Ilang oras na rin kaming nagbabantay ni Anne sa garahe. Wala isa sa amin ang nagsasalita. Minamatyagan namin ang bawat sulok ng paligid. Maging sa ibang bahay. Masyadong maliit ang spasyo kung hanggang sa garahe lang kami pupwesto. Kaya naman may naisip ako at binahagi ko kay Anne.
"Anne, bukas..", umpisa ko habang papalapit ako sa kanya. Nakatingin siya sa isang bahay tatlong bahay ang pagitan sa katapat namin.
"Oh?", nakatingin pa rin siya sa bahay. Kaya napatingin na rin ako.
"Bakit hindi tayo gumawa ng sarili nating camp?", sabi ko sa kanya.
"Maganda yan naisip mo. Kaso, konti lang naman tayong nagiistay dito sa subdivision..", hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya doon sa bahay.
Nainis ako. Ayoko sa lahat kapag kinakausap ko tapos hindi nakatingin sa akin. Kaya lumapit pa ako at tinignan yung tinitignan niya. Nang makita ko na wala naman movements sa bahay ay nagsalita ako.
"Tumingin ka nga sakin. Nakakaba--", bigla niyang tinakpan yun bibig ko at pinatahimik ako. Nagtaka naman ako at tumingin doon sa bahay.. Shit!
"Huwag kang maingay, Gabrielle. Hindi naman siya nakatingin dito kaya okey lang.", bulong niya.
"Shit! Ano yun?! Tao pa ba yun?!", bulong na sigaw ko.
"Hindi ko rin alam eh.", sabi niya. "Hindi ko masyadong naaninag dahil konti nalang ang street light dito sa inyo.", tumingin siya sa paligid at sinisipat ang mga street light.
Ano yung nakita namin? Well, para siyang isang specie na ewan. Joke! Tao yun! Pero hindi namin alam kung zombie ba siya or hindi. Kasi nga madilim! Kaya napagdesisyunan kong puntahan namin 'to kinabukasan dahil naclear out na naman namin yung labas at wala naman masyadong napasok na zombie. Kung meron man, hanggang front gate lang. Dito kasi sa back gate kitang-kita namin kung meron papasok, saka hindi sila makakapasok agad-agad. Dahil mataas yung fence at may napakadaming barbed wire sa tuktok. Madalas kasing may manakawan sa subdivision namin.
(N/A: True story, medyo madami na nga; lalo na sa likod na part. Sa harap kasi kami. Dalawang street kasi yung sakop ng subdivision namin kaya para siyang normal streets. Ang pagkakaiba nga lang yung dalawang street na yun may gates.. Sensya hindi ko nalagay, ngayon ko lang kasi naisip. Hihihi! Buti kami hindi pa. Salamat sa Diyos at huwag naman po sana.)
Bigla akong tinapik ni Anne sa balikat breaking my thoughts.
"Okey ka lang?", tanong niya sa akin.
"Himala, nag-alala ka ata sa akin?", umandar na naman ang pilyo kong utak. Inirapan lang niya ako at lumayo sa akin. "Uy, dito ka lang.. Ayaw mo ba akong kasama?", tawa-tawa kong asar sa kanya.
"Alam mo! Sa susunod nga h'wag ka nang magpresinta na sasamahan mo ako sa pagbabantay. Nang-aasar ka lang. Peste ka!", pinipigilan niya ang boses niyang tumaas kaya mas lalo akong natawa. Hindi ko ba alam kung pinipigilan niya dahil baka may mga zombie na makarinig o ayaw niya lang marinig kami? Both? Sa isip-isip ko.
"Ano tinatawa-tawa mo?!", tinaasan niya ako ng kilay.
"Haha! Wala wala!", natatawa pa rin ako. Parang wala kaming seryosong pinagusapan kanina no?
"Argh! Alam mo kung hindi kita kilala, baka akalain kong baliw ka na!", suntok niya sa braso ko.
"Aww.", kunwari nasaktan ako na parang babae. Dahilan para tumawa siya.
"OA nito, hindi naman masakit yun!", natatawa niyang sabi.
"Ang sakit kaya! Tignan mo may pasa na oh!", turo ko sa braso ko at nagpout. Ngayong may alam na ako sayo, hindi na ako maweweirduhan sayo.
"OA!", tumawa siya.
Dumaan pa ang ilang oras, at ganoon pa rin ang scenario namin; nagaasaran, tawanan at kulitan. Guguluhin ko yung buhok niya, hahampasin niya ako kung saan niya trip, kukurutin niya ako, kakagatin ko likod niya, tapos papagalitan niya ako. Dahil super sakit daw kaya ilang ulit niyang hahamapasin yung kamay ko. Hindi pa nga nakuntento, nanabunot pa. Dagdag ng isip ko. Ang sweet lang?
Hanggang sa di na namin namalayan, na may araw na pala. Nagkwentuhan na lang kami, siguro dahil nadrain na yung energy namin kakaharot sa isa't-isa. Pinagkwentuhan namin yung mga embarrassing moments namin noon. (N/A: Ang mga sumusunod niyong mababasa about sa 'embarrassing moments' ay totoong nangyari.)
"Ang nakakatawang embarrassing moment ko noon ay sa isang auction event sa SM ng isang online game. Akala ko kasi huhulaan mo yung price nung item. Inang'yan! Nawala sa isip ko na auction pala yun! Pahiya ako ng super nun.", nagblush ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap ang nangyari. Humagikgik siya.
"Ang tanga mo naman! ", sabi niya sakin.
"Wow! Thank you ah!", sarkastikong sabi ko sa kanya at sabay kaming tumawa. "Ikaw ano ang sayo?", tanong ko sa kanya. Bigla siyang yumuko. Nahihiya pa siya. Sobrang nakakahiya ba? Grabe!
"Nakakahiya!", sabi niya sa akin at nakita kong nagblushed siya.
"Haha! Bakit? Nadulas ka nun? Napahiya ka ba sa maraming tao nun? O baka naman napahiya ka sa harap ng crush mo?", pang-aasar ko sa kanya kaya tinapunan ako ng masamang tingin.
"Gago! Hindi yun!", hinampas na naman ako. Kumukota na 'to ah!
"Eh ano ba kasi?", himas-himas ko sa braso ko.
"Nalaglag ako sa man-hole!", bigla akong napatigil at tumingin sa mata niya. Nang makasiguradong hindi ako ginu-good time ni Anne ay bigla akong tumawa ng malakas! As in super lakas na nage-echo sa garahe. Sinabunutan niya ako't tinapakpan bibig ko.
"Gabrielle! Ang ingay-ingay mo!", sabi niya sakin.
"Hahaha! Alam mo maganda ka sana, tanga ka lang!", hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumatawa pa rin ako. Kaya lalo akong sinabunutan.
"Aray! Aray!", masakit na talaga 'to!
"Mukhang enjoy na enjoy kayo ah?", si Johy, gising na pala 'to. Bigla naman kami umayos.
"Si Gabrielle kasi!", turo bigla sa akin ni Anne.
"Hala?! Bakit ako?! Ikaw nga yung nananabunot diyan.", natatawa pa rin ako. Para kasi siyang bata magsumbong.
"Hala! Hala! Itong dalawang 'to. Magpahinga na nga kayo sa loob at kami na bahala dito. Gising na rin sila eh. Hala sige! Pasok na!", sabi niya sa amin na parang nanay namin. Tumingin ako kay Anne at ngumisi. Ngumiti naman siya at tumingin uli kay Johy. Mukhang alam niya yung nasa isip ko. Kaya naglakad kami.
"Opo, papasok na po kami.....", sabi naming dalawa. "...Inay.", sabay takbo kami sa loob. Hinabol naman kami ni Johy.
"Gago kayo! Anong inay inay kayo dyan?! Mga pisteng to! Hoy! Ikaw, Anne ang pinakamatanda sa ating lahat no!", sabi nito hindi na nakaabot dahil nilock ko yung pinto. Tawa kami ng tawa ni Anne at umakyat kami sa kwarto, hindi na namin pinansin yung iba sa baba at napahiga na kami sa kama.
=============================================================================
Vote or comment if you like this Chapter. If you have any suggestions just comment it below. :)
P.S. Nasa picture yung map nung subdivision. Acacia Drive (harap na street) at Molave Drive (likod). Yung blue square na nakikita niyo, doon nakapwesto yung bahay namin.
- Cheimerini_

BINABASA MO ANG
The Apocalypse
Mistero / ThrillerPaano kung yung dating nakasanayan mong sistema ay hindi na katulad noon? Paano mo haharapin ang bawat pagsubok na mangyayari araw-araw? Paano mo kakayanin ang nakakabaliw na pangyayari sa bagong mundong ginagalawan niyo? Paano ka makakapag-survive...