The Apocalypse: Chapter 43

984 20 8
                                    

(A/N): Sorry kung natagalan ako mag-update. Busy sa school, you know. Hehehe. So ito na siya.

=============================

Naglalakad na kami sa eskinita. Narinig kong umalis na ang sasakyan na gamit nila Criz.

Tahimik lang kami nang maisipan kong biruin si Megan.

"Ha! Megan, tignan mo nakakaya ko nang galaw-galawin braso ko.", sabi ko na galak na galak, habang pinapaikot yung braso ko.

"Para kang tanga. Tumigil ka nga.", umiling siya.

"Waa! Hindi ka ba natutuwa na magaling na ako?", sabi ko kunwaring nagtatampo.

"Syempre natutuwa dahil magaling na pasyente ko.", sabi nito at lumingon sa akin. "Pero kailangan mo pa rin mag-ingat..", ngumiti siya.

"Syempre naman, Doc!", tumawa lang kami.

Medyo nakakalayo na kami ni Megan nang bigla siyang natumba. 'Shit!'

"Megan!", sigaw ko habang nakahawak ako sa kanya.

Nanginginig buong katawan niya, pinagpapawisan siya ng malamig at ang init niya ng katawan niya. Kinukumbulsyon siya!

"Megan! Anong nangyayari sayo!?", tanong ko sa kanya habang inaalog ang katawan niya.

"Gabrielle.... bi..tawan.. mo... ko...", sabi niya habang nanginginig siya.

"No! Megan!", naiirita ako sa sarili ko. Hindi ko alam gagawin ko! 'Shit! Shit!'

"Bi...lis... Luma...yo.. ka.. na..", sabi niya habang naluluha, tinutulak na niya ako palayo. Hindi ko pa rin siya binibitawan hanggang sa makarinig ako ng ungol..

May grupo ng zombie na papalapit sa amin.. Nasa lima lang sila, medyo malayo pa sila kaya pwede ko pang mahila si Megan.

'Zombies! Argh! Bakit ngayon pa? Bad timing palagi, asar!'

"Gab..rielle.. Umalis.. ka.. na...", sabi niya uli. Hinihila ko na siya patayo.

"Hindi kita iiwan! Lalo nang ganyan nangyayari sayo!", sabi ko rito. Nanginginig pa rin siya. 'Shit!'

Biglang bumagsak ang katawan ni Megan at parang hindi na siya humihinga..

"Megan?!", tanong ko at lumingon sa grupo. Papalapit na sila.

Inalog ko katawan niya. "Megan!", pero bumagsak lang ang katawan nito. 'No! Hindi pwede 'to.' isip ko habang iniiling ang ulo ko.

"Megan!", sigaw ko ulit. Palakas na ng palakas ang mga ungol. Tumingin uli ako sa gawi ng grupo, malapit na sila. Dahan-dahan kong inilapag ang katawan ni Megan.

Kinuha ko Junior na nakaipit sa bag ko at pasugod sa mga zombie. May isang palapit.. Hinampas ko sa ulo.

'BAM!' sumabog ang bungo nito na parang balloon na may tubig sa loon. Tumalsik ang mga kapirasong utak nito sa ere. At tumumba ito. Tinignan ko si Megan na nakahiga pa rin at hindi gumagalaw. 'Ano ba nangyayari?!' Pinadaan ko ang kamay ko sa aking buhok at lumapit kung saan nakahiga si Megan. Nang...

Bigla itong tumayo!

"Megan!", sigaw ko at tumakbo ako palapit dito.

"Megan! Okay ka lang?!", hawak ko sa balikat nito. Hindi siya sumasagot.

"Megan?", sinilip ko ang mukha nito... Pero laking gulat ko, iba ang kulay ng mata nito..

"Shit, Megan?", napabitaw ako sa kanya at umatras. Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatayo lang siya doon.

'Ano nangyayari kay Megan?!'

"Ga...brie...lle.", bigla siyang nagsalita. Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam kung lalapitan ko siya or kakausapin.

Sa sobrang pagiisip ko, hindi ko namalayang may zombie sa likod ko. Nagulat na lang ako nang makita ko si Megan na nakahawak sa panga ng zombie at hinagis ito sa malayo, dahilan para mamatay agad ito... uli.

"Megan?", tanong ko sa kanya at lumingon siya. Hindi ko mai-alis ang tingin ko sa mata niya.

"Hu..wag k..ang mata..kot..", sabi niya.

"Anak ng tutcha, paanong hindi matatakot, tignan mo nga yang mata mo at sarili mo.", sigaw ko sa kanya. Napunta ang mga mata ako sa hita niya... Oh huwag, green minded.

Yellowish ang hita niya.. Hindi lang hita. Buong katawan niya! Para siyang may hepatitis. At kapag tinignan mo yung mata niya kulay yellowish-grey.

"Mamaya na ako magpapaliwanag..", dire-diretsong saad nito at humarap sa mga zombie, na umatras naman. 'Huh? Umatras yung zombie?'

Biglang lumipad si Megan... Actually, hindi siya lumipad, tumakbo lang siya nang napakabilis. At kung pipikit ka hindi mo makikita at aakalain mong lumipad nga siya.

Sinuntok niya sa sikmura yung isang zombie at tumalsik ito. Sinunod naman niyang tadyakan sa mukha yung isa, dahilan para lumipad ang ulo nito sa sobrang lakas ng force! Yes! Force talaga!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang.. Parang... Grabe!

Nakatulala lang akong pinapanood si Megan habang ini-isa isa ang mga zombie na pilit na lumalayo dito. Tama, takot yung mga zombie kay Megan. Ewan ko kung bakit.

Nang matapos siya ay lumapit siya sa akin.

"So? Care to explain?", tanong ko sa kanya.

"Okay, but fi--"

Biglang may sumabog!

Nakita namin na umaapoy ang kabahayan. Nagkatinginan kami ni Megan.

"Saan yun?", tanong ko.

At biglang pumasok sa isip ko sina Lawrence!

"Shit! Sila Lawrence!", sabi ko rito.

"Tara!", sabi sakin ni Megan at hinila na ako nito papuntang subdivision.

=============================

Vote or Comment if you like this chapter.

Mahaba-habang chapter para sa inyo. Sorry busy lang sa school.

Magcomment naman kayo, Mates, para mafeel ko na may nagmamahal sakin. Echos. Wala gusto ko lang malaman kung nagagandahan pa ba kayo, o naboboringan na kayo sa story ko. You know, para may mabago naman ako.

Please, Guys. I need your comments. Advance thank you sa magcocomment.

- Cheimerini_

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon