(A/N): So napapalitan na ng Love/Jealous Scene ang TA. At sobrang tagal lang mag-update ng author. Sensya guys, ninamnam ko pa ang pamilya ko sa Parañaque. Miss ko lang sila. Anyways, medyo tatanggalin ko na muna ang Love/Jealous Scene. Dahil hindi na umaakto sa story. Nadala lang ako.
Salamat po sa mga nag-intay. And happy, 5k reads sa atin. Love you, Guys. I-edit ko nalang 'to sa laptop kapag nahawakan ko na, okay Loge lots!
=============================
Hindi na ako kumain nung kinagabihan. Ewan ko, wala akong gana. Hindi rin naman nila ako inistorbo pa. Natulog na lang ako at nag-isip isip. 'I won't let this feeling takes over me' sabi ko sa isip ko. Doon na ako nilamon ng dilim.
Nagising ako kina-umagahan na good mood. Bumaba ako, nang makita ko si Criz nakangiti kat Chardie. Ngumiti na lang ako. Nakapagisip-isip na ako. Ayoko nang humadlang. Gagawa na lang ako ng paraan para mabuhay kami.. kami ng Pamilya ko.
Nakita nila ako at kumuway sa akin.
"Gabrielle!", lapit sa akin ni Johy na nakangiti.
"Uhm?", ngumiti din ako sa kanya.
"Pinapatawag ka pala ni Megan, titignan ata yang balikat mo.", tumango lang ako at tumungo sa bahay ni Megan.
Pumasok ako, at nakita ko siyang nakasuot ng shorts shorts at sandong itim, na nagpapakita ng makinis niyang balat mula ulo hanggang paa. Nakatali ng pony tail ang buhok ni Megan na hanggang balikat niya. Nakarinig ako ng mahinang ubo.
"Sorry, I didn't mean to stare.", sabi ko kay Megan. Ngumiti lang siya at saka lumapit sa akin.
"Akin na yang balikat mo.", lumapit pa ako kaunti sa kanya upang makita niya ng mabuti.
"Hmm..", mahinang sabi niya.
"Bakit?", tanong ko na nagtataka. Ngumiti lang siya sa akin.
"Mabilis ang pagrecover ng balikat mo, I'll assure you na within two weeks ay pwede ka nang sumama sa amin.", umupo siya sa sofa niya.
Simple lang din ang bahay na 'to. It suites well to Megan's features. Just like her. 'Simple' sabi ko sa utak ko.
Napansin kong nakatingin lang siya sa akin kaya nagsalita na ako.
"Umm, err.. Ano... Ah.. Hindi ka ba sasama sa kanila?", tanong ko sa kanya na nautal-utal pa. Umiling lang siya.
"Day-off.", sabi niya saka tumayo. Saka nagtungo sa kusina niya at gumawa ng kape.
"I see."
"Saka para na rin mabantayan kita. I've heard many things about you.", ngumiti siya at inilahad ang kamay sa isang sofa. Inilapag na niya ang dalawang mug na kape at umupo sa harap ko.
"Akala ko hindi mo na ako papaupuin eh.. And, I wish hindi sila bad stuffs. Kilala ko mga taong nasa labas.", ngumiti ako ng bahagya, medyo awkward lang.
"Sorry, hindi ko alam na ganyan ka. No, no. They we're good stuffs about you. And it's funny.", tumawa ito ng mahinhin.
"What do you mean 'ganyan ka'?", tanong ko sa kanya na medyo nairita.
"Oh, nothing. At first look kasi, mukha kang snob and bossy. Magalang ka pala.", at ngumiti sa akin bago humigop ng kape.
"So, paano ka naman nila nakita? I heard Chardie's story.", iniba ko ang usapan.
"Oh, sa mall. Three days ka na atang tulog n'un.", sabi niya. "Mabuti nga at may first aid nang nagawa sayo n'un.. Talagang inalagaan ka nila.", ngiti niya.
Biglang may pumasok sa bahay niya, si Johy.
"Hoy, aalis na kami.", sabay nagflying kiss. At bago tuluyang lumabas. "Ingat ka dyan kay pogi, Megan.", at humabol pa ng kindat. Umiling na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...