The Apocalypse: Chapter 25

1.2K 19 6
                                        

Habang paakyat kami ng terrace ay hindi umiimik si Criz. Kinakabahan ako sa kanya. Nakakakaba naman talaga kasi, seryosong usapan ba naman nag paguusapan niyo ng bestfriend mo, di ka kakabahan?! Abnormal na yun kung hindi. Nakarating na kami sa terrace. Naupo siya sa upuan na mga nakaset doon, at tumingin sa akin. Nakatitig lang siya sa akin saka siya nagsalita.



"Ano? Tatayo ka na lang ba dyan, Gabrielle Lawrence Tan Santiago?", tinaasan niya ako ng isang kilay. Oh-oh, seryoso nga ito. Tinawag niya ako sa full name ko! Nasuklay ko ng kamay ang buhok ko ng wala sa oras at saka umupo sa silyang katapat niya.



This is the second time na seryoso ko siyang makakausap.. Sa isip-isip ko, yung una kasi, is yung nagtapat ako na gusto ko siya. At nagtapat din siya sa akin; na gusto niya rin ako. Super mutual ang feelings namin at nagkakaitindihan kami, naroroon yung bond.. Palagi pa nga kaming inaasar ng mga classmate niya at classmate ko. Para na nga raw kaming mag-asawa kapag magkasama kami kahit saan man. Mas inasar pa nga kami noong nakoronohan kami ng Prom King and Queen noong HighSchool. Senior siya, Junior ako. Alam namin na mahal namin ang isa't-isa. Kaso mas PINILI NAMIN ang pagkakaibigan, dahil awkward nga naman kapag nagkahiwalay kami tapos walang pansinan. Palagi pa rin naman kaming nandiyan para sa isa't-isa lalo na ngayon. And we really value our friendship. Ayaw namin masira ang pagkakaibigang barko namin.



"Hoy!", habang kinukuway ang mga kamay sa mukha ko. At doon ako natauhan sa aking pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Napangiti ako. "Ano ngini-ngiti mo diyan?! Seryoso ako.", walang kae-ekspresyon ang mukha niya.
"Wala, may naalala lang. Ano ba paguusapan natin?", tanong ko.
"Sabihin mo nga sa akin yung totoo.", nakatitig sa akin.
"Anong totoo?", napalunok ako ng sarili kong laway kahit hindi naman ako nauuhaw.
"Yung.. sa inyo ni Anne?", bigla siyang nag-iwas tingin at tumingin sa direksyon kung saan nakatayo sina Anne sa baba. Matagal bago ako sumagot dahil hinihintay ko kung mawawalan siya ng tiyaga sa paghihintay ng sagot ko



"Walang 'KAMI' ni Anne.", nakatingin na rin ako kina Anne.
"Kung ganoon, bakit parang alalang alala ka sa kanya kanina?", Nakita niya pala yun.
"Natatakot lang ako na may mainfect sa akin. Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala sayo?", tanong ko sa kanya.
"Ewan ko..", pabulong niyang sinabi pero narinig ko pa rin yun. Yumuko siya. Hinawakan ko siya sa balikat.
"Criz, mahalaga ka sa akin. Kayo nila Lawrence.. Dahil tayo na lang ang magpapamilya ngayon.", tumango lang siya sa sinabi ko. "Bakit?", nakatitig na ako sa kanya. "Nagseselos ka ba?", bigla akong ngumisi at nag-angat naman siya ng ulo. Kitang-kita sa mga mukha niya ang galit at pagkairita sa sinabi ko.
"ANG KAPAL MO! HINDI AKO NAGSESELOS NO! TSSS! AT BAKIT NAMAN AKO MAGSESELOS, HA?! FEELINGERO KA TALAGA, GAB! ASSUMING KA PA!", para siyang bulkan na bumulwak at pumutok na sa sobrang galit! Bigla siyang tumayo at aktong papasok na sa loob.
"Hoy! Grabe ka. Tinatanong lang naman kita, ang dami mo ng sinabi. Siguro totoo, no?", mas lalo ko siyang inasar. Kaya naman kinuwelyuhan niya ako at binantaan.
"Alam mo, Gabrielle Lawrence Tan Santiago.. Kung hindi ka titigil, mawawalan ka ng 'KASIYAHAN' sa mundo..", inemphasize niya yung word na kasiyahan sabay tingin sa baba ko. Napalunok na naman ako, dahil seryoso siya sa sinasabi niya.
"Oo na... Hindi na.", binitawan na niya ako. Napa-tsk at kumamot nalang ako ng ulo.



Pumasok na si Criz sa loob at ako, naiwan ako sa terrace.. Tinignan ko si Anne kasama niya si Johy at Lawrence, papasukin nila yung katabing bahay sa tapat namin. Napaisip ako. Bakit nga ba parang nag-aalala ako sa kanya kanina? At bakit natulog kaming dalawa? Wait hindi ko naman ata siya kasama matulog nun.. Errr! Parang nag-usap lang kayo. Oo Gab! Nag-usap lang kayo! Nag-usap! Yun lang yun! Ginulo ko ang sarili kong buhok dahil sa pagiisip ng ganun. Hindi dapat ako magisip ng ganun! Tsk!



Wala pang isang oras ay nakita kong lumabas sila Anne sa bahay na pinasok nila. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya kumuway siya at nag-okay sign. It means yung ang ookupahan niya kung may kasama man siya sa pag-okupa nun. Biglang sumigaw si Yusuke.
"Brother?! Ano na? Tara na at maglagay ng barrier.", kasama na niya si Johy at Anne all equiped na sila. Kaya bumaba na ako.



Pagkababa ko, kinuha ko na si Crossy at syempre si Junior. Naglakad na ako palabas ng pinto nang tinawag ako ni Criz.
"Mag-ingat ka ha!", nakangiti siya.
"Oo naman! Para sayo!", tumawa lang kami.



Nakasalubong ko ang kapatid ko kaya sinabihan ko siya.
"Kayong dalawa ni Criz ang bantay ngayon, alam mo na gagawin mo huh?", nakahawak ako sa balikat niya habang naglalakad kami palabas ng gate.
"Yup, Bro! Count on me.", saka niya ako tinapik sa pwet.
"Loko! Be a good girl okey?", paalala ko sa kanya na parang tatay niya ako. Tumango-tango naman siya.



Lumabas na ako ng gate, sinumulan na naming maglakad palayo. Sa huling pagkakataon ay lumingon ako sa pasara naming gate at kumuway. Nasa kalagitnaan na kami ng street ay may narinig akong tumunog na parang nagcrunch na dahon. Kaya tumingin ako sa paa ako at hindi ko namalayang nakasunod pala si Buster.
"Oy, Buster?! Bakit kasama ka?", tanong ko dito na para bang naiintindihan ako nito. Tuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin, kaya naman hinayaan ko na lang.



Napansin nina Johy si Buster kaya naman sinabihan ako.
"Sigurado kang isasama mo yan?", si Yusuke.
"Do I have a choice?", malayo na tayo kung babalik pa, nasa front gate na kami kaya hectic kung babalik pa.
"Um, okey! Basta nakasalalay sa'yo yang si Buster.", dagdag nito.
"Hi, Buster!", si Anne na kinuha si Buster. Nagwag naman yung buntot nito na kinatuwa lalo ng babae. "Cute cute mo talaga.", sabay pinikot ang ilong. Napangiti naman ako sa nakita kong scene. Kaya siniko ako ni Yusuke. Ngumiti ito ng nakakaloko kaya binatukan ko 'to.
"Gago!", anas ko sa kanya.
"Whaaat?!", tawa-tawa niyang tanong, kunwari pang inosente.



Saktong nakalabas na kami ng subdivision.
"Halika na nga! Ayun! May van dun, kunin natin yun!", turo ko sa isang van na nakapara sa hindi kalayuan.
"Tara! Dito tayo, girls!", sabi nito kina Anne at Johy na nasa harap habang nakaturo sa van.

===========================================================

Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)

P.S. True story po yung about kay Gab at Criz. =)) Si Buster po pala yung nasa picture. :>

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon