"May kasama ka ba, Gabrielle?", tanong sakin ni Yusuke. Tumango naman ako at naglakad papuntang SM habang tinitignan ang paligid ko, baka may zombie eh. "Kung ganun, bakit ka pa pupuntang SM?", tanong niya uli sakin. Ngumiti lang ako. "Aba, mukhang si GF ang dala mo ah.", Grabe ang ususero naman nito.
"Hindi, bestfriend ko siya actually. Kaso, kukuha ko lang ng Teddy Bear at mga damit yung kapatid ko, pati na rin siya.", ngumiti uli ako at tumango naman siya. "Ikaw? Mukhang wala kang dalang gamit eh. Sama ka na rin sakin.", aya ko sakanya. Agad naman siyang ngumiti.
"Meron akong dalang kotse. Pero wala akong dalang gamit.", at doon niya tinuro ang isang Honda NSX na nasa ilalim ng puno sa may UDM. Wow bigtime! Ngumiti lang ako. Tinignan ko yung kotse namin sa di kalayuan. Wala pa namang lumalapit na Zombie. Tinignan ko uli yung phone ko kung may signal. Meron pa. Ang tagal naman ata ng power supply ng network ko? Kaya tinext ko si Criz.
Text message: "Papasok lang ako ng SM. May gusto ka bang pabili--- Err I mean, pakuha? :)"
After 2mins. Reply: "Damit lang kahit ano makita mo, ayoko ng dress ha? Hello, nakadress habang pumapatay ng zombie? Baduy!"
Reply: "Nga pala! Tignan mo kung may La Dolce Vita na shoes dyan! Gusto ko yun! Katulad nung kay Anne Curtis. Yung pink okey?! Saka pagkain na rin, Starbucks ha! Alam mo na naman kung ano yun okey?"
Wow, hindi naman ata siya demanding nito? Pag pasok namin sa SM ay nagulat kami dahil walang bakas ng zombie na nakapasok dito. Kaya sinara namin yung glass door ng SM at sinuguradong walang nakasunod samin. Inuna agad namin yung La Dolce what-so-ever na gusto niya. At ayun, pumunta kami hanggang 5th floor. Wala yung sinasabi niyang La Dolce what-so-ever. Kaya pumunta kami ng bear cuddler, at kumuha ako ng dalawang teddy bear, isa para kay Lawrence at isa para kay.. Criz nalang? Ayun may nakita akong malaking panda, kaya kinuha ko 'to. Hahaha! Ang dami kong dala para akong nagshopping... hindi nga lang nagbayad. Ngiti-ngiti ko. At pumunta kami sa Tribal, at kinuha ng shirts, jeans at jacket ang kapatid ko. Pati ako syempre, kinuha ko na rin yung Black Leather Jacket, astig kasi. Pati si Yusuke, kumuha na rin. Nakakatuwa tong kasama, hindi naangal. At pumunta kami sa sports shop. Kumuha ako ng dalawang pares ng running shoes para sa kapatid ko, dalawa rin sakin at kay Criz. Kumuha rin si Yusuke, apat na pares naman. Kumuha ako ng tatlong hiking bag, bakit? Para sa kapatid ko yung isa, yung dalawa naman extra bag kung sakaling masira na yung ginagamit namin ni Criz.
"Pare, kumuha ka na rin ng bag para may lagayan ka ng gamit at magdala ka na rin ng extra kung sakaling masira.", at ayun. Kumuha na rin siya ng dalawang Hiking Bag at nilagay dun ang mga gamit na nakuha niya. Ano ba? Kailangan na nating maging praktikal ngayon. Kailangan maging sigurado ka na sa gagawin mo, at hindi patumpik-tumpik. At dumiretso na kami sa Starbucks. Putchang Criz 'to. Pumasok ako sa kitchen ng Starbucks at may mga pagkain naman dun. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Alas-tres na ng hapon. Kailangan ko nang bilisan. Ayokong gabihin kami nila Criz, mas delikado.. Kaya kinuha ko na yung gusto ni Criz na Double Chocolaty Chip Frapuccino at Turkey Rustico Panini, syempre kumuha na rin ako ng Ham & Swiss Panini, dahil ayoko ng may gulay. At Mocha Frapuccino. Nakita ko naman na tumawa si Yusuke sa gilid ko.
"Ang demanding naman ng bestfriend mo, Pare.", natatawa pa rin siya.
"Sinabi mo pa..", tumawa na rin ako.
Nang makalabas na kami ng SM ay tinignan muna namin ang paligid. Halata sa kilos ni Yusuke na alam na niya ang gagawin niya. Mukhang may alam din 'to. Kaya naman naging komportable ako na walang mangyayari sakin kahit nasa likod pa niya ako. Iba rin pala kapag may kasama kang lalaki. Kung si Criz lang palagi akong nagiisip. Sa isip-isip ko.
"Pare, sakay ka na.", sabi niya sakin nung pababa na kami..
"Meron kaming kotse.", sabi ko sakanya.
"What I mean is, ihahatid na kita sa kotse niyo para safe.", ngiti naman niya. I smell some bromance here. Hoho. Napangiti ako ng nakakaloko. I shook my head. Gab! Di ka bading! Kaya bigla akong natawa sa naisip ko. Bigla namang tumingin sakin si Yusuke ng nagtataka. Umiling-iling ako. "Wala, Pre. Nababaliw na ata ako.", at ngumiti sakanya. Tumango lang siya at binuksan ang kotse niya.
"Tara, pare.", sabi niya sakin, at sumakay na rin ako. Umikot kami para hindi kami mapansin nung mga zombie na nagkukumpulan sa gate. Alam niyo kung bakit pa rin sila nagkukumpulan doon? May nilagay kami ni Yusuke na katawan ng isang tao dun sa gate kaya ayun, busy sila. Talino lang diba?
Nakita ko na yung kotse namin ni Criz. At nakita ko rin si Buster na naghihintay sakin.
"Dito na lang, pre.", sabi ko. Pinireno naman niya at bumaba na ako. Nakita kong bumaba si Criz at nagtataka. Ngumiti lang ako sakanya sa mga dala kong gamit. Binaba ko si Junior sa lapag at nilagay ko na yung mga gamit na nakuha sa compartment.
"Ang dami niyan Gab ah?", sabi niya ng nakangiti. At tumingin siya kay Yusuke na bumaba ng kotse niya. "Sino siya?", nguso ni Criz kay Yusuke.
"Ah! Nga pala, Criz si Yusuke, siya yung pinagkakaguluhan ng mga zombie dun. At Yusuke, bestfriend ko, si Criz.", ngumiti naman si Criz at nakipagshake hands kay Yusuke.
"Paano ka napunta dun Yusuke?", tanong ni Criz.
"Long story..", maikling sagot ni Yusuke at parang biglang nagulat. "We have something..", sabi niya at humakbang papunta sa kotse niya.
"Huh?", napatingin ako tinitignan niya. At nakita ko ang grupo ng zombie na papunta sa direksyon namin. Mga nasa sampu pataas ang bilang nila. "Shit!", napabulaslas ako at sinarado ko agad ang compartment. Si Criz naman sumakay na at nagseatbelt.
At ako, ito, di ko na malaman gagawin ko dahil malapit na sila samin. Kung pupunta pa ako ng driver's seat ay mamamatay ako. Kaya ang ginawa ko... TUMAKBO! Hindi na pinansin ng zombie yung dalawang kotseng nakaparada. Dahil una sa lahat, may nakita na silang target - at ako yun! At ang tanga ko pa, nakalimutan ko si Junior! Ayoko namang bumalik dahil mamamatay nga ako!
Plano, Gab! Plano!! Kalma, kalma. Tumakbo ng tumakbo hanggang sa mawala sila sa side nila Criz, para makuha si Junior tapos sakay sa kotse at umalis na! Tanong... Magagawa ko kaya 'to?!
BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Misterio / SuspensoPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...
