The Apocalypse: Chapter 1

4.8K 66 8
                                    

Napakagandang araw nang gumising ako, napaka-aliwalas ng paligid.. Nasaan pala ako? Tanong ko sa sarili ko. Tumingin-tingin ako sa paligid ko. All I see was trees and bushes. Yeah, right.. I was running with all of my might. To run away.. away from those 'things'.

Napansin kong wala ang kasama ko. Nakarinig ako ng ingay sa gilid ng puno na agad kong ikinatayo. Agad kong ipinikit ang mga mata ko. I was preparing for the end.. the end of me. I heard a chuckle kaya napadilat ko. I saw a girl in front of me.
 

"Oh, ano? Nganga ka nalang dyan?" sabi sakin.

"Naghanap lang ako ng makakain natin, oh ito," sabay bato ng isang mangga sakin.

"Err? Criz? Paano pala tayo nakaligtas?" tanong ko sa kanya ng nakayuko habang nilalaro ang manggang binato sakin.

"You wouldn't believe it." sabay halakhak niya. Kahit sa mga ganitong panahon nakukuha niya paring magbiro. Halata pa rin sakanya ang pagkalungkot sa nangyari..

"Seryoso? Paano nga?" bigla kong itinaas ang mukha ko at nakita siyang napaluha. "It's okay, Criz, kasama mo pa naman ako."

Ngumiti ako nang kahit pilit lang.

"Wala na sila, Gab," at tuluyan na siyang humagulgol. Dahilan na lapitan ko siya at yakapin. Inaalo ko ang likod niya habang sinabi ang katagang..

"KAYA NATIN TO. TIWALA LANG," tumingin siya sakin nang buong pagtitiwala. Makikita mo sa kanya ang takot, ngunit andito pa rin ang pagiging determinadong mabuhay sa mundong kinatatayuan namin ngayon. At doon ko naalala ang lahat..

(Flashback)

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!" mga taong nagsisigawan sa gilid nang kalsada upang humingi ng tulong.

"PAPAAAAAAAAA!"

"ANAK KOOO!"

Mga kotseng nakabaligtad or nakabunggo sa mga bahay, tila nawalan ng control. Mga taong tumatakbo para sa sagipiin ang kanilang buhay. Mga bata at mga inang nagsisiiyakan habang tinitignan nila ang kanilang dating ama, asawa, anak, kapit-bahay na ngayon ay isa nang halimaw na wala na sa kanilang katinuan, na ngayon ay kumakain ng kanilang uri. O sa mas madaling salita.. ZOMBIE, WALKER, BRAIN EATER, at kung anu-ano pang pwede mong itawag sakanila.

Ito ang pangyayari na nakita ko sa dito sa main city... Sa una hindi ako makapaniwala. Dahil una sa lahat, sa movies ko lang napapanood ang mga ganitong scenes. Pero ngayon, TOTOO NA!

I freaked out and couldn't move.. At dahilan yun upang hindi ko mapansin na may isa na pala sa mga 'kauri' nito ang palapit na pala sa akin.

Agad akong hinawakan nito sa balikat, at akmang kakagatin ako sa leeg. Na agad ko naman naiwasan at naitulak ko, na agad namang ikinatumba nito, dahil na rin sa marunong ako sa self-defense. Isa itong lalaki.. hindi, babae ata? Aba malay!

Hindi ko na alam kung ano 'to dahil sa itsura nito. Ang mga mata nito ay kulay puti na parang maulap, halos hindi mo na makita ang pupil nito, as in wala kang makikita, ang katawan nito'y bagsak at walang kabuhay-buhay: na parang pag nahipan ng hangin ay agad itong tutumba. Wasak ang leeg nito, at makikita mo na tumutulo pa ang dugo nito at labas ang laman nito sa tiyan. Sira-sira ang polo nito, mukha siyang pulubi na patay. Kaso, literal na patay!

Ang wasak nitong panga, halos makita mo na ang buong ngipin nito sa kanang bahagi ng mukha. Naririnig ko 'tong umuungol at parang dumadaing na ewan. Naamoy ko ang mabaho nitong amoy, maalinsangan sa ilong. Nakakasulasok, nakakarimarim, nakakadiri!

Hinanda ko agad ang sarili ko sa paglusob ng nilalang sa harap ko. Nung akmang susugod na, agad ko siya sinipa sa sikmura, sa awa ng Diyos tumumba naman ito.. Naalala ko na labas pala ang laman nito kaya lalo akong nandiri.

Bagong bili pa naman ang sapatos ko, halos magdadalawang buwan na rin sakin 'to. Umiling-iling ako. Gabrielle Lawrence Tan Ruelo Santiago! Focus! Hindi dapat sapatos ang iniisip mo in times like this!

Nang nakabalik na ako sa sarili. Nakita kong nakatumba pa rin ito, kaya tumakbo na ako. Agad kong kinuha ang phone ko sa backpack kong maliit. At dinial ang number ng mga magulang ko.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.. Please try your call later.."

Ang awtomatik na machine ang narinig kong sumagot sa akin.

Imposible?! Sa ganitong panahon pa naging unattended ang number nila. Err. Amatry calling Criz.

Si Criz, siya ang matuturing kong kapatid, bestfriend ko siya. Almost 4 years na rin kaming magbestfriend. Thank goodness. Nag-ring 'yung phone niya.

"H-hello? G-Gab?" halatang nanginginig ang tono ni Criz nang sagutin niya ang phone niya.

"Criz!! Thank God! Where are you?!" nag-aalala ako dito. Kahit na pareho kaming addict sa Zombies ay kinakabahan parin ako para dito.

"W-w-wala na sila, Gab.. I-I've killed everyone. They're no longer here! Gab! Please.. I can't take this anymore," tumatakbo na ako papunta sa kanila. I heard her cry even more..Oh, God? Please.. If you're there. If you could hear me. Please.. Guide us to safety. At nag-sign of the cross ako at hinawakan ang kwintas na binigay ng lola ko na may cross.

Isang kanto nalang ang dadaanan ko at konting liko-liko, malapit na ako sa bahay nila Criz. Mas lalo akong kinabahan nang makakita na apat na Zombie ang umaaligid sa daan.

Damn.. Ba't ngayon pa. Ito na..

May nakita akong kumpol-kupol na kahoy sa isang sako. Kumuha ako nang kahoy sa may gilid. Handa ka na ba?! Oo handa na ako! Tatakbo na sana na ako.. Nang maalala ko yung napagkwentuhan namin ni Criz.

(Flashback)

"Gab! Tignan mo 'to oh, Survival Guide para sa Apocalypse!" turo sa monitor ni Criz. Tumayo ako upang tignan ang binabasa niya.

"If you see a gang of zombies, do not run in front of them and start bashing the air. Why? First of all, you look STUPID. Second, you might not want the other zombies grab you and give you a nice HUG and a KISS from behind. You should sneak up from them.. And make sure you start bashing their head ONE BY ONE. SO, DO NOT RUN. I REPEAT, DO NOT RUN!"

Yeah! Yun na nga.. Thank you, Survival Guide! Sinapok ko ang ulo ko, hindi dapat ako nagiging ganito.. Focus!

Yumuko ako at tumingin-tingin sa likod, ayoko namang may zombie na umaaligid sa likod ko hindi ba? Agad akong nagtago sa isang pedicab, sumilip-silip ako..

Nakatalikod yung malapit sa akin - na nakatambay pa sa tapat ng gate nila Criz.. Yung dalawa, medyo malayo at magkaharap. Hindi naman nila ako kita, dahil may kotse na nakaharang. Haha! Naguusap kaya sila? Binatukan ko uli sarili ko. Puno talaga ako ng kalokohan..

Lumusot na ako sa gilid ng pedicab.. At dahan-dahan akong lumapit sa zombie na malapit sakin. Agad kong itinaas ang kamay ko at aktong hahampasin ko na sa ulo ang zombie. Nang bigla itong humarap! Muntikan na akong mapasigaw sa sobrang gulat!

Pesteng Zombie 'to. Nakuha pang mang-gulat.

Katulad nang una kong encounter, ang baho nito! Kaya agad kong hinampas ang ulo bago pa man ito makapag-ingay.. Ilang hampas pa.. Ayan! Gora! Ito pa! Boom! Plak! Tugs! Hanggang sa makita mong pisat na talaga yung ulo ng zombie. I think kilala ko siya?

Pero hindi ko na inisip kung sino pa 'to. Ang mahalaga makita ko agad si Criz ng buhay, as in totoong buhay!

The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon