Bubuksan na sana ni Johy ang ilaw nang pinigilan ito namin nila Criz.
"Hoy! Wag mong bubuksan ang ilaw!", sabi namin sakanya.
"Okey, okey. Don't need to shout, fuckers. Chill lang kayo. Masyado kayong hot eh. Itong AC nalang.", ngumiti naman siya at tinaas ang kamay na parang nagsusurrender at saka binuksan ang AC. We just rolled our eyes on her. "Grabe naman kayo!", nagmukmok siya na parang bata. Kaya naman natawa kami.
Humiga ako sa couch, at inupuan naman ako ni Criz.
"Hey, watch it!", hinampas ko siya sa balikat.
"Ouch! Move, idiot!", at dinaganan uli ako sa tiyan.
"Aray! Abs ko. Aray!", sabi ko sakanya na kunwari umiiyak. Tumawa naman sina Johy at Yusuke sa ginagawa namin ni Criz. Si Anne naman nakatingin lang na nakaupo sa isang couch habang karga-karga si Buster. Expressionless ang mukha.
"Abs mo mukha mo! Asa ka!", pang-asar sakin ni Criz sabay tawa. Kiniliti ko naman siya sa sinabi niya. Gagang 'to. Wala daw akong abs! Anong klase kang Bestfriend!
"Anong klase kang bestfriend, Criz!", kunwari umiiyak ako at tumatawa lang si Criz.
"Mukha kang tanga, gago.", sabi niya sakin at tinapik ako sa noo.
"Oh tama na yan, kumain na tayo pagkatapos magpahinga na.. Maaga pa tayo bukas.", pigil ni Anne at tumayo. Tumayo narin si Criz at napaupo naman ako. Dumiretso si Criz sa dala naming biodegradable bag na may mga de-lata.
"Yup! Ito na yung dala naming biodegradable bag, may mga de-lata kami dito. Ito nalang muna kainin natin ano?", tumango naman kami sa sinabi niya.
"Sige magbukas ka ng tatlong de-lata.", utos ni Johy kay Yusuke, sabay abot ng de-lata.
"Hala, bakit ako?!", angal naman ni Yusuke at nagpout.
"That won't work on me, Mister.", sabi ni Johy at nag-tsk tsk pa. Nagtawanan kami. Para silang lovers na ewan na kung ano.
"Uyyy. May namumuong dugo ah?", pang-aasar ko sakanila. Tumawa naman silang dalawa at ngumiti ng nakakaloko si Yusuke.
"Uyyy. The more you hate the more you love diba, Johy?", sabi ni Yusuke kay Johy. Pinaparinggan ata kami nito. Kaya biglang tumingin si Anne kina Johy at pinukol ng masamang tingin. Natawa nalang ako.
"Oo nga naman diba, Criz.", humagikgik na parang teenager si Johy.
"Oh, bakit ako nasali dyan?", sabi ni Criz na nagulat at saka ngumiti.
"Piste ang KJ mo ah!", tumatawa na sabi ni Johy. "Hoy, Yusuke! Gawin mo na yung pinapagawa ko! Tawa-tawa ka pa dyan.", at doon nagsimula ang pag-iibigan ni Johy at Yusuke. Joke! At doon inumpisahan ni Yusuke magbukas ng tatlong de-lata ng Ligo.
Kumuha ako ng limang pinggan para sa amin. Syempre hinugasan ko muna ito. Buti nalang may tubig parin. So ayun.. Kakain na kami nang nagsalita si Anne.
"Sino magpa-pray?", sabi niya. Nagkatinginan naman kaming apat.
"Ikaw na.", sabay-sabay naming sabi sakanya na medyo natawa pa kami.
"Hmph.", irap niya samin. Nagsign of the Cross na kami at nagsimula na siya. "God, salamat po dahil hindi Niyo kami pinabayaan. Kahit ganito ang nangyari sa Pilipinas, maging sa mundo rather, ay tinulungan Niyo pa rin kaming manatiling buhay ngayon. Salamat rin po dahil nakakilala kami ng mga bagong kaibigan na makakasama sa aming paglalakbay. At sana..", tumingin siya sakin. "Mapuntahan na ni Gabrielle ang pupuntahan niya.. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Amen.", at sinumulan na namin ang pag-kain.
Walang umiimik samin habang kumakain. Dahil busy ang sila. Halatang mga gutom. Pinagmasdan ko silang mabuti. Ang saya pala kahit ganito.. Kahit wala na yung mga bagay na nakakapagpasaya sayo, andito naman ang mga bagong kaibigan mo na masasandalan mo. Tumingin ako kay Anne. Salamat kanina, Anne. I really appreciate your concerns. Gusto ko sanang sabihin sakanya kaso nahihiya ako. Nang mapansin niya na nakatingin ako ay nagiwas tingin ako at kumain ng kumain. Pinakain rin namin si Buster na nasa tabi ni Anne. Wow, close na talaga sila huh.
Nang matapos na kaming kumain. Pumasok na sina Johy at Anne dala-dala si Buster sa kwarto. Dahil dun daw sila matutulog. Pinasunod na namin si Criz para kami na ang magbantay dito sa sala.
"Tanga mo, Gab. Hindi naman tayo mapapasok ng zombie agad-agad. May security lock naman 'to. At hello, hindi sila marunong pumihit ng doorknob.", natawa kami ni Yusuke.
"So gusto mo dito?", tanong ko sakanya. She just nod and sat down on the floor with us while leaning on one of the couch. Tumingin ako sa relo. Alas-diyes na pala ng gabi. Kailangan na namin matulog. Napakatahimik, kaya binasag ko ito.
"Yusuke, yung Rebecca sa labas. Ex mo yun?", tanong ko kay Yusuke. Tumango naman siya. "Ahh.. Mahal na mahal mo siya ano?", tanong ko uli. Tumango uli siya. "Ano ba yan, pare? Inaantok ka na ba?", tanong ko sakanya. This time umiling naman siya. Kukutusan ko na 'to e.
Napabuntong-hininga na lang ako.. At bigla siyang tumawa. Nagtaka ako. Nababaliw na ata 'to.
"Sorry, Pare. I'm just messing with you. Yup, siya yung ex ko. At, yup, mahal ko siya. Actually, kakabreak lang namin nung isang linggo, before magstart yung apocalypse..", nanlaki yung mga mata namin ni Criz nung sinabi niya yun.
"Eh bakit siya nakahubad?!", tanong ko.
"Errr? Siguro kakatapos niya lang makipag-tooots sa bago niyang boyfriend. You know, girls... When they don't need you anymore, they just gonna kick your ass off.", tumango naman kami ni Criz. Napatingin ako kay Criz.
"What?!", tanong niya sakin.
"Lalaki ka na ngayon?", at dahil dun, binatukan niya ako.
"Siraulo, naiintindihan ko siya no! May mga ganung babae naman talaga. At hindi ako isa don!", sabi niya na nakataas noo pa. Nagkatinginan namin kami ni Yusuke at nagkibit-balikat. "Ano ba naman yan, Gab! Akala ko pa naman bestfriend kita, grabe ka. Konting support naman diyan.", at saka niya ako hinampas-hampas.
"Fine fine.", tinaas ko mga kamay ko na parang nagsurrender. "Sige na, hindi ka na ganun.", sabi ko habang nagmamake face. Natatawa naman si Yusuke.
"Alam niyo, kung hindi lang kayo magbestfriend, pagiisipang kong mag-jowa kayo.", sabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Criz.
"Yaaan?! Ewwwww! Kadiri ka naman. Huwag na uy.", sabay naming sinabi kay Yusuke kaya lalo siyang natawa.
"Oo na, oo na. Pero, ikaw Gab ah.", ngumisi naman ang loko. At napangisi rin si Criz.
"Oh, ano na naman? Ako na naman nakita niyo?", napakunot noo ako sa kanila. Di ko alam kung magagalit ba ako o matatatawa sa reaksyon nilang dalawa.
"Kung makatingin ka kay Anne parang hinuhubaran mo na.", sabi ni Criz.
"Whoa! Grabe ka naman, Criz! Kung sakanya lang, huwag na uy.", sabi ko at parang dumura ako na walang laway. Kaya lalo silang tumawa.
"Hahaha! Gotcha, my friend.", sabi naman ni Yusuke at ngumisi na parang si Cheshire.
"Whaaat now?", sabi ko sa kanila at kumuha ng unan at binato sakanila. Lalo silang tumawa. "Tae ano ba problema niyo? Tinitignan ko siya kasi ang sungit-sungit niya. Boo! Walang masama dun--", bigla akong pinutol ni Criz.
"Tinitignan mo siya habang ngumingiti!", at yun, lalo silang nagtawa. Argh! Trip ako ng mga 'to. Jusko! Kung kay Anne lang wag na talaga! Tss. Dun pa talaga ako pinartner sa masungit na bansot na yun!
"Ewan ko sa inyo! Matutulog na ako.", tumingin uli ako sa oras. Alas-dose na. Grabe? Dalawang oras na yung tawanan ng dalawang 'to at pang-aasar sakin? Tsss. Makatulog na nga talaga.
"Tsss! Ito naman, inaasar ka lang namin no. Affected ka naman masyado.. Yeee.", sabi ni Criz habang pinopoke yung tagiliran ko.
"Stop it Criz. Matulog ka na dun sa kwarto, at matutulog na kami ni Yusuke dito sa sala.", at doon tumayo na si Criz at tumungo sa kwarto kung saan natutulog sina Johy at Anne. Si Yusuke naman ay natulog sa lapag, may carpet naman kaya hindi siya malalamigan.
Pagkalipas ng ilang minutong pag-iisip. Nakatulog na rin ako..

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mystery / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...