Bossing, hindi naman po nila kasama yung iba.", sabat naman nung unang nagsalita kanina.

"Aba?! Ano gusto niyong gawin ko?! Ako maghahanap n'un?! Mga bobo talaga kayo! Magsilayas nga kayo sa harap ko! Hanapin niyo yung natitira!", sumisigaw na sabi nung Bossing.

"Opo, opo! Masusunod po!", narinig kong nagsara na ng pinto.

"Mga bobo talaga. Ryan, gisingin mo na yang mga yan. At kailangan ko silang pagtatanungin.", at doon na kami pinag-gigising nung Ryan.

Una akong tumayo, tinanggal naman nung Ryan yung piring ko. Malabo-labo pa yung paningin ko kaya hindi ko maaninag kung nasaan kami. Sunod na tumayo si Yusuke. Mukhang groggy din siya. Sumunod si Johy at ang huli si Anne.

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon